Detach Video
This Week In Showbiz: Sino ang mga sinabihan nito noon ni Regine Velasquez? "Mga bastos sila!"
Jul 23, 2020

July 20 to 28, 2018: May mga umamin, may mga nanglito at nanggulat, at may nagbiro't biglang lumipat.

JON LUCAS ADMITS HE'S ALREADY A FAMILY MAN

Kahit na bantay-sarado ng kanyang handler, napaamin ang noo'y Hashtag member na si Jon Lucas na isa na siyang ganap na ama sa isang sanggol na lalaki.

Inamin din niya na siya'y kasal na din sa ina ng kanyang anak na si Shy Feras, dating dancer sa It's Showtime kunsaan lumalabas din noon si Jon.

Bago ang kanyang pag-amin, nawala pansamantala si Jon sa It's Showtime at sa grupo niyang Hashtag. Usap-usapang sinuspindi siya kasama ang kapwa Hashtag na si Bugoy Carino.

Pagkatapos ng kanyang pag-amin sa pagiging pamilyado na, napabalitang nag-quit na si Jon sa Hashtag at lilipat na sa GMA-7.

July 2019 nang makumpirmang isa na nga siyang Kapuso at napabilang pa sa cast ng GMA-7 adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.

HOT STORIES

NATHALIE HART ADMITS SHE'S PREGNANT

Nagulat ang mga reporter na kausap ni Nathalie Hart nang biglang aminin nito sa kanila na nagdadalantao na siya.

Lahad pa ni Nathalie, ang Indian businessman boyfriend niyang si Mayank Sharma ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Balak nilang magpakasal agad nung taon na yun sa Australia kunsaan nakabase ang pamilya ni Nathalie, at muling magpakasal sa traditional Hindu ceremony naman sa India sa susunod na taon.

Pebrero 2019 nang ilabas ni Nathalie sa kanyang Instagram ang baby niyang si Penelope ngunit hindi kasama sa mga larawan si Mayank.

Ilang buwan ang lumipas ay umamin muli si Nathalile na hiwalay na sila ni Mayank nung pitong buwan pa lang si Penelope.

Cultural differences ang sinabing dahilan ni Nathalie kung bakit sila nagkahiwalay ni Mayank.

HOT STORIES

CONFUSION AT THE CONGRESS!

Nagkagulo at nagkaroon ng pagkalito sa Kongreso ilang sandali bago ang pangatlong State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bigla kasing pinalitan ni dating pangulo at Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal-Arroyo bilang House Speaker si Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez.

Marami ang nag-react sa pangyayaring ito sa Kongreso, kabilang na ang mga celebrity.

Nag-post sina Agot Isidro, Bianca Gonzalez, Alessandra de Rossi, radio DJ Gino Quillamor, at iba pang kilalang personalidad ng kanilang reaksyon sa kani-kanilang social media accounts.

May panunuya, pagkadismaya, at pagkainis ang reaksyon ng karamihang nag-post.

Anila, kaydaling makalimot ng mga Pilipino sa mga naging kasalanan ni Cong. Macapagal-Arroyo sa bayan.

Nung 2011, isinailalim ang dating presidente sa hospital arrest dahil sa kaso nitong plunder.

Nung maging pangulo si Duterte nung July 2016, pinawalang-sala ng Supreme Court si Macapagal-Arroyo sa kaso nito at pinakawalan.

HOT STORIES

"MGA BASTOS SILA!" QUIPS REGINE ABOUT FORMER GMA-7 SINGERS

Tinanong sina Regine Velasquez at Lani Misalucha kung puwede pa kayang mangyari ang "Back-To-Back-To-Back."

Ito ang segment sa defunct GMA-7 Sunday variety show nila noon na SOP kunsaan animo mini-concert na nagpe-perform sina Regine, Lani, Ogie Alcasid, Jaya, Janno Gibbs, at Cacai Velasquez.

Pabirong sabi ni Regine habang sinasagot nila ni Lani ang tanong, "You'll never know kasi iniwan na nila tayong lahat, nasa Channel 2 na sila, mga bastos sila."

Ang "sila" na tinutukoy ni Regine ay ang asawang si Ogie at mga kaibigan na sina Jaya at Janno.

Bago ang interview na ito na nangyari nung July 20, 2018 pagkatapos ng presscon ng The Clash, matunog ang usap-usapang lilipat na si Regine sa ABS-CBN dahil naroon na rin si Ogie.

May mga tsismis na rin na hindi na masaya ang Asia's Songbird sa mga show na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.

Ngunit itinanggi lahat ni Regine ang usap-usapan ng network transfer at mga tsismis na hindi na siya masaya sa GMA-7.

Aniya pa, masaya siya sa pagiging Kapuso sa loob ng 20 taon at bukod sa magagandang shows na ibinigay sa kanya ay binibigyan din siya ng pagkakataon na magbahagi ng kanyang sariling idea sa kanyang shows.

Hanggang sa ang The Clash at mamaalam na rin siya sa cooking show niyang Sarap Diva.

Bumalik ang usap-usapang network transfer.

Na naging totoo naman nang pumirma na ng kontrata si Regine sa ABS-CBN nung Oktubre 2018.

HOT STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results