Nicole Cordoves defends Catriona Gray; takes a swipe at Clint Bondad's "toxic masculinity"

by Rachelle Siazon
Jul 24, 2020
Nicole Cordoves (in backless ensemble) cries foul over netizens spreading false assumptions about Catriona Gray (in floral wear) following Clint Bondad's (right photo) viral intriguing posts. She says: "Guess who filled the gaps of lies? Everyone else."
PHOTO/S: @binibiningnicolecordoves / @clintbondad Instagram

"Can we actively disempower toxic masculinity? 2020 na, bakit nagpapabudol pa rin tayo?"

Ito ang patutsada ni Nicole Cordoves, 28, sa pandadawit kay Catriona Gray, 26, sa mga paandar na ma-intrigang social media posts ni Clint Bondad.

Malapit na magkaibigan at magkatrabaho ang beauty queens na sina Nicole at Catriona. Si Catriona ay kinoronahang Miss Universe 2018, habang si Nicole ay Miss Grand Internationational 2016 first-runner up.

Si Clint ay isang sometime actor na higit anim na taong nakarelasyon si Catriona bago sila naghiwalay noong huling bahagi ng 2018.

Hindi raw maatim ni Nicole ang paninira at panghuhusga kay Catriona.

Noong July 19, depensa ni Nicole kay Catriona sa kanyang Instagram: "As a friend, it was hard to stand by the sidelines watching all this happen but at the same time have so much to say.

"At the height of people wanting to believe the worst in her because 'finally, she isn't perfect and we have something on her!', telling the truth at that moment will surely be twisted into a lie because as you can see, there's so many people who would believe the worst in other people...

Continue reading below ↓

"for what? Fair game? Para 'sana all'?"

BACK STORY

Kamakailan lang ay pinagpiyestahan ng netizens ang misteryosong clues na ipinu-post ni Clint sa Instagram Stories nito.

Nasangkot si Catriona pati na ang boyfriend niyang si Sam Milby, dahil panay ang banggit ni Clint sa sarili bilang "the ex" at sa mga pangalang "Cat" at "Sam."

Dagdag pa rito, noong July 13 ay isinapubliko ni Clint na kinontak niya si Sam sa pamamagitan ng direct message sa Instagram, pero hindi malinaw kung personal o business ang sadya niya rito.

Hanggang sa nag-trend sa Twitter ang pangalan ni Clint—mula July 16 hanggang July 18dahil sa inilunsad niyang 24-hour countdown tungkol sa ilalabas daw niyang pasabog na anunsiyo.

Bunsod nito, nagkaroon ng iba't ibang teorya ang netizens na sumubok i-decode ang cryptic posts ni Clint.

Pero napuyat lang at walang napala ang netizens na naghintay matapos ang countdown, na ang deadline ay 1 A.M. noong Biyernes, July 17.

Continue reading below ↓

NICOLE ON netizens' false assumptions about catriona

Sa puntong ito, nagpatutsada si Nicole na hindi dapat paniwalaan ang mga pasimpleng pandadawit ni Clint kay Catriona.

Hindi tuwirang pinangalanan ni Nicole si Clint, pero mahihinuhang ito ang tinutukoy niyang lalaki na pinaglaruan ang netizens sa mga strange posts nito.

May talas ang post ni Nicole: "Now that the truth is unraveling without having to lift a finger, here's the real tea.

"Yes, he poked around and played games but still enough to keep himself from trouble.

"Guess who filled the gaps of lies?

"Everyone else."

May talas din ang sinabi ni Nicole sa mga humuhusga kay Catriona: "Opportunistic people who want to discredit her and people who want to believe in the narrative that 'finally, cheaters have faced consequences' like some twisted way of perceiving justice for themselves."

Hindi idinetalye ni Nicole kung bakit nasabi niyang tila inaakusahang "cheater" si Catriona. Pero kaugnay ito ng mga lumutang na espekulasyon sa hiwalayan nina Catriona at Clint noong 2018.

Continue reading below ↓

Sinabi na lang ni Nicole: "BTW, not true. I'll leave it there."

"You can never bring a good woman down. #GodSaveTheQueen," dagdag ni Nicole sa kanyang caption.

SAM MILBY says "silence doesn't imply guilt"

Mismong si Sam Milby ay umalma sa kumakalat na malisyosong impormasyong inuugnay sa relasyon nila ni Catriona.

Continue reading below ↓

Noon lamang May 23 umamin si Sam na natagpuan niya ang bagong pag-ibig kay Catriona.

Hangga't maaari ay nais daw nilang panatilihing pribado ang kanilang relasyon.

Pero minabuti raw ni Sam na depensahan si Catriona sa mga "false stories and fake news" na ginagawa ng ibang tao para magtagpi-tagpi ng kuwento tungkol sa kanila.

"In fact, these wrongful accusations and defamatory lies are dangerous.

"One's silence doesn't imply guilt.

"It has been our initial choice not to dignify nor respond to all these baseless claims."

Mas lalo raw minahal ni Sam si Catriona dahil sa hindi natitinag ang nobya sa kabila ng paninira ng ibang tao rito.

Ani Sam, "I will always be here for her and will do everything in my power to protect her."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nicole Cordoves (in backless ensemble) cries foul over netizens spreading false assumptions about Catriona Gray (in floral wear) following Clint Bondad's (right photo) viral intriguing posts. She says: "Guess who filled the gaps of lies? Everyone else."
PHOTO/S: @binibiningnicolecordoves / @clintbondad Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results