Transwoman billionaire wants Clint Bondad to end social-media drama; reveals Clint is living with her

by Rachelle Siazon
Jul 20, 2020
Thai billionaire Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip to bashers calling her Clint Bondad's rich benefactor and saying she's meddling in Clint's personal life: "Not everything is about lust and sex. It's all about what is right for other human beings!!'"
PHOTO/S: @clintbondad / @annejkn.official Instagram

"There is no TEA to spill over!!! Stop this nonsense drama, everyone!! I'm tired."

Ito ang gigil na pahayag ng Thai billionaire transwoman na si Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip, ang nagpakilalang malapit na kaibigan ni Clint Bondad.

Si Anne ay CEO ng JKN Global Media Public Company Limited, isang global content provider at channel operator ng iba't ibang TV series at movies.

Distributor si Anne sa Thailand ng ilang mga teleserye mula sa ABS-CBN at GMA-7.

Continue reading below ↓

Si Clint ay ang sometime actor na naging boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Kahapon, July 19, nagpakawala ng matitinding salita si Anne na sawa na siya sa pagkakaroon ng "psychopath" at "German sausage" sa kanyang buhay.

Sinundan niya ito ng matalim na banta: "I will clean up your DIRTY SECRET now!!!!"

Mabilis na napagtanto ng netizens na may kinalaman kay Clint ang pahayag ni Anne.

Tulad kasi ng viral Instagram Stories ni Clint, may intriguing Instagram Stories din si Anne, kung saan sinasabi niyang punung-puno na siya sa "bulshit" ng taong tinawag niyang "Mr. C."

Sabi ni Anne kalakip ng sad emoji, "The Stupid EGO of a man will always destroy his life... it's true.

Continue reading below ↓

"You can play the Universe but I'm the Queen of Galaxy... I'm too strong and won't be defeated!!

"Do the right thing now!"

"THERE IS NO CODE."

Nitong Lunes, July 20, tuwirang pinangalanan ni Anne si Clint bilang taong tinutukoy niya sa Instagram posts.

Ayon kay Anne, hindi dapat pag-ukulan ng pansin ang maintrigang posts ni Clint sa social media dahil hindi totoong may ibubulgar itong impormasyong ikagugulat ng netizens.

Continue reading below ↓

"there is no code. Grow up people!!! Don't get played," sabi ni Anne, na nakipagsagutan sa netizens sa comments section ng kanyang Instagram posts.

Ang tinutukoy naman dito ni Anne ay ang mga misteryosong clues ni Clint na pilit binibigyan ng interpretasyon ng netizens.

Ang siste, ilang araw nag-trend si Clint sa Twitter dahil may inilunsad itong countdown, kasabay ng pahaging na may ilalabas itong pasabog sa Instagram.

Continue reading below ↓

Pero napuyat lang at walang napala ang netizens na naghintay matapos ang countdown, na ang deadline ay 1 A.M. noong Biyernes, July 17.

Nagpatuloy lang si Clint sa pag-post ng Instagram Stories—pero walang alinman sa posts ang nagbigay-linaw sa gusto niyang iparating sa publiko.

Hindi maiwasang madawit sa isyu si Miss Universe 2018 Catriona Gray, na higit anim na taong nakarelasyon ni Clint bago sila naghiwalay noong December 2018.

Dawit din sa isyu ang current boyfriend ni Catriona na ang Kapamilya actor na si Sam Milby.

Panay kasi ang parinig ni Clint sa mga pangalang "Sam" at "Cat" sa kanyang cryptic Instagram Stories.

Dagdag pa rito, noong July 13 ay isinapubliko ni Clint na nagpadala siya ng direct message kay Sam sa Instagram dahil gusto raw niya itong makausap.

Hindi nilinaw ni Clint kung personal o business ang sadya niya kay Sam.

HOT STORIES

ANNE REVEALS CLINT IS LIVING AT HER HOUSE

Pinutakti si Anne ng batikos dahil sa umano'y pakikisawsaw niya sa isyu.

Continue reading below ↓

Sa puntong ito inihayag ni Anne na nasa poder niya si Clint, at siyam na buwan na raw itong naninirahan sa kanyang bahay.

Paglilinaw pa ni Anne, batang kapatid ang turing niya kay Clint.

Hindi raw niya kukunsintihin ang panloloko umano ni Clint sa netizens, na nadadala sa cryptic posts ng dating Kapuso actor.

Continue reading below ↓

"no need to talk about me as he would not dare to anyway.

"It's not about me.

"It's about his life with me in my house and I can't stand for it when there is the misuse of media conducted by the person who you honor to be your brother."

Continue reading below ↓

May mga kumuwestiyon kung bakit idinaan ni Anne sa social media ang pagkastigo kay Clint sa halip na kausapin ito nang pribado.

Paliwanag ni Anne, gusto lang niyang bigyan ng leksyon si Clint.

"Sometimes you need to confront some issue in front of public.

"Someone who doesn't have remorse, he/she then needs the humiliation to create fear of doing it again."

Continue reading below ↓

Nabahiran ng malisya ang pakikialam ni Anne dahil sa paggamit nito ng mga salitang "German sausage" sa naunang posts niya tungkol kay Clint.

Pakiwari ng iba, may sexual connotation ito.

Dinismiss ito ni Anne, "The word sausage is not important. I just want to illustrate that the Good Quality man will use his brain leading life not his dick!!!"

Continue reading below ↓

Bilang kapatid ang turing niya kay Clint, naniniwala raw si Anne na may pag-asa pa itong magbago.

Pati raw mismong pamilya ni Anne ay kapamilya rin ang turing sa binata, lalo pa't hanggang ngayon ay nakatira ito sa kanya.

"We would like him to be successful in life. He's a smart and nice gentleman," ani Anne.

Continue reading below ↓

May isang netizen na nagsabing "too immature" si Clint base sa mga paandar nito sa social media.

Kahit inis si Anne sa naging kabalbalan ni Clint, ipinagtanggol nito ang model-actor.

Ayon kay Anne, "but everyone can grow up well and it's the job of a good sister like me to step into before the situation gets worse and affects too many other people."

Continue reading below ↓

Sang-ayon naman ang isang netizen sa pagpapagitna ni Anne sa isyu, at sana raw ay makumbinsi ni Anne si Clint na tigilan na ang pagpapakalat ng paintrigang posts.

Sagot ni Anne, "he's a good man who needs to be trained. Having the right mindset is definitely the issue."

Continue reading below ↓

ANNE TAGGED AS CLINT'S RICH BENEFACTOR

Sa kabilang banda, may mga hindi naniniwalang kapatid lang ang turing ni Anne kay Clint.

Pang-aakusa ng bashers, malamang daw ay sinusustentuhan ni Anne si Clint, at may sekswal na namamagitan sa kanilang dalawa.

Hindi natinag si Anne sa mga batikos na pera lang ang habol sa kanya ni Clint.

Continue reading below ↓

"no nothing like that. Thank you... he has his own bed and nothing about sex. You are nice anyway," sarkastikong sagot ni Anne sa isang basher.

Dagdag pa ni Anne, "you should apply for the job as the script writer but the bulshit one. It would suit the quality of your mindset."

Continue reading below ↓

Sinagot din ni Anne ang isa pang basher na nagsabing hinuthutan siya ng milyones ni Clint.

Continue reading below ↓

Hirit muna ni Anne kalakip ng laughing emojis, "he got one cent from me."

Sabay pinabulaanan ni Anne ang haka-hakang ginagamit ni Clint ang katawan at pisikal na hitsura para perahan ang isang rich benefactor.

"Nothing like you think. He's a good man but having the problem on the issue of respecting other people. That's all.

"You say as if he's a hooker!!! No please respect!!!"

Continue reading below ↓

Hindi rin pinalusot ni Anne ang isang basher na kinukumusta sa kanya ang private organ ni Clint.

Diin ni Anne, "please respect him too!!! Thank you. I can't believe you used the word D**k???'!!!"

Continue reading below ↓

ON ALLEGED SECRET RELATIONSHIP AND KISSING VIDEO

May mga nagtanong din kung may "secret relationship" sina Anne at Clint.

Nanindigan si Anne na wala silang relasyon ni Clint liban sa pagiging malapit na magkaibigan.

"no secret relationship. We are brother sister since day one and I'm a she not he. Please respect," saad ni Anne.

