Nikki Valdez worries about husband Luis Garcia's job amid ABS-CBN mass layoff 

by Arniel C. Serato
Jul 17, 2020
ABS-CBN actress Nikki Valdez embracing husband Luis Garcia, a sales executive at the network: "Dalawa lamang ito sa mukha ng libo libong empleyado ng ABSCBN na mawawalan ng trabaho sa susunod na buwan. May posibilidad na kasama ang asawa ko doon.”
PHOTO/S: Courtesy: @hoyluisito on Instagram

Nanganganib na sabay mawalan ng trabaho ang aktres na si Nikki Valdez at ang mister niyang si Luis Garcia.

Parehong nagtatrabaho sa ABS-CBN si Nikki, bilang talent, at si Luis, bilang sales executive.

Bahagi si Nikki ng primetime series na A Soldier’s Heart na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.

Sa August 31, karamihan sa mahigit 11,000 empleyado ng network ang matatanggal sa trabaho dahil sa retrenchment na ipatutupad ng management.

Kasunod ito ng pagkitil ng House Committee on Legislative Franchises sa aplikasyon ng network ng panibagong prangkisa noong July 10.

Ibig sabihin, hindi na maaaring makapag-broadcast ang istasyon gamit ang state-owned frequency.

NIKKI VALDEZ

Sa kanyang Instagram kahapon, July 16, nagbahagi ng isang madamdaming mensahe ang 41-year-old actress.

Makikita rito ang larawan nilang mag-asawa na magkayakap.

Sabi ni Nikki sa kanyang caption: “Dalawa lamang ito sa mukha ng libo libong empleyado ng ABSCBN na mawawalan ng trabaho sa susunod na buwan.

Continue reading below ↓

“May posibilidad na kasama ang asawa ko doon.”

Kasunod nito ay nagpasaring si Nikki sa mga bashers ng ABS-CBN at sa mga taong natutuwa pa sa sinapit ng kumpanya.

Aniya, “Madali lang para sa inyo na sabihin na hindi lang naman sa amin nangyari o nangyayari ito.

“Na maghanap nalang kami ng ibang trabaho.

“Na huwag kami mag over react.

“Na kumpanya namin ang may kasalanan.

“Na buti nga sa ABSCBN magsasara na.

“Yung iba nga nagdidiwang pa.”

Pangongonsensiya ni Nikki, “Sana kaya niyong sabihin yan sa mga empleyadong sila lang ang inaasahan ng pamilya nila, na may mga sinusuportahan, pinag aaral, yung iba buntis pa at may pinapagamot na kamag-anak.

“Sana kaya niyo sagutin ang lahat ng gastusin nila at kinabukasan ng mga pamilya nila...”

Diretsong pang-uuyam niya sa mga taong nagdiwang sa sinapit ng ABS-CBN:

“Kaya para po sa inyo ang post na ito para paalala sa mga tuwang tuwa nagsara kami, sa 70 kongresistang bumoto sa pagdeny ng aming prangkisa at sa gobyerno nating puno ng galit at paghihiganti lang ang nasa isip at puso sa gitna ng magulo nang mundo at pandemya na dinaranas ng ating bansa.”

Alam naman daw ni Nikki na hindi sila pababayaan ng Maykapal sa kanilang kinakaharap na problema.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Kapamilya, kapit lang. Tiwala lang. Ang Diyos ay pinagdudahan, inalipusta, binaboy at tinalikuran din ng maraming nagtiwala sa Kanya kaya alam na alam Niya ang pinagdadaanan nating lahat ngayon.

"Hindi mananaig ang kasamaan kahit kailanman.

“MAHAL NA MAHAL KO KAYO. YAKAP NA MAHIGPIT!
#KapamilyaFOREVER

LUIS GARCIA

May maiksi namang mensahe ukol dito ang asawa ni Nikki.

Continue reading below ↓

Gamit ang parehong larawan, mensahe ni Luis sa kanyang Instagram post: “Mahigpit na yakap para sa lahat ng Kapamilya. “#kapamilyaforever #labankapamilya.”

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Luis, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, ngayong gabi ng Biyernes, July 17.

Inusisa namin kung apektado ang sales department sa pagbabawas ng tauhan sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Tugon nito sa amin, “Lahat ng departments affected talaga. Maraming nawalan at mawawalan pa ng work.

“Sa amin, naghihintay pa kami ng advice galing sa mga boss namin. But for sure maraming mamamaalam.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN actress Nikki Valdez embracing husband Luis Garcia, a sales executive at the network: "Dalawa lamang ito sa mukha ng libo libong empleyado ng ABSCBN na mawawalan ng trabaho sa susunod na buwan. May posibilidad na kasama ang asawa ko doon.”
PHOTO/S: Courtesy: @hoyluisito on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results