Maja Salvador: "Just like gold, ABS-CBN is INDESTRUCTIBLE!!!!!!”

Maja Salvador shuts down bashers of ABS-CBN.
by Arniel C. Serato
Jul 20, 2020
Maja Salvador on ABS-CBN workers who will be laid off by management: "Nadurog ang puso ko. Ang sakit sakit na wala kang magawa, matulong sa mga taong nakasama mo sa trabaho."
PHOTO/S: Courtesy: @dprincessmaja on Twitter / @iammajasalvador on Instagram

“ABSCBN is INDESTRUCTIBLE!!!!!!”

Ito ang deklarasyon ni Maja Salvador ilang sandali matapos ang idinaos na motorcade at noise barrage ng mga talents, empleyado, at tagasuporta ng ABS-CBN noong Sabado, July 18.

Layon ng kilos-protesta na mapakinggan ang kanilang panawagang maibalik sa ere ang ABS-CBN.

Dagsa ang mga empleyado at talents ng network sa culmination ng rally sa may Mother Ignacia gate ng ABS-CBN.

Doon ay nagkaroon sila ng programa kung saan nagsalita ang ilang mga personalities sa ABS-CBN kabilang na sina Alex Gonzaga at Angel Locsin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ibang mga artista ng ABS-CBN na hindi dumalo sa pagtitipon ay nagpaabot ng kanilang suporta sa pamamagitan ng social media.

Sa kanyang panig, naghayag si Maja ng suporta sa pamamagitan ng Twitter noong araw ring iyon.

Ginamit ng aktres ang kanyang classic line sa pinagbidahang ABS-CBN teleserye na Wildflower.

Tweet ni Maja: “Hindi niyo kami mapapatahimik!

“hindi niyo kami mapapatumba!

“lalaban at lalaban kami dahil matibay kami!"

Dagdag pa niya: “just like Gold, ABSCBN is INDESTRUCTIBLE!!!!!!

#LabanKapamilya #IbalikAngABSCBN

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“NADUROG ANG PUSO KO”

Sa isa pa niyang tweet noong July 17, sinabi ni Maja na sobra siyang nalungkot sa nangyari sa kinabibilangang istasyon.

Durug na durog diumano ang kanyang puso sa mga mensaheng natanggap mula sa mga kasamahan sa ABS-CBN.

Aniya, “nadurog ang puso ko. ang sakit sakit na wala kang magawa, matulong sa mga taong nakasama mo sa trabaho.

“-Maj, wala na ang RNG.

“-Tapos na ang laban 1 1/2 month ko na lang kayo makakatrabaho

“-i will always be grateful na naging RM niyo ako at naging alaga ko kayo #70congressmen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ibig sabihin ng "RNG" ay Regional Network Group ng ABS-CBN sa mga probinsiya.

Ang "RM" naman ay Road Manager.

Ang "#70congressmen" ay ang bilang ng mga mambabatas na bumoto ng “Yes” upang paboran ang report ng Technical Working Group (TWG) ng House Committee on Legislative Franchises na ibasura ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa panibagong prangkisa.

Labing-isa (11) lamang ang bumoto ng “No” upang muling bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN Corporation.

Ibig sabihin, tuluyan nang pinatay sa komite pa lamang ng Kongreso ang legislative franchise application ng broadcast giant.

Nangyari lahat ito noong July 10, 2020.

Ngayon, maraming departamento ang ABS-CBN na hanggang August 31 na lamang ang operasyon.

Malaking porsiyento rin sa workforce ng istasyon ang mawawalan ng trabaho dahil sa malawakang retrenchment na ipatutupad ng management.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador on ABS-CBN workers who will be laid off by management: "Nadurog ang puso ko. Ang sakit sakit na wala kang magawa, matulong sa mga taong nakasama mo sa trabaho."
PHOTO/S: Courtesy: @dprincessmaja on Twitter / @iammajasalvador on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results