DJ Chacha, Ted Failon emotional over imminent shutdown of ABS-CBN FM and AM stations

by Bernie V. Franco
Jul 16, 2020
DJ Chacha Ted Failon Teleradyo
MOR's DJ Chacha (left) and DZMM anchor Ted Failon (right) speak up about shutdown of ABS-CBN's AM and FM stations after August 31.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)

Hanggang sa katapusan na lang ng Agosto maririnig ang MOR 101.9, ang FM station ng ABS-CBN.

Kasunod nito ay inaasahan din ang tigil-operasyon ng lahat ng FM at AM stations ng Kapamilya network.

Ibig sabihin nito, mababawasan na ang mga balitang maihahatid ng radyo sa iba't ibang sulok ng bansa.

Mawawalan na rin ng trabaho ang mga empleyado ng radio stations ng ABS-CBN sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Bunsod ito ng pagsasara ng ilang kompanya at malawakang pagbabawas ng empleyado ng ABS-CBN simula sa August 31.

Ito ang resulta ng pagbasura ng Kongreso sa franchise renewal ng Kapamilya network.

DJ CHACHA ON MOR'S LAST 45 DAYS

Isa sa labis na apektado sa nalalapit na pagsasara ng radio stations ng ABS-CBN ay ang disc jockey na si DJ Chacha, 32.

Sa episode ng Failon Ngayon Teleradyo sa DZMM ngayong Huwebes ng umaga, July 16, hindi napigilang maging emosyonal ni DJ Chacha.

Continue reading below ↓

Huling 45 araw na kasi ng FM at AM stations ng ABS-CBN.

“Hindi retrenchment yung nangyari, nawala talaga yung MOR. Wala na munang MOR,” himutok ni DJ Chacha.

Higit isang dekada na siyang nagtatrabaho bilang DJ sa Kapamilya FM station.

Emosyunal na pahayag niya, “Halos kalahati ng buhay ko, kasama ko po yung 101.9 family ko.

“Masakit na mawawalan ng trabaho, pero mas masakit yung istasyon na pinuhunan mo yung pawis mo bago kami maging number one FM station, yung hirap na pinagdaanan ng MOR team…

“Kasabay pa dun yung hindi mo na makikita yung mga katrabaho mo, di mo na makakasama.

“Hindi ito usaping pera, tahanan ko ang MOR for twelve years.

“Hindi ko makita ang sarili ko na hindi nagraradyo. Mahal ko talaga yung radyo, mahal ko po yung MOR.”

Mas inaalala raw ni DJ Chacha ang iba pang kasamahan sa trabaho.

“Ako nga, maswerte pa ako kasi may iba akong source of income, maayos naman ang buhay ko.

Continue reading below ↓

“Pero meron kasi akong mga katrabaho sa MOR na yun lang yung inaasahan nila.

“Yung iba single mother, yung iba single father, yung iba tinutulungan ang pamilya, may mga hinuhulugang bahay, may hinuhulugang kotse...

“So, hanggang August 31 na lang.”

Diin niya: “Hindi retrenchment yung nangyari, nawala talaga yung MOR. Wala na munang MOR.”

HOT STORIES

TOWN HALL MEETING

Kahapon, July 15, nagkaroon ng town hall meeting ang ABS-CBN kung saan inanunsiyo ng mga big boss ng network na sisimulan nila ang retrenchment sa katapusan ng Agosto.

May higit 11,000 empleyado ng istasyon ang nangangamba ngayong mawalan ng hanapbuhay.

Ani DJ Chacha, pagkatapos ng town hall meeting, pinulong naman ang staff ng MOR 101.9 kasama ang kanilang mga boss.

“Yung naririnig niyo, kami lang yun, pero marami pang nagtatrabaho sa MOR, meron tayong mga online staff.

“Tapos yung mga staff ng radyo na hindi niyo napapakinggan, yung mga staff natin, so lahat kami nandodoon para makinig kung ano na ang mangyayari sa MOR.”

