Netizens accuse Xander Ford of coming out to divert attention from recent controversy

Jul 18, 2020
Social media celebrity Xander Ford comes out as bisexual in his Instagram Stories uploaded on July 17, 2020. Netizens, meanwhile, accuse him of coming out to cover his past controversies.
PHOTO/S: @z4nder.official on Instagram

Inamin ng social media star na si Xander Ford ang tunay niyang sexual orientation.

Sa kanyang Instagram stories kahapon, July 17, 2020, sinabi ni Xander, "I am part of LGBTQ #BISEXUAL"

Inilagay niya rin ito sa kanyang Instagram profile na ngayon ay nagsasabing siya ay bisexual.

Continue reading below ↓

Si Xander, o Marlou Arizala sa totoong buhay, ay dating member ng boy group na Hasht5 bago siya sumikat dahil sa kanyang makeover transformation noong 2017.

Nitong February 2020 unang nagpahiwatig si Xander ng suporta sa LGBTQ community gamit ang isang Instagram post na may naka-makeup siya't nakasuot ng wig para magmukhang babae.

Continue reading below ↓

Sabi niya sa caption, "Walang masama sa pagiging bakla.

"Ang masama ang mga utak ng tao na kahit dimoinaano madaming panlalait ang masasabi sayo."

XANDER DENIES BEING AN ABUSIVE BOYFRIEND

Hunyo ng taong ito ay nag-trend si Xander sa Twitter matapos ilabas ng kanyang ex-girlfriend sa Facebook and diumano'y rason ng kanilang hiwalayan.

Continue reading below ↓

Kumalat sa social media ang screenshot ng Facebook post ng kanyang nobya, na noong June 17 ay lumayas sa tinitirhan nilang condo unit.

Matinding away diumano sa pagitan nilang magkasintahan ang dahilan ng paglayas ng girlfriend ni Xander.

Base sa post, "pinilit" umano ni Xander na "may mangyari" sa kanila ng kanyang nobya "kahit na AYAW KO" at umiyak at nagmakaawa pa raw siya.

Akusa ng non-showbiz girl, nagagalit si Xander kapag hindi siya pumapayag na may mangyari sa kanila.

Pinagbubuhatan rin daw siya ng kamay ng kanyang nobyo.

Bahagi ng pahayag ng babae, "Pinagmukha mo lang na KATAWAN Lang habol mo sa akin."

Ito naman ay mariin na itinanggi ni Xander noong siya ay naglabas ng pahayag sa Facebook noong June 18.

Dito sinabi ni Xander na walang katotohanang katawan lang ang habol niya sa dating nobya na ang tawag niya ay "Mahal."

"Sa sinabi mo na gusto ko lang sa 'yo yung katawan mo, hindi mahal, e.

Continue reading below ↓

"Kasi sobra... Alam mo naman yun, sobrang mahal na mahal kita."

Dagdag niya, "Tapos yung sinasabi mong binugbog? Hindi ko kaya gawin.

"Kasi yung Papa ko, bata pa lang ako nabubugbog na ako ng ilang beses. Alam ko yung pakiramdam pag binubugbog.

"Natatakot nga ako, may phobia nga ako pag may ganun pong nangyayari...

"Alam ng Panginoon yun na hindi kita sinaktan.

"Hindi kita sinaktan kasi may kapatid akong babae. May Mama po ako."

NETIZENS EXPRESS DISMAY on XANDER'S REVELATION

Dahil sa intrigang ito na kinasangkutan ni Xander, maraming netizens ang tila hindi naniniwala sa ginawang pag-amin ni Xander ng kanyang sexual orientation.

Bukod sa Instagram stories, siya ay nag-upload ng isang litrato sa Instagram na may nakasulat na, "Being one of them is not a crime, #bahaghari"

Continue reading below ↓

Maraming netizens ang kinontra ito at sinabing hindi raw ang kasarian nito ang isyu, kundi ang kanyang paglalantad matapos niyang masangkot sa mga kontrobersiyang may kinalaman sa kanyang ex-girlfriend.

"Nang-rape ka lang, naging bi ka na," ang sabi ng isang netizen.

"Ay sorry, pero hindi ka welcome sa amin," sambit ng isa pang Instagram user.

Continue reading below ↓

Samantala, nagpasalamat naman si Xander sa kanyang supporters, kabilang na si Filipino-German model-turned-actor Cllint Bondad.


Continue reading below ↓


HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Social media celebrity Xander Ford comes out as bisexual in his Instagram Stories uploaded on July 17, 2020. Netizens, meanwhile, accuse him of coming out to cover his past controversies.
PHOTO/S: @z4nder.official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results