Cayetano on submitting TWG report on ABS-CBN franchise to plenary: possible but not regular procedure

Cayetano: "Anything is possible sa plenary."
by Arniel C. Serato
Jul 23, 2020
Speaker Alan Peter Cayetano on possibility that the "killed" ABS-CBN franchise bill will be tackled in the plenary: "As a general rule, pag dinenay yung franchise, hindi na pumupunta sa plenary 'yan. But the plenary, under the Constitution, has all the powers. So, it depends on how the House will decide."
PHOTO/S: Jerome Ascano

Hindi raw imposible ang panawagan ng ilang mambabatas sa Kongreso na pag-usapan sa plenaryo ang pinatay ng franchise bid ng ABS-CBN.

Ito ang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa panayam sa kanya ng programang The Source ng CNN Philippines ngayong Huwebes, July 23.

Ang pahayag ni Cayetano ay bilang reaksiyon sa panawagan ng grupong Makabayan bloc—na pinamumunuan ni Bayan Muna Party-list Representative Carlos Zaratesa House Committee on Legislative Franchises na ipasa sa plenaryo ang Technical Working Group (TWG) report upang mapagtibay ng buong Kongreso.

Sa sulat ng ipinadala ng Makabayan bloc noong July 20, nakasaad dito ang hiling sa lahat ng mga mambabatas na masuri ang report ng TWG ukol sa ABS-CBN franchise.

Bahagi ng sulat: “Undeniably, majority of the 305 members of the House of Representatives are being deprived of the opportunity to deliberate and even vote on the said issue, in representation of their constituents who were badly affected by the committee decision.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Cayetano, maaari itong bigyan ng kunsiderasyon.

Pero prayoridad daw ng Kamara ang pagharap sa laban ng COVID-19 crisis sa pagbubukas ng session sa Lunes, July 27.

Saad ng House Speaker, “Well, let me state that ang priority namin is fighting COVID…

"Ang aming acronym, AIM—Adopt, Innovate, Manage.

"So having said that, the context, the timing... although, ako mismo, hindi agree sa timing.

"Ang problema nga, nag-off the air and nag-expire during COVID. And then, pumutok ang Taal before this, so we have to deal with it."

Ang tinutukoy ni Cayetano ay ang pag-expire ng prangkisa ng ABS-CBN noong May 4, at ang pagtigil ng operasyon ng TV at radio stations ng network kinabukasan, May 5.

Dagdag niya, “But we're dealing with so much work and unforeseen future uncertainties.

“So if you're asking directly, may possibility, anything is possible sa plenary."

IN ACCORDANCE WITH THE RULES

Kung pumayag ang franchise committee, ang mangyayari raw ay isusumite nila sa Committee on Rules ang TWG report at ito na ang bahalang magdesisyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Cayetano, “Let's not put in front and center, because the reality is, we are in a pandemic and we have to focus on solving the day-to-day problems ng ating mga kababayan.”

Legal ba ito gayong sinabi na ng committee on legislative franchises na "laid on the table" o patay na ang aplikasyon ng ABS-CBN?

Tugon ng Taguig City representative, "Everything was done in accordance with the rules. Everything was done openly, transparent, legal.

"So, sa general rule, pag dinenay yung franchise, hindi na pumupunta sa plenary 'yan.

"But the plenary, under the Constitution, has all the powers.

"So it depends on how the House will decide.

"So is it possible? Yes.

"Is it regular procedure? No, di ba?

"So, yun ang kina-clarify namin."

Sino ang maaaring magdesisyon kung puwedeng dalhin sa plenaryo ang hindi nakapasang panukalang batas ng komite?

Sagot ni Cayetano, "First, the Committee on Rules, and then the plenary as a whole.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, parang ano... di ba, halimbawa, tapos nang pag-usapan yung anti-terror law pero gusto mo pang tumayo at gusto mo pang pag-usapan.

"Kung privilege speech lang, you don't even need everyone to agree, ikaw lang.

"But if you want to reopen the discussions on the law, then you have to get the permission ng plenary.

"So it's the usual procedure na may magmu-motion, and then it depends pag sinuportahan ng Committe on Rules, then tuloy na 'yan.

"Pero pag tinututulan, magbobotohan 'yan."

Bagamat sinasabi ni Cayetano na kailangan nilang pagtuunan ng pansin ang pagreresolba sa "day-to-day problems" ng mga Pilipino dahil sa COID-19 pandemic, mabilisang naipasa sa Kongreso ang Anti-Terrorism Act kahit na marami ang tutol dito.

Liban dito, noong July 10, ay kinitil ng Legislative Franchises committee ang aplikasyon ng ABS-CBN Corporation para sa kanilang panibagong prangkisa.

Sa botong 70 “Yes” votes laban sa 11 “No” votes, pinaboran ng mayorya ng mga miyembro ng komite at ex-officio members ang TWG report na nagsasabing ibasura ang franchise bid ng istasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dalawang malaking desisyon na ito ng Kongreso ay naganap habang patuloy na dumadami ang COVID-19 cases sa bansa.

THE CONTROVERSIAL ZOOM MEETING

Isang linggo matapos ang kontrobersiyal na desisyon ng House Committee on Legislative Franchises, nagdaos ng live Zoom meeting ang apat na kongresista na bumoto laban sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

Kabilang sa mga ito sina House Deputy Speaker Rodante Marcoleta (SAGIP Party-list), Deputy Majority Leader Jesus Crispin Remulla (7th District, Cavite, Nacionalista), Laguna 1st District Representative Dan Fernandez (PDP-Laban), at Representative Michael Defensor (AnaKalusugan Party-list).

Sina Marcoleta, Remulla, at Defensor ang gumisa nang husto sa mga kinatawan ng ABS-CBN sa isinagawang hearing sa Kongreso.

Sa naturang meeting, pinag-usapan ng mga mambabatas kung ano ang susunod nilang hakbang upang habulin ang mga Lopez sa anila'y mga naging paglabag nito sa prangkisa ng network.

Kabilang sa kanilang pinag-usapan ay kung paano pagmumultahin ang pamilya Lopez ng halos PHP2 trillion sa National Telecommunications Commission (NTC) kaugnay sa umano'y ilegal na pagbebenta ng digital TV box nitong ABS-CBN TV Plus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinag-usapan din nila ang titulo ng lupa na kinatitirikan ng pasilidad ng network, kabilang na ang kanilang transmitter tower.

Pati na ang hakbang kung maaari bang mag-takeover ang mga empleyado at talents sa pamamahala ng istasyon.

Sa panayam niya sa CNN Philippines, tinanong si Speaker Cayetano tungkol sa kinukuwestiyong titulo ng lupang kinatitirikan ng ABS-CBN.

Pabor ba siya sa sinabi ni Congressman Marcoleta na kung mapatunayang pag-aari ng gobyerno ang lupa, ang lahat ng mga nakatayo roon at anumang improvements ay mapupunta sa pamahalaan?

Saad ni Cayetano, "First of all, nasa Civil Code 'yan na if you're a builder in good faith, meaning tingin mo ikaw talaga ang may-ari, you will get compensation.

"If you're a builder in bad faith, then dapat kung sino ang may-ari ng lupa gets everything.

"But lahat ito ay discussions not of Congress, but of members of Congress na pinag-aralan yung issue.

"So, merong time and venue for that, which is the Good Government or the Blue Ribbon Committee ng House."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayon kay Cayetano, dapat munang asikasuhin ng ABS-CBN ang mga empleyado nito, "and may pandemic and their news has to continue to help get people informed."

Ito raw ang dahilan kung kaya't sinuspinde muna ang hearing ng committee on good government.

Kapag nagkaroon ng findings na kuwestiyonable ang titulo ng lupang kinatatayuan ng ABS-CBN complex, sang-ayon ba si Cayetano na kung anuman ang improvements na ginawa roon ay automatically magiging pag-aari ng gobyerno?

Tugon ng pinuno ng Kamara, "Hindi po automatic yun. They have to go to court."

Ano naman ang masasabi niya sa suhestiyon ni Marcoleta na dapat patawan ng P1.97 trillion fine ang ABS-CBN dahil sa pagbebenta ng network ng dABS-CBN TV Plus?

Saad ni Cayetano, "Si Congressman Remulla, Congressman Mike Defensor, Congressman Deputy Speaker Marcoleta all studied these issues well.

"But it doesn't mean that because they studied their issues well, they're right or wrong.

"They're discussing it, and it's the committee and the whole membership who will continue to dig. And we never stop any committee from doing any investigation in aid of legislation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang question lang, yung timing.

"So, I guess, they went on Zoom to continue to inform people and to have a public discussion, di ba?"

HOT STORIES

ABS-CBN DISCLOSURE

Sa disclosure ng ABS-CBN Corporation na ipinasa sa Philippine Stock Exchange (PSE) noong July 20, 2020, nagbigay ng maiksing pahayag ukol dito si Ricardo Tan Jr., Corporate Treasurer, Corporate Information Officer, and Compliance Head ng istasyon.

Ginamit nila sa disclosure ang diskusyon ng mga mambabatas na nailathala sa Inquirer.net noon ding araw na iyon.

Sabi ni Tan sa kanilang pahayag: “ABS-CBN cannot confirm the veracity of claims in the cited news article and have no knowledge of any proceedings that impose fines or penalties or claims against the property cited therein.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Speaker Alan Peter Cayetano on possibility that the "killed" ABS-CBN franchise bill will be tackled in the plenary: "As a general rule, pag dinenay yung franchise, hindi na pumupunta sa plenary 'yan. But the plenary, under the Constitution, has all the powers. So, it depends on how the House will decide."
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results