Detach Video
Remember when Kara David discovered what Alma Moreno did to Joey Marquez's house?
Jul 22, 2020

Habang ini-interview ng entertainment press, naikuwento ni Kara David ang isang interesting fact tungkol sa dating mag-asawang Alma Moreno at Joey Marquez.

Ayon sa kuwento ni Kara sa kanyang July 12, 2015 interview na nai-video ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinimbrehan na raw siya noon ng researcher ng kanilang show na Power House.

Ang Power House ang home and lifestyle show noon ni Kara sa GMA News TV channel ng GMA Network. Tumakbo ito mula 2011 hanggang 2016.

Pinapakita sa show ang bahay ng mga ini-interview nilang kilalang personalities at celebrities.

Sa kuwento ni Kara nang sagutin ang tanong ng PEP senior correspondent na si Arniel Serato sa bandang 3-minute-40-second na bahagi ng video, bahay ni Winwyn Marquez ang featured house nila.

Itinimbre kay Kara ng kanilang researcher na maraming disenyo at palamuting kabayo sa loob ng bahay ni Winwyn, na ang tunay na may-ari ay ang ama nitong si Joey.

Pagkatapos ng interview ni Kara kay Winwyn at sa ina nitong si Alma, doon na niya tinanong kung bakit maraming kabayo sa loob ng bahay.

Si Alma ang sumagot at ayon dito, siya mismo ang mahilig sa kabayo at siyang nag-interior design ng bahay ni Joey.

"Apparently, si Alma pala ang mahilig sa kabayo, kahit na hindi niya house yun. House yun ni Joey Marquez," lahad ni Kara.

"Dun na na-open up yung idea na, apparently, si Alma at si Joey pala ngayon ay, you know, they have a healthier relationship right now, as good friends, best friends daw sila.

"Hindi naman pala sila estranged.

"I mean hiwalay na sila. 'Tapos doon na nagbukas yung avenue, na parang, 'Oh, good terms pala sila.

"In fact, nag-i-interior design pala si Alma sa bahay ni Joey Marquez!" patuloy ng GMA news reporter at host.

Naging mag-asawa sina Alma at Joey na unang ikinasal nung 1989 sa Las Vegas, Nevada, USA. 1997 naman nang magkaroon sila ng Catholic wedding sa Pilipinas.

Taong 2002, nag-file ng petition for annulment si Joey sa korte, matapos nilang magpalitan ng akusasyon ng pangangaliwa.

2004 nang ma-grant ang petisyon sa grounds ng psychological incapacity pareho nina Alma at Joey.

Sa kabila ng kinauwian ng kanilang marriage, naging magkaibigan pa rin sina Alma at Joey, alang-alang sa kanilang apat na anak na sina Yeoj, Winwyn, Vitto, at MM.

HOT STORIES

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow us on Instagram! https://www.instagram.com/pepalerts/

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/philippineentertainmentportal

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results