Catriona Gray posts about "darkness" amid cryptic posts by ex-boyfriend Clint Bondad; Sandra Lemonon defends Miss Universe 2018

by Bernie V. Franco
Jul 17, 2020
Sandra Lemonon (left photo, in blue) about Clint Bondad's (right) posts alluding to Catriona Gray (left, in gold) and current boyfriend Sam Milby: "Whatever is happening to him, it is clear to see that he is not in a healthy state of mind & it’s sad to see a lot of people treating this as a show."
PHOTO/S: Twitter / @clintbondad on Instagram

Makahulugan ang Instagram post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ngayong Biyernes ng hapon, July 17.

Ito ay sa gitna ng pagdawit ng kanyang pangalan sa sunud-sunod na cryptic posts ng ex-boyfriend na si Clint Bondad.

May mga mapanirang intriga ngayon kay Catriona matapos magpasimuno si Clint ng mga patutsada sa social media.

Bagamat walang partikular na pinatutukuyan, umaakma ang post ni Catriona sa isyung pinasimulan ng dating kasintahan.

Mensahe ng beauty queen: “The weapon may be formed but it won’t prosper. When the darkness falls it won’t prevail.

“Cause the God I serve knows only how to triumph. My God will never fail.”

Continue reading below ↓

CLINT'S CRYPTIC POSTS

Nitong mga nakalipas na araw, sunud-sunod ang pag-iingay ni Clint sa Instagram Stories.

Pakiwari ng mga nakabasa, mga patama ito kay Catriona at sa kanyang current boyfriend, ang aktor na si Sam Milby.

Lalo pang naintriga ang netizens nang magpahiwatig si Clint na may isisiwalat siya nitong Biyernes ng madaling-araw, July 17.

Pakiramdam ng netizens, ang ibubunyag ni Clint ay tungkol kina Catriona at Sam.

Lampas isang milyon netizens ang nag-engage sa Instagram Stories ni Clint, at higit 24 oras siyang trending topic sa Twitter.

Pero naghintay sa wala ang mga nag-abang dahil walang matinding pasabog si Clint.

Kasabay ng pag-iingay ni Clint, may mga mapanirang blind items na lumabas. Duda ng netizens, sina Catriona, Sam, at Clint ang mga tauhan dito.

Gayunpaman, may netizens ding kumuwestiyon na sa pag-iingay ni Clint, at inaalam kung bakit mayroon siyang ganitong hugot.

Palagay ng iba, hindi pa naka-move on si Clint sa paghihiwalay nila ni Catriona.

Continue reading below ↓

May iba namang naghihinalang nasa impluwensiya ng kung anong substance si Clint.

SANDRA, AVID FAN DEFEND CATRIONA

Nakahanap ng kakampi si Catriona sa katauhan ng isang avid fan.

Ngayong Biyernes, July 17, maanghang ang pinakawalang pahayag ng isang Catriona fan sa Instagram fan page na @catrionauniverse.

Kinondena ng fan ang “chismis culture” ng mga Pilipino “who are participating in degrading this woman’s reputation all over social media and reducing her worth in order to stroke a man’s ego.”

Malinaw na si Catriona ang “woman” na tinutukoy ng fan, habang ang “man” ay si Clint.

Hirit ng Catriona fan, nagkakaroon ng “erratic-crack-induced-episode” si Clint kaya kung anu-ano ang ipinu-post nito.

Sumegunda rito si Sandra Lemonon, matalik na kaibigan ni Catriona.

Si Sandra ay kapwa contestant ni Catriona sa Binibining Pilipinas noong 2018. Kasalukuyan ding kandidata si Sandra sa Miss Universe Philippines 2020.

Komento ni Sandra, “The most alarming thing here is that some people actually decide to support toxic behaviour... & believe it’s okay. It is not.”

Continue reading below ↓

Hindi raw nakakabuti ang “chismis culture” sa kahit kanino at dapat itigil na ito.

“Whatever is happening to him, it is clear to see that he is not in a healthy state of mind & it’s sad to see a lot of people treating this as a show,” pagtukoy ni Sandra kay Clint.

Paalala pa ni Sandra, hindi dahil public figure si Catriona ay hindi na ito naaapektuhan ng mga usap-usapan laban sa kanya.

“Humans are not perfect. People should stop expecting this on anyone."

Dagdag niya, “One day Cat will open up her side of the story & come out stronger than ever before.

“To every person that ever doubted her good intentions, accused her of things she didn’t do, I hope that you will all learn how to not judge anyone or [be] quick to React especially when you don’t know the full story”

Continue reading below ↓

February 2019 nang kumpirmahin ni Catriona ang paghihiwalay nila ni Clint pagkatapos ng anim na taong relasyon.

Kinumpirma naman ni Sam ang relasyon nila ni Catriona nito lamang May 2020, kasabay ng ika-36 birthday ng ABS-CBN actor.

Sina Sam at Catriona ay pareho ng kinabibilangang talent-management arm, ang Cornerstone Entertainment.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sandra Lemonon (left photo, in blue) about Clint Bondad's (right) posts alluding to Catriona Gray (left, in gold) and current boyfriend Sam Milby: "Whatever is happening to him, it is clear to see that he is not in a healthy state of mind & it’s sad to see a lot of people treating this as a show."
PHOTO/S: Twitter / @clintbondad on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results