Michael V. tests positive for COVID-19

by Jojo Gabinete
Jul 20, 2020
Michael V.: "Positive just as what we suspected early on. Alam kong hindi normal yung nawala yung pang-amoy ko, and I was counting na may kinalaman talaga yun sa COVID. Pero I was also praying na sana, wala. Sana allergy lang or something."
PHOTO/S: Screen grab from #BitoyStory YouTube

Kinumpirma ni Michael V. sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel ngayong Lunes, July 20, na nagpositibo siya sa COVID-19.

Well-documented ang COVID-19 journey ni Michael V.

Ipinakita nito sa kanyang vlog ang pag-uumpisa ng mga pagbabago sa kanyang pakiramdam, ang pagsailalim niya sa swab test noong July 15 para matiyak ang tunay na kalagayan dahil sa COVID-19-like symptoms na kanyang pinaghihinalaan, at ang preventive measures para hindi mahawa ang mga kasama niya sa bahay.

Noong July 18, nalaman ng 50-year-old comedian na positibo ang resulta ng swab test sa kanya dahil sa email na natanggap niya mula sa St. Luke’s Medical Center.

Tumawag si Michael V. sa emergency room ng ospital para maging malinaw sa kanya ang nakasulat na SARS-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA Detected.


Continue reading below ↓

"Right now, fever na lang. Yung loss of smell, parang nare-regain ko na. So, fifteen days after…" sagot ni Michael sa kausap niya sa kabilang linya ng telepono na nagtanong tungkol sa kanyang pakiramdam.

"Positive just as what we suspected early on.

"Alam kong hindi normal yung nawala yung pang-amoy ko, and I was counting na may kinalaman talaga yun sa COVID.

"Pero I was also praying na sana, wala. Sana allergy lang or something.

"But it turns out... itutuloy lang natin yung mga sinabi sa atin na mga kailangan gawin and we’ll get through this.

"We’ve been through worse, sobrang name-miss ko na ‘yung pamilya ko," malungkot na sabi ni Michael V.

Isolated at nagpapagaling ngayon sa isang kuwarto ng kanilang tahanan ang Bubble Gang at Pepito Manaloto star.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V.: "Positive just as what we suspected early on. Alam kong hindi normal yung nawala yung pang-amoy ko, and I was counting na may kinalaman talaga yun sa COVID. Pero I was also praying na sana, wala. Sana allergy lang or something."
PHOTO/S: Screen grab from #BitoyStory YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results