Jake Cuenca, Yassi Pressman, Joseph Marco join call to bring back ABS-CBN

by Arniel C. Serato
Jul 21, 2020
Jake Cuenca, Yassi Pressman, Joseph Marco post messages of support for fellow Kapamilya stars and employees who will become jobless by August 31 after Congress denied the broadcast giant's franchise application.
PHOTO/S: Courtesy: @juancarloscuenca / @yassipressman / @josephcmarco on Instagram

Dumarami ang Kapamilya stars na naghahayag ng saloobin kaugnay ng napipintong pagsasara ng maraming programa, departamento, at opisina ng ABS-CBN.

Kasunod ito ng huling araw ng noise barrage at rally na idinaos sa ABS-CBN compound noong Sabado, July 18.

Layon ng pagtitipon na #IbalikAngABSCBN matapos pagkaitan ang network ng panibagong prangkisa.

July 10, 2020 ang petsang maaaring gunitain na sa kasaysayan matapos hindi makakuha ng prangkisa ang pinakamalaking broadcast conglomerate sa bansa.

Sa August 31, malaking porsiyento sa mahigit 11,000 manggagawa ng ABS-CBN ang mawawalan na ng trabaho dahil sa retrenchment na ipatutupad ng management.

Continue reading below ↓

JAKE CUENCA

Isa sa mga dumalo sa pagtitipon ay ang aktor na si Jake Cuenca.

Nagdala pa siya ng placard na may nakasulat na “It’s not a crime to hold a sign. Ibalik ang ABS-CBN.”

Ibinahagi ni Jake sa Instagram ang larawan kung saan hawak niya ang placard.

Sabi niya sa caption, naging bahagi siya ng ABS-CBN "for 14 years straight."

Bago ito ay magma-migrate na raw sana siya sa Spain kasama ang kanyang pamilya "because I couldn’t even call acting a career till ABS-CBN gave me a shot."

Sabi pa ni Jake, “I’m fighting for abs cbn, ABS-CBN is my home #labankapamilya #ibalikangabscbn"

Nagsimula ang acting career ni Jake sa bakuran ng GMA-7.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JOSEPH MARCO

Nakiisa rin si Joseph Marco sa pagtitipon ng kapwa niya Kapamilya talents and employees sa labas ng ABS-CBN compound.

Ayon sa aktor, natagalan bago siya maglabas ng saloobin dahil hindi niya mabuo-buo sa kanyang isip kung ano ang tamang mga salitang bibitawan.

Panimula ni Joseph, “Over the past few weeks, I have been trying to come up with the right words to encapsulate how I feel about everything going on.

“I admit it took time because part of me was afraid to speak up and part of me felt like not speaking up was a way for me to preserve my mental and emotional state.”

Hanggang napagtanto raw niya ang mga nangyayari nang dumalo siya sa isa sa mga noise barrage na idinaos sa ABS-CBN compound.

Aniya, “But a few days ago, when we attended the noise barrage, I realized that what is going on is beyond me.

Continue reading below ↓

“Thousands have lost their jobs because of a personal vendetta and that is not something I can stand by.

“This lapse in judgment and display of power is something we all did not deserve.”

Umaasa si Joseph na mahimasmasan ang mga nasa pamahalaan sa kanilang nagawang panggigipit sa ABS-CBN.

Aniya, “I pray that our public servants get the clarity they need and I look forward to the day that our network rises again.

“I am one with all the ABSCBN employees and all the Kapamilyas.

“And I understand now that we need to speak up because if we don’t call people out for doing us wrong, who else will? #IbalikAngABSCBN

Continue reading below ↓

YASSI PRESSMAN

Noong Linggo, July 19, nag-post naman si Yassi Pressman tungkol sa sitwasyon ng ABS-CBN, at ng mga talents at empleyado ng network.

Kahit Viva talent ang aktres, siya ang leading lady ni Coco Martin sa top-rating primetime series na Ang Probinsyano.

Tanong ni Yassi sa kanyang post: “Paano na kami?”

Pero mas nag-aalala raw siya sa mga empleyadong mawawalan ng trabaho.

“Pero mas... Paano na sila?

“Yan ang tanong na ulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko matapos naming lahat mapanuod ang pagpatay sa network namin.”

Ayon pa kay Yassi, lahat sila ay nag-iyakan matapos malamang bigo ang network na makakuha ng bagong prangkisa.

“Umiiyak kaming lahat, nagaalala kaming lahat, nawalan kaming lahat...

“Hindi man ako makapunta kagabi, sa dasal, sa puso at sa isip ko kasama ko po kayo.

“Sana may pagkakataon pa... kasi po, paano naman sila? #ibalikangabscbn

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca, Yassi Pressman, Joseph Marco post messages of support for fellow Kapamilya stars and employees who will become jobless by August 31 after Congress denied the broadcast giant's franchise application.
PHOTO/S: Courtesy: @juancarloscuenca / @yassipressman / @josephcmarco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results