Leah Navarro accuses Vice Ganda of abandoning ABS-CBN to launch own digital network; fans defend Kapamilya star

by Arniel C. Serato
Jul 24, 2020
Leah Navarro on news about Vice Ganda launching his own digital network: “To Vice Ganda, ABS-CBN was a cash cow, and once slaughtered by Congress, it was easy to abandon and go her own way."
PHOTO/S: Courtesy: GMA News / Noel Orsal

Hindi nagustuhan ng veteran singer na si Leah Navarro ang balitang magkakaroon na ng sarili niyang digital network si Vice Ganda.

Ito ay sa kabila ng kinahaharap na problema ng home network ni Vice, ang ABS-CBN, matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng network noong July 10, 2020.

Sa Twitter noong July 21, ibinahagi ni Leah ang isang report tungkol sa paglulunsad ni Vice ng Vice Ganda Network.

Sa kanyang caption ay binatikos ni Leah si Vice dahil sa pag-aabandona raw nito sa ABS-CBN.

Pag-akusa pa ng veteran singer, ginawa lamang daw “gatasan” o “cash cow” ng komedyante ang network.

Buong tweet ni Leah: “No wonder she seemingly ignored the shutdown.

“To Vice Ganda, ABS-CBN was a cash cow, and once slaughtered by Congress, it was easy to abandon and go her own way.

"She was never really a #KapamilyaForever

Continue reading below ↓

WHY VICE DECIDED TO LAUNCH A DIGITAL NETWORK

Hindi naman totoong inabandona na ni Vice ang ABS-CBN.

Nagpapatuloy pa rin siya bilang main host ng It's Showtime, na napapanood sa cable at iba pang digital platforms ng Kapamilya network.

Sa kanyang virtual presscon noong July 20, ipinaliwanag ni Vice ang desisyong magtatag ng sariling digital network.

“Dito lahat ang kailangan namin unahin i-accommodate ay yung mga taga-ABS-CBN na wala munang pinagkakakitaan ngayon.

"Kailangan ko buksan itong proyektong ito para makapag-extend ng help sa kanila," saad niya.

Gusto rin daw niyang makatulong sa mga kasamahan sa industriya, lalo na ang mga stand-up comedians na nawalan ng pagkakakitaan dahil sa pandemya.

"Kasama iyon sa secondary objectives ko.

"First, ang objective ko nga is to make my audience happy. To make my followers happy.

"Second, ang nauna ko nga kasing bahagian ng project na ito ay iyong mga bakla, iyong mga stand-up comedians. Kasi, hindi pa man nagkakaroon ng problema ang ABS-CBN, na-hit talaga ang mga komedyante.

Continue reading below ↓

"Iyong live performances nawala, iyong mga comedy bars, nagsara. At hindi ko nakitang magbubukas anytime soon.

"Hindi na rin naman puwede iyong gatherings na maraming tao, so nawalan ng hanapbuhay iyong napakaraming komedyante na ang sakit-sakit sa puso ko noon.

"And most of them, parang mga anak-anakan, so hindi puwede. Hindi puwedeng hahayaan mo lang sila ng ganun.

"So, naisip ko ito para mabigyan sila ng platform na makapag-perform pa ulit. Bukod sa nagagawa nila ang passion nila, karagdagang kita para sa mga bakla."

Kaagad ding dinepensahan ng kanyang fans si Vice mula sa akusasyon ni Leah.

Anila, may basbas daw ng pamunuan ng ABS-CBN ang pagtatayo ni Vice ng sariling digital network.

Sabi ng isang netizen, “Hello po! I just want to share na nagsalita po siya sa twitter regarding sa shutdown and sumama po siya sa rally nung July 10. And regarding po dito, may basbas din po ng ABS-CBN bosses and the network aims to provide jobs sa mga kasama nila sa ABS-CBN”

Continue reading below ↓

Dagdag ng isa pa, “May pahintulot si vice s mga boss nya sa abscbn, pinupush pa nga sila ng mga boss nila na gumawa ng mga way para makapagasaya at makatulong pa din sa tao at para di sila makalimutan ng mga tao habang wala pa ulit ang abscbn...”

Continue reading below ↓

Ayon sa isa pang nagkomento, "Nabasa ko sa isang report na pinagpaalam naman niya yang launching ng digital network niya. Para ma-cater na din daw ung mga kasamahan niya na nawalan ng work."

Sa kanyang digital network, magkakaroon si Vice ng sariling show, Gabing Gabi Vice, at magkakaroon din siya ng papremyo para sa mga viewers.

Continue reading below ↓

Ang Gabing Gabi Vice ay magsisimula ngayong Biyernes ng gabi, July 24.

Nagpadala na ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vice sa pamamagitan ng direct messaging sa Twitter upang makuha ang kanyang reaksiyon ukol sa sinabi ni Leah.

Pero hindi pa siya tumutugon sa aming mensahe.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leah Navarro on news about Vice Ganda launching his own digital network: “To Vice Ganda, ABS-CBN was a cash cow, and once slaughtered by Congress, it was easy to abandon and go her own way."
PHOTO/S: Courtesy: GMA News / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results