Nikki Valdez in Twitter war with Sarah Geronimo fans over ABS-CBN issue: "Why are you all too defensive?"

by Bernie V. Franco
Jul 23, 2020
Nikki Valdez (left) to fans of Sarah Geronimo: “Kayong mga fans ni Sarah G., huwag kayong nang-aaway... Umayos kayo kasi yung iniidulo niyo mabuting tao."
PHOTO/S: @nikkivaldez_ on Instagram / The Voice Teens Philippines

Nakipagsagutan si Nikki Valdez sa netizens na nagpakilalang fans ni Sarah Geronimo.

Sa simula ay mahinahon pang sinasagot ni Nikki ang akusasyon ng fans ng Pop Royalty na pinariringgan daw niya ang kanilang idolo.

Ito ay kaugnay ng pananahimik ng ibang Kapamilya celebrities, kabilang si Sarah, sa kabila ng pagpapasara ng Kongreso sa ABS-CBN.

Giit naman ni Nikki, hindi niya binanggit ang pangalan ni Sarah nang manawagan sa mga kapwa artistang magsalita para sa kanilang home network.

Sabi pa ng aktres, maganda ang relasyon niya kay Sarah at sa asawa nitong si Matteo Guidicelli.

Pero hindi nagpapigil ang Sarah fans sa pagpuna kay Nikki.

Napuno na lamang si Nikki nang isang Sarah fan ang nagsabing “what if pagtawanan” nila ang anak ng aktres.

NIKKI HITS BACK AT SARAH'S FANS

Noong July 20, sunud-sunod ang tweets ni Nikki para i-cheer ang mga kapwa artistang nagtanggol sa ABS-CBN. Kabilang sa mga ito sina Angel Locsin, Jake Cuenca, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla.

Continue reading below ↓

Gaya ng inaasahan, ang mga taong pabor sa pagpapasara ng ABS-CBN ay kumontra kay Nikki.

Mayroon ding fans ng ibang artista ang umatake kay Nikki dahil pakiramdam nila ay pinatatamaan ng aktres ang kanilang mga idolo.

Kabilang sa umatake kay Nikki ay ilang fans umano ni Sarah.

Sagot naman ni Nikki sa mga nambabatikos, hindi kailangang maging bastos kung kontra ang mga ito sa kanyang paniniwala.

Nag-backfire sa mga nagtatanggol kay Sarah ang pamba-bash nila kay Nikki. Binatikos si Sarah ng mga kampi kay Nikki dahil tahimik lang daw noon ang singer-actress sa isyu ng ABS-CBN.

Nagbigay ng pahayag si Sarah isang araw matapos pasaringan ni Angel ang kapwa niya Kapamilya stars na tahimik tungkol sa kinahaharap ngayon ng ABS-CBN.

Binuweltahan ni Nikki ang pagpuna sa kanya ng Sarah supporters.

Aniya, “So alam niyo na pakiramdam ng may ipinaglalaban?

“Kaming vocal na nagtatanggol ay hindi nag gegeneralize.

“Hingi lang namin na sa panahon na ganito kasakit ang nangyayari sa employees eh magtake naman ng stand ang mga artists na mas may boses.”

Continue reading below ↓

Paglilinaw pa ni Nikki, “And this is not just one particular person. This goes out to everyone who thinks that in one way or another eh natulungan sila ng ABSCBN.”

Ayon pa kay Nikki, mahal niya sina Sarah at Matteo.

“For the record, I love Sarah and Matteo! Kahit tanungin niyo pa silang dalawa. Lalo na si Matteo.

Continue reading below ↓

"Sa mga fans, tama na ipaglaban sila pero huwag kayong nag aattack basta basta ng ibang artists and staff ng ABSCBN.”

MIXED REACTIONS

Hati ang reaksiyon ng fans ni Sarah sa paliwanag ni Nikki—may mga maayos na tinanggap ito at may iba namang naging mas agresibo pa.

Ipinaliwanag ni Nikki kung bakit binanggit niya si Sarah.

Continue reading below ↓

Bahagi ng mensahe ng Kapamilya actress, “Because a fan attacked me for no reason. Ni hindi ko binanggit si Sarah G.

“Humihingi ako ng mas marami pang boses sa mga kasamahang artista para sa mga empleyadong nawalan ng trabaho.”

Hindi tumigil ang pagbatikos kay Nikki, at inakusahan pang kinakampihan nito ang mga artistang nagparinig daw kay Sarah.

Sagot naman ni Nikki, “When I called you fans out, I was speaking for myself because may umaattack sakin na wala sa lugar!

“Umayos kayo kasi yung iniidolo niyo mabuting tao,” pagtukoy kay Sarah.

Continue reading below ↓

May isang netizen ang nagsabi kay Nikki na “huwag niyo pong pagsalitaan ng ganyan kaming mga fans ni Sarah na may ipinaglalaban ding tama.”

Buwelta ni Nikki, “Por favor din ano? May fans na umaattack sa akin even before I called you out. Huwag kayo bastos.”

Hindi na nakapagpigil ang aktres at tuluyan nang sinita ang supporters ni Sarah.

Continue reading below ↓

Tweet niya: “Kayong mga fans ni Sarah G., huwag kayong nang-aaway. Why are you all too defensive?

"Kung nakikita lang ni Sarah itong mga tweets niyo, sigurado ako malulungkot siya sa mga ginagawa ninyo.”

Continue reading below ↓

SARAH’S FAN MENTIONS NIKKI’S DAUGHTER

July 21, may post si Nikki na kalakip ang screencap ng tweet ng isang Sarah supporter na nagmungkahi sa iba na idamay nila ang anak ni Nikki.

Deactivated na ang account ng Sarah fan.

Ito ang tweet: “akala ko ba tapos bakit eto ka naman….pinagtawanan mo pa talga ha,,,ano rin kaya mararamdaman mo ku g pagtwanan rin namin anak mo…plastic ka!!”

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Nikki: “So akala mo makakalusot ka ano?! SCREENCAPPED AND SAVED!!

“Duwag ka pala eh! YOU ARE A PATHETIC PERSON! HUWAG ANG ANAK KO! Lagot ka sa akin!”

Nagbabala si Nikki na ipapahanap niya ang netizen.

“Kung talagang malakas ang loob mo, di mo buburahin tweet mo!!!! Alam mong mali ano kaya tinanggal mo?

Continue reading below ↓

“Working on finding you and putting you to where you belong!”

Umapela ang isa pang fan ni Sarah kay Nikki na tanggapin daw ng aktres na nagkamali rin siya nang “pagtawanan” ang kanilang idolo na binabatikos na.

Sagot dito ni Nikki, “Basahin mo ulit ha bago ka magcomment. DINAMAY NIYA ANAK KO ok parin yun sa inyo??!”

Continue reading below ↓

Tuloy si Nikki sa pagbanta sa fan ni Sarah na nagdawit sa kanyang anak.

Aniya, “I can take all the worst things you can say about me pero pag anak ko ang dinamay ninyo, diyan tayo magkakagulo!

“Kung sino ka man, buhay mo ba itong nasa twitter para mandamay ng bata?

“Tumawa ka at mga tulad mong toxic na tao ngayon pero sisiguraduhin kong singilin ka.”

Continue reading below ↓

Binalikan pa ng isang Sarah fan si Nikki at sinabihang OA—o overacting—siya dahil sinabi lang daw ng fan na “kung” pagtawanan din ang kanyang anak.

Bukod dito, may nagsabi pa kay Nikki na isa lang siyang “extra” at “basura.”

Ibinunyag naman ni Nikki na may third party na nag-message sa kanya, na nagpaabot na nagso-sorry daw ang Sarah fan na nanakot na pagtatawanan ang anak ni Nikki.

Pero hindi nagpatinag si Nikki sa kanyang balak na i-report ang mga “dubious and evil tweets.”

Dito binanggit ni Nikki na ang kanyang anak ay PWD, o Person With Disability, kaya nagpupuyos ang kanyang damdamin.

Ang 12-year-old daughter ni Nikki na si Olivia ay may congenital condition na tinatawag na symbrachydactyly, kung saan hindi kumpleto ang mga daliri nito sa kamay at paa.

“Sa mga nagsasabing OA ang reaction ko sa statement ng nagtweet nato, FYI my daughter is a PWD who falls under RA 9442 kaya yung statement niya na yun pertaining to my daughter na may balak siyang idamay ay off talaga.”

Continue reading below ↓

Ang Republic Act 9442 ay kilala rin bilang Magna Carta for Persons with Disability.

Sa Section 8, nakasaad ang pagbabawal sa pangungutya sa mga PWD sa pamamagitan ng salita, kilos, at sulat.

Bawal ang anumang "activity in public which incites hatred towards, serious contempt for, or severe ridicule of persons with disability.”

Continue reading below ↓

Sa pinakahuling pahayag ni Nikki hinggil sa isyu, hinamon nito ang fan na ilabas ang tunay nitong pagkakakilanlan.

Ibinunyag ni Nikki na nagpadala ng direct messages sa kanya ang fan para humingi ng sorry.

Pero ang gusto ni Nikki ay magpakilala ito at mag-isyu ng public apology.

“Still no coming clean in PUBLIC from this person who made a careless ‘what if anak mo ang pagtawanan namin’ tweet.

“If you admit that this is really you and think that you are wrong as per your DMs, I dare you come out using the twitter handle name you deactivated, change your profile pic to your REAL photo and state your public apology.

“Ang tawag kasi doon hija, (yes babae siya) ay ACCOUNTABILITY.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikki Valdez (left) to fans of Sarah Geronimo: “Kayong mga fans ni Sarah G., huwag kayong nang-aaway... Umayos kayo kasi yung iniidulo niyo mabuting tao."
PHOTO/S: @nikkivaldez_ on Instagram / The Voice Teens Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results