Muling iginiit ni Kim Chiu na ang pagsasara ng ABS-CBN ay resulta ng hindi parehas na trato ng pamahalaan sa istasyon.
Sa Instagram post niya ngayong Miyerkules, July 22, ibinahagi ni Kim ang kanyang larawan na nagdadasal.
Sa caption, sinabi ng 30-year-old Kapamilya actress na ang daming nangyari ngayong 2020 na lalong nagpapatibay sa ating paniniwala sa Diyos.
“Since the start of this year so many things happened, 2020 made our faith grow much stronger than ever.
“We don’t know what tomorrow will bring us.
“What we will be facing in the next few months, we are just crossing half of 2020,” saad ng Love Thy Woman actress.
Sinabi rin ni Kim na bawat gising niya ay palagi siyang nakakaramdam ng takot.
Hindi lamang daw ito para sa kanya kundi maging sa mga kasamahan niya sa ABS-CBN na nagbabadyang mawalan ng kabuhayan ngayong nawala na sa ere ang network.
Idiniin din ni Kim na ang shutdown ng ABS-CBN ay bunsod ng hindi makatarungang pagtrato ng pamahalaan para sa broadcast giant.
Pahayag niya, “Everyday I wake up there is always fear inside me, fear of covid19, fear of my 2nd home being shut down by the government...
"fear for my co workers who have lost their job not because of the pandemic but because of unjust treatment, fear for my families health...
"fear for what will happen to us in the coming months with covid19 case, still going up estimated 85k by the end of July.
“Fear for so many people that are starving right now.
“There is so much going on.
"But I know, HE can hear us, HE can see us, HE will provide for us.
"We must not give up our faith in HIM. It is hard, this is a test of faith.”
Ipinagkakatiwala na raw niya sa Itaas ang lahat.
Sabi nito, “May You protect us Lord Jesus, May you remind us that it was you who sent us.
“You will see us through. We lift everything in your mighty name. Amen. #faith #trust #inJesusnameWepray.”
ABS-CBN RETRENCHMENT
Simula sa August 31 ay magsisimula na ang malawakang pagbabawas ng mga empleyado at talents ang ABS-CBN.
Libu-libo ang mawawalan ng trabaho matapos ibasura ng Kongreso sa aplikasyon ng ABS-CBN ng panibagong prangkisa.
Hindi na kasi kakayanin ng management pagdating sa pinansiyal na usapin ang pagpapalawig pa ng kanilang mga serbisyo sa istasyon.
Sinabi rin noon ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak na nasa P30 to P35 million ang nalulugi sa kanilang operasyon araw-araw matapos silang ipasara ng National Telecommuincations Commission (NTC).
Malaking kawalan din sa kaban ng ABS-CBN ang advertising revenues na kasabay na naglaho nang namaalam sila sa ere.
Pinayagan na rin ng management ang kanilang mga tauhan na maghanap na ng bagong trabaho o mag-apply sa ibang istasyon.
Nag-ugat ang lahat ng ito sa makailang ulit na deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.
Bagamat sinasabi ng Malacañang na "neutral" ang pamahalaan sa isyu ng franchise ng ABS-CBN, hindi maipagkakaila ang impluwensiya ng Pangulo sa mga kongresistang bumoto para tuluyan nang ibasura ang prangkisa ng Kapamilya network.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika