Michael V falls victim to death hoax while recovering from COVID-19

by Jet Hitosis
Jul 21, 2020
Actor-director Michael V on why he admitted to having contracted the virus: “Gusto ko lang imulat ang mga tao sa dangers ng Covid pero ibang danger po ang ipi-prisinta n’yo sa pagkakalat ng mga ganito."
PHOTO/S: Screen grab from #BitoyStory YouTube

“Muntik ako mahulog sa kama!”

Ganito inilarawan ng actor-director na si Michael V. ang naging reaksiyon niya nang mabasa ang fake news tungkol sa kanya.

Pinagpasa-pasahan sa social media nitong Lunes, July 20, ang pekeng balita tungkol sa pagpanaw raw ni Michael, 50.

Malinaw na fake news ito.

Pineke ang impormasyon ilang oras matapos ianunsiyo ni Michael V., o Bitoy, sa kanyang vlog na positibo siya sa COVID-19.

Lunes ng gabi nang ipinost ni Michael V. sa Instagram at Twitter ang screenshot ng fake news na na-publish sa isang blog.

Pinagtabi ng writer ang dalawang litrato ni Michael V. Nasa kanan ang screengrab mula sa vlog ng komedyante, habang sadyang pinaputla para magmukhang multo ang picture ni Michael V. sa kaliwa.

Mababasa ang titulo ng artikulo (published as is): "BREAKING NEWS:Aktor na si Michael V o BITOY ay Pumanaw na Kanina lamang."

May hashtag na #RIPMichaelV ang nabanggit na post.

Continue reading below ↓

“ADVANCE MAG-ISIP”

“Muntik ako mahulog sa kama!” bungad sa caption ni Michael V.

Pabirong sinabi ng actor-director na “advance mag-isip” ang may pakana ng pekeng balita.

Pinaalalahanan din ni Michael V. ang kanyang social media followers na mag-ingat sa pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media.

Continue reading below ↓

Aniya, lumantad siya bilang COVID-19 patient upang maintindihan ng publiko ang panganib ng sakit.

Pero ibang panganib daw ang naidudulot ng pagpapakalat ng fake news.

“Ingat po tayo sa mga ganito,” saad sa caption ni Michael V.

“Gusto ko lang imulat ang mga tao sa dangers ng Covid pero ibang danger po ang ipi-prisinta n’yo sa pagkakalat ng mga ganito.

“Netizens, kayo na po bahala.”

Continue reading below ↓

CELEBRITY FRIENDS PRAY FOR BITOY's HEALING

Nagpaabot naman ng well-wishes at dasal ang mga kaibigan at kapwa celebrities ni Michael V. na sina Janno Gibbs, Benjamin Alves, Arnold Clavio, John Prats, Mikoy Morales, at Arthur Solinap.

Continue reading below ↓

Sa vlog ni Michael V., sinabi niyang July 15 siya nagpa-swab test dahil may mga nararamdaman na siyang sintomas.

Pangunahing reklamo niya ang pagkawala raw ng kanyang pang-amoy.

July 18 naman nang makumpirma ni Michael V. na positibo nga siya sa COVID-19.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-director Michael V on why he admitted to having contracted the virus: “Gusto ko lang imulat ang mga tao sa dangers ng Covid pero ibang danger po ang ipi-prisinta n’yo sa pagkakalat ng mga ganito."
PHOTO/S: Screen grab from #BitoyStory YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results