Government to set up one-stop-shop for retrenched ABS-CBN workers

Jul 17, 2020
A day after Senator Joel Villanueva (right) urged the government to help thousands of ABS-CBN employees who are about to lose their jobs following the network's failed franchise renewal bid, Malacañang Spokesperson Harry Roque (left) on Thursday, July 16, says he will ask the Department of Labor and Employment to open a one-stop shop in ABS-CBN to assist those who will be retrenched.
PHOTO/S: PCOO, Jerome Ascano, @joelvillanueva on Instagram

Dagsa ang suportang ibinibigay ng maraming Kapamilya stars sa mga regular employees ng ABS-CBN na walang mga ipon at walang mga ibang income.

Dagsa rin ang galit ng maraming mamamayan sa ginawang pagsara ng gobyerno sa pinakamalaking broadcast station sa bansa.

Liban sa pag-aalma sa sinasalantang malayang pamamahayag, umaalma ang mga tao sa pagkawala ng trabaho ng libo-libong empleyado sa panahon ng epidemya.

Tinatawag nilang "walang puso" ang Rodrigo Duterte government.

Ito marahil ang nag-udyok sa Malacañang na kumilos, at mag-anunsiyo ng tulong sa mga mawawalan ng trabaho sa network.

Magtatayo raw ito ng one-stop shop sa main office ng ABS-CBN sa Mother Ignacia, Quezon City, para maayudahan ang mga mali-lay off.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa interview sa kanya ng CNN Philippines nitong Huwebes ng umaga, July 16.

Ayon sa tagapagsalita ng Malacañang, makikipag-ugnayan siya kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestro Bello III para sa itatayong one-stop shop para sa Kapamilya employees.

Continue reading below ↓

“Kokontakin ko si Secretary Bello and I will encourage him to open a one-stop-shop siguro dun sa ABS-CBN to assist those who will be retrenched.

“Rather than sila ang pupunta sa mga government agencies, I will suggest na magpadala na lang ng one-stop-shop,” sabi ni Roque.

Sa one-stop-shop ng DOLE, magsasama-sama raw ang government agencies na nag-iisyu ng mahahalagang dokumentong kailangan sa pag-a-apply ng trabaho.

Nasa one-stop-shop ang mga kinatawan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa kukuha ng income tax records, National Bureau of Investigation (NBI) para sa clearance, Philippine Statistics Authority (PSA) para sa birth o marriage certificates, at Professional Regulation Commission (PRC) para sa professional license.

May mga kinatawan din doon ang Social Security System (SSS), Pag-IBIG Fund, at PhilHealth para naman sa mga kukuha ng records ng kontribusyon, at maging ang Philippine Postal Corporation sa mangangailangan ng government ID.

JOB FAIR, ONE-STOP-SHOP FOR ALL JOBSEEKERS

Sa Malacañang virtual press briefing ni Roque bandang tanghali, kinumpirma niyang nagkausap na sila ni Labor Secretary Bello.

Continue reading below ↓

Magkakaroon daw ang DOLE ng one-stop-shop, job fair, at job referral system, hindi lang sa ABS-CBN, kundi maging sa ibang lugar sa Metro Manila.

“Magkakaroon po siya (Bello) ng one-stop-shop center para po sa NCR at para po sa ABS-CBN, para makapag-apply doon po ang mga mare-retrench na empleyado ng ABS-CBN,” ani Roque.

Nilinaw ni Roque na ang job fair at one-stop-shop ng DOLE ay hindi lang para sa Kapamilya employees, kundi para sa lahat ng nawalan ng trabaho sa Metro Manila.

Wala pang inihayag na petsa kung kailan ito isasagawa.

RETRENCHED CAN AVAIL OF LOANS, EMERGENCY EMPLOYMENT

Isa rin sa option ng mga mali-layoff sa ABS-CBN, ayon kay Roque, ang mag-loan sa Pag-IBIG Fund o sa Social Security System (SSS).

Bukod pa raw ito sa livelihood loans na alok ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA).

Sinabi rin niyang maaaring mag-avail ang mga empleyado ng network ng special labor programs ng DOLE.

Continue reading below ↓

Binanggit ni Roque ang TUPAD, o ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers, ng DOLE.

Ang TUPAD ay isang community-based emergency employment program kung saan babayaran ang kada araw na trabaho ng benepisyaryo. Tatagal ang trabaho ng 10-30 araw lamang.

Idinisenyo raw talaga ang mga programang ito para ayudahan ang mga nawalan ng trabaho ngayong may COVID-19 pandemic.