Continue reading below ↓

Pinunto rin ni Anne na hindi dahil magkasama sila ni Clint sa isang bahay ay may namamagitan na sa kanila.

"If someone doesn't do something right under my house, I would not tolerate for sure!

"Would you? Be mature. Not everything is about lust and sex. It's all about what is right for other human beings!!'"

Continue reading below ↓

Kung totoong wala silang relasyon, kinuwestiyon naman ng netizens ang kumakalat daw na video ng halikan nila Clint at Anne.

Direktang sagot ni Anne, "French kiss is normal for greeting my dear. Nothing else!!!"

Continue reading below ↓

October 2019 nang unang maiulat na magkaibigan sina Clint at Anne.

Noon pa lang ay napalibutan na ng espekulasyon ang mga litrato nilang kuha sa Thailand.

Pero noon pa man ay nilinaw na ni Anne na "forever brother sister" lang sila ni Clint.

OUT FOR PUBLICITY? WANTS CLINT FOR HERSELF?

Sa iba pang pakikipagsagutan ni Anne sa netizens, umalma siya sa akusasyong gusto lang niyang magpapansin sa social media.

Daig pa raw ni Anne ang "ex-girlfriend" sa pakikialam nito sa personal life ni Clint.

Continue reading below ↓

Sagot dito ni Anne, baka raw kinaiinggitan lang siya dahil malapit na magkaibigan sila ni Clint.

Resbak ni Anne (published as is): "hello!!! Why are you irritated? You are cheap female monkey who are hungry for drama.

"You are obviously jealous of his Thai sister who is giving him house to stay for 9 months now.

"If you don't know me, go google before barking around here!!! I'm doing good for everyone as I can't stand for it.

"Everyone who reads the news knows me except you; which means that you don't know to read.

"I'm the CEO of the public company, the Thai billionaire who he stays with until now and also his biz mentor who can't stand on the misuse of media power.

"You have to tell yourself 'Stop acting as if you know everything' and you should go back to learn on how to read.

"Education is very important for you."

Continue reading below ↓

May buwelta rin si Anne sa alegasyong gusto niya lang angkinin si Clint.

"so sad that you were born in this world when we already have so much junk and then you are adding another junk which is yourself!!!

"OMG, Not enough rubbish bin.... since you called him yours.... please call him to pick you up and put into the right trash."

Continue reading below ↓

May isa pang netizen na nagsabing magkasabwat sina Clint at Anne sa paandar nilang Instagram Stories.

Published as is: "Di nyo pa ba gets? Paandar lang nila to. Their gaining followers. Look how this trans IG stories. Story teller din, pa bitin. Need more followers pa daw. Haha."

Hindi pinalampas ni Anne ang pang-iinsulto sa kanya.

Continue reading below ↓

Sabi niya sa netizen: "you are little fake with small mindset. How dare you call people 'this trans'??!!!! I'm sad for your mother who didn't feed you with proper milk."

Paglilinaw ni Anne, hindi siya sumasakay sa isyu at hindi niya intensiyong magparami ng followers sa Instagram.

Higit 150,000 lang ang followers ni Anne sa Instagram.

Continue reading below ↓

Pero matatas niyang sinabi, "I don't want more followers as I already have 8 million on my Facebook and I'm already super rich& famous in Thailand.

"I don't want you as my follower either. My IG place is too good for you. Go away!!' You are dirty!! I'm sick of you!!!"

Continue reading below ↓

ANNE POSTS PHOTOS WITH CLINT

Sa huli, nag-post si Anne ng litrato nila ni Clint.

Ang isa, base sa clean-shaven look ni Clint, ay throwback photo.

Sa written caption nito, sinabi ni Anne na mabuting tao si Clint at na sana'y manumbalik ang pagiging gentleman nito.

May sumunod na litrato si Anne kasama si Clint kunsaan mahaba ang balbas ng binata, tulad ng latest pictures na isini-share nito sa Instagram.

Continue reading below ↓

Giit ulit ni Anne, "I love my brother Clint and my family supports him in every way but what is right must be right!!!"

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thai billionaire Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip to bashers calling her Clint Bondad's rich benefactor and saying she's meddling in Clint's personal life: "Not everything is about lust and sex. It's all about what is right for other human beings!!'"
PHOTO/S: @clintbondad / @annejkn.official Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results