Angel Locsin defends Sarah Geronimo; thanks Nadine Lustre for speaking up for ABS-CBN

by Rachelle Siazon
Jul 21, 2020
Amid ABS-CBN woes, Angel Locsin (left) posts messages for Sarah Geronimo (center) and Nadine Lustre (right).
PHOTO/S: @lalaflores16 / @rjdelacruz / @nadine Instagram

Nilinaw ni Angel Locsin na hindi kasali si Sarah Geronimo sa mga pinatatamaan niyang kapwa Kapamilya stars na hindi kumikilos para ipaglaban ang ABS-CBN.

Marubdob ang talumpati ni Angel nang dumalo siya sa noise barrage sa tapat ng ABS-CBN compound sa Mother Ignacia Street, Quezon City, noong Sabado ng gabi, July 18.

"Galit na galit" si Angel sa paspasang pagpapasara sa ABS-CBN, na nagresulta sa malawakang retrenchment ng libu-libong empleyado ng broadcast giant.

Pinuna rin ni Angel ang mga Kapamilya stars na "neutral" daw ang posisyon sa isyu ng ABS-CBN shutdown.

Ani Angel, baka raw nakakalimutan ng mga artistang hindi nakikibaka sa laban ng ABS-CBN na ang ABS-CBN ang "dahilan kung bakit kayo sumikat."

Dawit si Sarah sa hinihinalang pinariringgan ni Angel.

Noong gabi ring iyon ay nag-trend sa social media ang hashtag na "#ProtectSarahGAtAllCost."

Marami sa fans ni Sarah ang dumepensa na ang kanilang iniidolo ay likas na pribado at hindi nagsasalita sa mga isyu.

Continue reading below ↓

ANGEL CLARIFIES SHE WASN'T REFERRING TO SARAH

Sa parte ni Angel, sinabi nitong naiintindihan niya ang posisyon ni Sarah.

"Nagsalita si Sarah," komento ni Angel kalakip ng isang smiley sa isang comment niya sa Instagram.

Dugtong ni Angel, "iniisip ng tao pinaparinggan ko sya, pero hindi eh. I know how 'pure' she is."

Hindi raw kaila kay Angel na hindi si Sarah ang tipo na aktibo sa paghayag ng opinyon sa social media.

"Wala syang social media, alam rin natin hindi sya vocal sa maraming bagay bilang ang bait," depensa pa ni Angel kay Sarah.

Ang mahalaga raw ay ipinaabot pa rin ni Sarah ang pagmamahal niya para sa ABS-CBN.

Dagdag ni Angel, "Pero nag salita sya. At nakakatuwa yun."

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na Instagram Story ni Angel, nagpaabot din siya ng mensahe para kay Sarah.

"Thank you, Sarah G," ani Angel kalakip ng heart emoji.

"Mahal kita," dagdag niya.

SARAH'S STAND ON ABS-CBN SHUTDOWN

Noong Linggo, July 19—o kinabukasan matapos ang talumpati ni Angel—unang pagkakataong naghayag si Sarah ng saloobin niya sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Aminado si Sarah na "malaki ang utang na loob" niya sa ABS-CBN, na nagbigay sa kanya ng mga oportunidad na sumikat sa telebisyon at pelikula.

Diin niya, lubha siyang nagdadalamhati para sa mga empleyadong natanggal sa trabaho dahil kinailangang magsara ang mga departamento at subsidiary companies ng network.

Patuloy raw na nagdarasal at umaasa si Sarah na sana ay magbalik ang ABS-CBN.

ANGEL THANKS NADINE LUSTRE

Bukod kay Sarah, nagpaabot din ng mensahe si Angel kay Nadine Lustre.

Lunes, July 20, nang maglabas ng sunud-sunod na Instagram Stories si Nadine.

Naiiyak daw si Nadine hindi lang sa mga isyung kinahaharap ng bansa kundi pati na sa sinapit na pagpapasara sa ABS-CBN.

Kaisa raw si Nadine sa "tumutulong at nagdadasal" na magbalik ang Kapamilya network.

Bahagi ng pahayag ni Nadine, "Gaya ninyo kapamilya din ako. Gaya ninyo, natatakot ako sa mga nangyayari.

"Gaya ninyo, nalungkot din ako para sa 11,000+ na taong nawalan ng trabaho."

Continue reading below ↓

Ni-repost ito ni Angel sa kanyang Instagram Story.

Kalakip ng hug emoji, sabi ni Angel, "Salamat, @nadine."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid ABS-CBN woes, Angel Locsin (left) posts messages for Sarah Geronimo (center) and Nadine Lustre (right).
PHOTO/S: @lalaflores16 / @rjdelacruz / @nadine Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results