COVID-19 HAS NOTHING TO DO WITH ABS-CBN SHUTDOWN

Gayunman, walang kinalaman ang COVID-19 sa tigil-operasyon sa malaking bahagi ng pinakamalaking media conglomerate sa bansa.

Magsasara ang broadcasting unit at iba pang subsidiaries ng ABS-CBN dahil ibinasura ng Kamara ang franchise renewal application nito noong Biyernes, July 10.

Bagamat paulit-ulit nang itinanggi ng Malacañang na may kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte (PDP-Laban) sa pagkakait ng prangkisa sa ABS-CBN, hindi maiwasang iugnay ang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Simula April 2017, ilang beses nagbanta ang Presidente—sa kanyang televised speeches—na haharangin niya sa Kamara ang prangkisa ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ginantso raw kasi siya ng network nang hindi iere ang kanyang campaign ads noong 2016, kahit bayad na ang mga ito.

Humingi na ng paumanhin sa Pangulo si ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak.

Tinanggap naman ito ni Duterte.

Pero sa huli, ibinasura pa rin ang aplikasyon ng ABS-CBN, na hindi nabigyan ng sana ay panibagong 25-taong prangkisa.

HOT STORIES

LAYOFFS START ON AUGUST 31

Nitong Miyerkules, July 15, kinumpirma ng pamunuan ng ABS-CBN na magtatanggal na ito ng maraming empleyado simula sa August 31.

Kasunod nito, nagpahayag ng suporta sa libu-libong mawawalan ng trabaho ang maraming Kapamilya stars.

Continue reading below ↓

Ang latest na nanindigan para sa ABS-CBN workers ay sina Vice Ganda, Angel Locsin, Karla Estrada, at Alex Calleja.

Dasal naman ang panawagan nina Sharon Cuneta, Lea Salonga, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Bianca Gonzalez para sa mga maaapektuhan ng retrenchment.

Sa serye ng #LabanKapamilya Facebook Live protest ng iba’t ibang Kapamilya stars noong May, karamihan sa celebrities—tulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla—ay nagsabing mas nag-aalala sila para sa 11,000 empleyado.

Continue reading below ↓

Kahit paano ay nakaipon at may sarili nang mga negosyo ang maraming Kapamilya stars. May alternatibo silang income, hindi tulad ng karamihan sa mga manggagawa ng network.

VILLANUEVA SAYS GOVERNMENT MUST HELP

Miyerkules ng hapon, nanawagan si Senator Joel Villanueva (CIBAC Party-list) sa gobyerno na tulungan ang mga empleyado ng network na mawawalan na ng source of income.

Continue reading below ↓

Hindi na raw mahalaga ang mga isyung ibinabato sa ABS-CBN sa ngayon.

Ang importante ay maayudahan ang mga biglaang nawalan ng pagkakakitaan, ani Villanueva.

“Sino man ang tama, sino man ang mali, the government should be prepared to give a helping hand,” sinabi ni Villanueva sa online briefing sa Senate reporters.

Si Villanueva ang chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development.

“ALSO THE PROBLEM OF THIS COUNTRY”

Malaking problema kasi ng buong bansa ang ABS-CBN shutdown, ayon sa senador.

“These are not just workers, workers and families affected who will be unemployed, who will probably experience different sorts of problems… anxiety. It is a big problem.

“It is not just a problem of ABS-CBN, or these 11,000 workers and families. But also the problem of this country.”

Ayon kay Villanueva, tiyak na may epekto ang pagsasara ng malaking bahagi ng largest media network sa ekonomiya ng bansa.

Continue reading below ↓

“As I mentioned, itong economy ang laki ng effect sa shutting down of the ABS-CBN.”

Paliwanag niya: “Yung value chain na tinatawag, yun ang di masyadong napag-uusapan. Yung suppliers, yung mga caterers, etcetera—yung retirement nila [ABS-CBN employees na pinagretiro], kasama 'yan sa value chain.”

Pagkabasura ng Kamara sa franchise application ng ABS-CBN nitong July 10, nanawagan si Villanueva sa gobyerno na tulungan ang mga mawawalan ng trabaho.

Sa serye ng tweets ng senador, sinabi niyang madadagdag ang libu-libong Kapamilya employees sa 7.3 milyong Pinoy na walang trabaho ngayong may pandemic.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A day after Senator Joel Villanueva (right) urged the government to help thousands of ABS-CBN employees who are about to lose their jobs following the network's failed franchise renewal bid, Malacañang Spokesperson Harry Roque (left) on Thursday, July 16, says he will ask the Department of Labor and Employment to open a one-stop shop in ABS-CBN to assist those who will be retrenched.
PHOTO/S: PCOO, Jerome Ascano, @joelvillanueva on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results