“But how can you prepare for comatose, or death, really?”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Korina Sanchez tungkol sa desisyon ng ABS-CBN management na magbawas ng empleyado at ipatigil ang produksiyon ng ilang programa.
Noong July 10, overwhelming ang naging botohan sa House Committee on Legislative Franchises—sa botong 70 "Yes" kontra 11 "No"—upang ibasura nang tuluyan ang aplikasyon ng broadcast giant.
Dahil dito, hindi na makakabalik sa free-to-air broadcast ang ABS-CBN.
Mahalaga sa isang TV o radio station ang free-to-air frequency. Mas malaki ang kikitain ng istasyon sa advertising dahil mas malawak ang maaabot nitong mga kabahayan.
Kahapon, July 15, inanunsiyo ng ABS-CBN management sa mga empleyado at talents na hanggang August 31 na lamang ang operasyon ng ilang subsidiaries ng ABS-CBN Corporation.
Malaking porsyento rin ng kanilang mga manggagawa ang matatanggal sa trabaho.
Kabilang ang Rated K ni Korina sa mga programang ititigil na ng ABS-CBN.
Ngayong Huwebes ng hapon, July 16, sa pamamagitan ng Instagram at Facebook, ibinahagi ni Korina ang saloobin sa mga kaganapan ngayon sa kinabibilangang istasyon.
Tatlumpung taon nang parte ng ABS-CBN ang 55-year-old veteran broadcaster.
Saad niya, “You're hearing it correctly, so far, I guess. It is a bloodbath.
“This family is slowly but surely being torn apart.
“We are called one by one, personally, to be told that we are 'discontinued'.
“Not news to me. I tried to be prepared. But how can you prepare for comatose, or death, really?”
Malaking dagok daw ito sa iba, lalo na para sa mga walang masyadong "options and means."
Ani Korina, “Others taking it much harder. They have much less options and means.
“We help those we simply can’t deny, but few can’t save all.”
Parang isang masakit na punyal daw ang tumusok sa puso nila.
Magpapatuloy raw ang kirot na dulot nito, at hindi alam kung hanggang kailan nila ito kayang indain.
Ayon kay Korina, “Apart from the infliction on the gut, it is the heart where it tugs hardest, this episode. We have yet to see how it settles.
“This is, and will continue to be, painful.”
LAST CHRISTMAS STATION ID?
Kalakip ng post ni Korina ang group photo ng ilang bigating artista at broadcasters ng ABS-CBN.
Kasama niya rito sina Ted Failon, Zsa Zsa Padilla, Karylle, Cristine Reyes, ang yumaong si Eddie Garcia, Coco Martin, Susan Roces, Noli de Castro, Senator Lito Lapid, Maja Salvador, Regine Velasquez, Vice Ganda, Sarah Geronimo…
Toni Gonzaga, Martin Nievera, Maricel Soriano, Angel Locsin, Charo Santos, Bea Alonzo, Gerald Anderson, Vhong Navarro, Dawn Zulueta, Jericho Rosales, Carmi Martin, Piolo Pascual, at Ogie Alcasid.
Kuha ito dalawang taon na ang nakalipas para sa Christmas station ID ng network.
Pagbabalik-tanaw ni Korina, “Who knew two years ago that this Christmas Station ID would be the last time, for now, that some of us originals would stand together for a joyful pose?
“This is one to cherish for a lifetime: L-R: Ted, Zsazsa, Karylle, Christine, Manong Eddie, Coco, Tita Susan, Noli, Sen. Lito, Maja, Regine, Vice, Sarah, Toni, Martin, Marya, Angel, Charo, Bea, Korina, Gerald. KNEELING: Vhong, Dawn, Jericho, Carmi, Piolo, Ogie.
“You all know us by our first names, right?
“That’s how long two generations of us is. Ganon katagal tayo nagsama.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika