Tanner Mata’s cruise wedding proposal gets a "yes" from Maria Fabiana

Jul 24, 2020
Former Pinoy Big Brother housemate Maria Fabiana to now fiancé Tanner Mata: "I prayed for a best friend, I prayed for someone who would always take care of me and commit to being mine for the rest of our lives. Today his promise came true, and it was powerful! I could feel the Holy Spirit moving in that room when I said YES!"
PHOTO/S: @tanner_mata, @mariafabiana_ on Instagram

Ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemates, magiging lifetime partners na.

Engaged na ang PBB alumni at kapwa modelo na sina Tanner Mata, 25, at Maria Fabiana, 22.

Ang good news ay sabay na inanunsiyo nina Tanner at Maria sa kani-kanilang Instagram accounts nitong weekend.

Nag-propose si Tanner nitong July 19, habang nasa cruise ride sila ni Maria sa Lake Mennetonka sa Minnesota sa Amerika, kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Ibinahagi ni Tanner ang video clip ng wedding proposal sa kanyang 81,000 Instagram followers.

Sa video, makikitang kumakain sina Tanner at Maria nang biglang umalis sa pagkakaupo ang binata at lumuhod sa harapan ng Brazilian model.

Bagamat hindi maulinigan ang maikling speech ni Tanner, halata sa mukha ng binata na kinakabahan ito at halos hindi makapagsalita.

Sa huli, nasabi rin ni Tanner ang “Will you marry me?”

Sinagot ito ni Maria ng “Yes,” na sinundan ng palakpakan ng kanilang mga kaibigan.

Continue reading below ↓

Dito na isinuot ni Tanner ang diamond engagement ring kay Maria.

Caption ni Tanner sa kanyang post: “I know what cloud 9 is now.”

Continue reading below ↓

TANNER IS AN ANSWERED PRAYER

Sa Instagram post ni Maria, ibinahagi niya ang ilan pang litrato sa wedding proposal ni Tanner.

Sa caption, sinabi ni Maria na nagkaroon ng katuparan ang matagal na niyang ipinagdarasal sa Diyos.

Ito, ayon kay Maria, ay isang tao “who would always take care of me and commit to being mine for the rest of our lives.”

Continue reading below ↓

Saad sa caption ni Maria: “Today his promise came true, and it was powerful!

“I could feel the Holy Spirit moving in that room when I said YES!

“I said YES today, and I will continue to say YES for the rest of our lives.

“I love you! I’m yours @tanner_mata [three red hearts emojis].”

Continue reading below ↓

Nagpaabot ng pagbati kina Tanner at Maria ang batchmates nila sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 na sina Maymay Entrata, Edward Barber, at Vivoree Esclito.

Continue reading below ↓

Bumati rin ang mga kaibigan at kapwa modelo nina Tanner at Maria na sina Kim Cruz at Daniel Matsunaga.

Sa isang picture sa Instagram Stories ni Maria, ipinakita niya nang malapitan ang kanyang engagement ring.

Continue reading below ↓

Bagamat walang masyadong detalyeng isinapubliko tungkol sa relasyon nina Tanner at Maria, napaulat na magkaibigan na sila bago pa man sumalang sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Si Maymay ang big winner sa batch nina Tanner at Maria.

Bukod kina Tanner, Maria, Maymay, Edward, at Vivoree, galing din sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 sina Kisses Delavin, McCoy de Leon, Elisse Joson, Heaven Peralejo, Jinri Park, Marco Gallo, at Yassi Pressman.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Pinoy Big Brother housemate Maria Fabiana to now fiancé Tanner Mata: "I prayed for a best friend, I prayed for someone who would always take care of me and commit to being mine for the rest of our lives. Today his promise came true, and it was powerful! I could feel the Holy Spirit moving in that room when I said YES!"
PHOTO/S: @tanner_mata, @mariafabiana_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results