Vice Ganda on launching own network: "Anong competition? Wala nga kami sa ere."

by Rose Garcia
Jul 22, 2020
Vice Ganda on his definition of happiness these days: "Iyong panahon na hindi ako nagwu-worry, iyon ang panahon na ang saya-saya."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Maraming nabago sa pananaw ni Vice Ganda sa buhay dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Hindi man niya tahasang binanggit, malaki rin ang epekto sa kanya ng pagkakabasura ng franchise renewal ng home network niyang ABS-CBN.

Sa paglulunsad niya ng Vice Ganda Network, hindi raw niya iniisip ang makipagkumpitensiya.

"Hindi mo siya maiisip ngayon," sabi ng TV host-comedian sa digital conference para sa online show niyang Gabing Gabi Vice noong Lunes, July 20.

"At saka, anong competition? Wala nga kami sa ere. Kanino kami makikipag-compete?"

Saad pa ni Vice, "Mas uunahin ko munang bumili ng mask. Mas uunahin ko munang siguraduhin na wala akong COVID. Mas uunahin ko munang mapakain ang sarili ko at pamilya ko.

"Mas uunahin ko munang tumulong doon sa Kapamilya ko na mas nangangailangan ng tulong kaysa isipin ko pa iyong competition.

"Hindi, e, it’s not right."

REALIZATIONS AND LESSONS

Kung may natutunan man daw si Vice nitong nakalipas na mahigit apat na buwan, ito ay ang pahalagahan ang buhay higit sa kahit ano man.

Aniya, "Marami akong natutunan sa pandemic, na napakaimportante ng buhay. Na ito ang pinakaimportante sa lahat, na ito ang pinaka kailangan nating alagaan.

"Kasi, for the longest time, we have been so focused on material things. We have been so focused on other things other than life itself."

Continue reading below ↓

Napapanahon talaga ang kasabihang "health is wealth" dahil walang sinisino ang deadly virus.

Patuloy ni Vice, "Focused tayo sa pera, sa fame, sa social media.

"Pero sa pagkakataong ito, puwede mong bitawan ang lahat para lang pangalagaan mo ang kalusugan mo at iyong buhay mo.

"Kasi, iyon ang pinakamahalaga.

"Kung hindi mo masi-save ang buhay mo at kalusugan mo sa panahong ito, e, mawawala lahat iyan.

"So, bago sila dumating, iyong buhay mo muna talaga ang pinaka-may value sa lahat."

Importante rin daw ang malakas na pananalig sa Diyos.

Saad niya, "At isa pa sa na-realize ko, kahit na gaano ka maggaling-galingan at kahit gaano ka kagaling, maraming bagay na hindi mo magagawan ng solusyon.

"At ang makakagawa lang niyan ay Diyos. Kailangang ibigay mo sa Kanya at magtiwala ka.

"Katulad ng pandemya, hindi mo iyan masu-solve. Ang tanging magagawa mo lang, alagaan mo ang sarili mo.

"Huwag kang dumagdag sa stress na dinudulot nitong pandemya, at maniwala ka, Diyos ang makakagawa ng paraan.

"Kumbaga, dito sa mundo, magtulung-tulungan tayo kung paano natin mapapagaan ang buhay, pero ang totoong magbibigay para tapos na iyan, iyong Diyos."

Continue reading below ↓

THE PEOPLE THAT MAKES HIM HAPPY

Sa huli, alam daw ni Vice na napakasuwerte pa rin niya dahil maraming tao ang suportado siya.

Inisa-isa rin niya ang mga taong nakakapagbigay ng kasiyahan sa kanya sa gitna man ng pandemya.

Siyempre, special mention ang lalaking malapit sa puso niya—si Ion Perez.

Aniya, "Ang nakakapagpasaya sa akin, marami. Si Ion, iyong pamilya ko, iyong Showtime, iyong audience ko.

"Pero sa ngayon talaga, ang makakapagpasaya sa akin at feeling ko sa ating lahat, peace.

"Parang lahat tayo ngayon, nababahiran ang kapayapaan nating lahat sa dami ng nangyayari sa paligid.

"Pero kapag naramdaman natin iyon, iyong peace, ang laking saya noon. Ang laking saya.

"Kaya kapag iyong panahon na hindi ako nagwu-worry, iyon ang panahon na ang saya-saya."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on his definition of happiness these days: "Iyong panahon na hindi ako nagwu-worry, iyon ang panahon na ang saya-saya."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results