Continue reading below ↓

Dito raw inanunsiyo ng kanilang mga boss, na sina ABS-CBN Music Head Roxy Liquigan at Station Manager Mars Ocampo, na hanggang August 31 na lang sila mapapakinggan sa ere.

Ayon kay DJ Chacha, maaapektuhan din ang regional FM radio station counterparts ng MOR 101.9.

“So, kami nga po ay under ABS-CBN, ang FM station dito sa Maynila, pero hindi lang kami 'yon.

“Marami pong MOR sa buong Pilipinas. Hindi lang sa Maynila ang mga mawawalan ng trabaho.”

TED FAILON ON SHUTDOWN OF KAPAMILYA RADIO STATIONS

Naging diretso naman si Ted Failon, 58, sa kahihinatnan ng lahat ng radio stations ng ABS-CBN—FM man o AM.

“To be frank about it, sadly, wala ang franchise, at cease operation na supposed to be.

"So it follows na lahat po ng AM at FM stations po, definitely ay hindi na po makapagpapatuloy.”

Pagsisiwalat pa ng veteran radio and TV anchor, “Sa Metro Manila, dito po sa Teleradyo ay magkakaroon po ng pagpupulong.”

Continue reading below ↓

Ang DZMM ang AM station ng ABS-CBN.

Lahad ni Ted, hirap ang ABS-CBN management sa pagtimbang ngayong napilitan silang mag-retrench.

“Alam mo, ang napakahirap din kung ikaw yung management, yung sitwasyon na papa'no ka makapagpapatuloy pa rin, para meron pa ring maisalba na mga manggagawa.

“Bagamat ito ho yung pinakamasakit na pagkakataon na para ho matukoy mo kung sino pa rin ang maaaring mag-stay, para sa patuloy pong operasyon ng ilan pa hong mga programa ng ABS-CBN para maisahimpapawid ‘yan.

“Hindi ho sa pamamagitan ng broadcast through sa frequency, kung hindi ho sa cable at through the internet.”

SHUTDOWN

Nag-tweet naman ang ABS-CBN news anchor na si Karen Davila para makisimpatiya kay DJ Chacha.

Nabanggit din ni Karen na 18 FM stations at limang AM stations ng ABS-CBN sa iba’t ibang bahagi ng bansa “will be shutting down.”

Continue reading below ↓

Sa ABS-CBN News and Public Affairs department, ang mga TV programs na titigil sa pag-ere ay ang Rated K, Failon Ngayon, Mission Possible, Matanglawin, Kuha Mo, S.O.C.O., at Umagang Kay Ganda (UKG).

Nag-tweet din ang batikang announcer at UKG host na si Ariel Ureta tungkol sa pagtigil ng kanilang early-morning show.

“Tayong mga nawalan ng trabaho, ang dami nating oras. Let’s use our time well,” mensahe nito.

Sagot sa kanya ng UKG co-host na si Gretchen Ho: “Yakap, Senyor.”

Continue reading below ↓

Sa social media rin nagpahayag ng kalungkutan ang ABS-CBN news pillars na sina Ces Drilon, Karen Davila, at Lynda Jumilla kaugnay ng nakaambang retrenchment ng network employees.

Kasalukuyan pa ring napapanood at nasusubaybayan ang ABS-CBN programs sa Kapamilya Channel sa cable, social media accounts (Facebook, YouTube, Instagram, at Twitter), at iWant, ang online media platform ng TV network.

Continue reading below ↓

July 10, 2020 nang tuluyang ibasura ng House Committee on Legislative Franchises ang apela ng ABS-CBN para sa franchise renewal.

Inaakalang naaayon ang desisyon ng Lower House sa kagustuhan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MOR's DJ Chacha (left) and DZMM anchor Ted Failon (right) speak up about shutdown of ABS-CBN's AM and FM stations after August 31.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results