Is Clint Bondad alluding to Catriona Gray, Sam Milby in cryptic posts?

by Rachelle Siazon
Jul 16, 2020
Clint Bondad (left) is urged by netizens to "move on" following his almost-strange social media posts which may be alluding to his ex-girlfriend Catriona Gray (center) and her current beau Sam Milby (right).

Naka-move on na ba si Clint Bondad sa ex-girlfriend na si Miss Universe 2018 Catriona Gray?

Ito ang katanungan ng ilang Instagram followers ni Clint dahil sa agaw-pansin at kakaibang social media posts ng dating Kapuso actor.

Kagabi, July 15, may mga posts si Clint kung saan makikita ang pangalang "Sam" at mayroon ding iba pa na tila nagpaparinig tungkol sa kanyang "ex."

Pinaalalahan niya ang isang "Sam" na huwag mangilag sa kanya.

Sabi sa isang bahagi ng magkakasunod na Instagram Stories ni Clint:

"SawSam

"Don't let me be the reason for your Anxiety Attacks. Don't...

"Feel my fear of losing my heart

"I will exercise you 4 Infinity."

Continue reading below ↓

Sa isa pang Instagram Stories, nagbahagi si Clint ng litratong may mensaheng naglalaman ng salitang "Hell," na sinundan niya ng mga katagang "It's comfy here."

Dagdag pa ni Clint, "Dont worry I am only... the Ex."

Pagkatapos ay may pahabol siyang mensahe na wari'y tumutukoy sa kanyang ex-girlfriend na si Catriona, na isang beauty queen.

Continue reading below ↓

"P.S. I create Queens Because I push Yui BeyonD all Your Limits

"You are welcome Your bArch Angle Michael

"Letter ThanksEx."

HOT STORIES

NETIZENS TELL CLINT TO "MOVE ON"

Sa comments section sa kanyang Instagram feed, hindi maiwasang magtanong ng netizens kung may kinalaman ba sa breakup nila ni Catriona ang mga posts ni Clint.

Continue reading below ↓

Payo ng isa, "Sometimes you have to accept things the way they are and Move on."

Sagot ni Clint, "yeah actually correct."

May mga sumunod pang nagsabi kay Clint na sana ay mag-move on na ito, pero hindi na uli sumagot si Clint.

Continue reading below ↓


Mahigit anim na taong magkarelasyon sina Clint at Catriona bago sila naghiwalay noong December 2018.

Pero sabi ni Catriona sa isang February 2019 TV interview, bago pa siya lumaban sa Miss Universe ay hindi na sila nag-uusap ni Clint.

Ang tingin daw ni Catriona ay na-outgrow nila ni Clint ang isa't isa. Sa parte ni Clint, sang-ayon daw siya sa mga sinabi ni Catriona sa TV interview.

Continue reading below ↓

Inamin din ni Clint sa kanyang Instagram posts noon na may pinagdaanan siyang matinding depression at personal issues na tingin niya ay nakaapekto sa relasyon nila ng beauty queen.

CLINT'S DIRECT MESSAGE TO SAM

Pero sa hindi malinaw na dahilan, nag-i-initiate si Clint na magkaroon sila ng komunikasyon ni Sam Milby, ang current boyfriend ni Catriona.

Noong Lunes, July 13, nag-post sa Instagram Story si Clint ng screenshot ng direct message niya kay Sam.

"Want to become my client?" saad sa mensahe ni Clint.

Makikitang ipinadala niya iyon kay Sam, na ang Instagram handle ay @samuelmilby.

"HOW ABOUT WE HAVE A LITTLE CHAT," dagdag ni Clint.

Hindi malinaw kung business o personal ang sadya ni Clint kay Sam, pero tahimik lang si Sam hinggil sa isyu.

SAM POSTS SUPPORTIVE MESSAGE FOR CATRIONA

Noong araw na iyon, ang tanging ipinost ni Sam sa kanyang Instagram account ay isang video kalakip ng mensaheng "LET’S ALL PASS THE KINDNESS."

Continue reading below ↓

Ayon kay Sam, sumama siya sa outreach program ng Young Focus, isang non-government organization na layong tumulong sa edukasyon at health care ng mga batang nangangailangan.

Personal daw nasaksihan ni Sam ang advocacy work ni Catriona nitong panahon ng pandemya.

Sa comments section, nagpasalamat naman si Catriona sa pagsuporta ni Sam sa NGO na malapit sa puso niya.

Continue reading below ↓

SAM AND CATRIONA'S RELATIONSHIP

Umamin si Sam tungkol sa relasyon nila ni Catriona noong May 23, sakto sa 36th birthday ng aktor.

"Worth every second of the wait. Most special birthday yet," saad noon ni Sam kalakip ng litrato nila ni Catriona.

Isang araw bago noon, inamin ni Sam na "very special" sa kanya si Catriona.

Ito ay matapos ang ilang buwang espekulasyon tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Noon pang December 2018, kumalat sa social media ang litrato nilang magkasama sa isang farm.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 2019, kinumpirma ng talent manager na si Erickson Raymundo na siya ang nag-imbita kina Sam at Catriona, na pareho raw konektado sa kanya.

Hindi raw dapat bigyan ng kulay ang pagkikita roon ng dalawa dahil "good coincidence" lang na pareho niyang inimbitahan sina Catriona at Sam sa kanyang pag-aaring farm sa Tanay, Rizal.

Noong December 2019, tinanong si Catriona sa isang TV interview kung ano ang ugnayan nila ni Sam.

Continue reading below ↓

Ang sagot lang ng beauty queen ay "friend" ang turing niya sa Kapamilya actor.

Pareho raw sila ng talent manager at dinadaluhang church, dagdag ni Catriona.

Hanggang sa lumabas na nagkamabutihan nga sina Sam at Catriona, at ngayon ay magkarelasyon na.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Clint Bondad (left) is urged by netizens to "move on" following his almost-strange social media posts which may be alluding to his ex-girlfriend Catriona Gray (center) and her current beau Sam Milby (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results