Jason Abalos, Gerald Anderson, Jake Cuenca not laughing at Duterte "joke" about face masks: “Pagbabago…hindi panggagago.”

by Bernie V. Franco
Jul 24, 2020
Jason Abalos (left), Gerald Anderson (center), and Jake Cuenca (right) are not amused by President Duterte's "joke" to wash face masks with gasoline or diesel before reusing.
PHOTO/S: @thejasonabalos, @andersongeraldjr, @juancarloscuenca

Hindi natawa ang mga aktor na sina Jason Abalos, Gerald Anderson, at Jake Cuenca sa "joke" ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa face mask.

Sa isang pre-recorded speech noong July 21, nagbigay ng tip ang Pangulo na i-spray-an daw ng alcohol o kaya'y ibabad sa gasolina ang face mask para magamit muli.

Pahayag ni Duterte: "Kung wala kayo, I will try to buy as many as I can afford kung kaya ko, ibigay namin iyan sa inyo libre, but wear it.

"Maski na gamitin mo siguro iyan ng dalawang beses okay man lang kung i-spray-an mo lang ng alcohol pagkatapos... ibabad mo ng gasolina o diesel, put**** ina COVID na ‘yan. Hindi uubra ‘yan diyan.”

Ayon sa World Heath Organization, ang surgical at medical face masks ay maaari lang gamitin ng isang beses.

Ang pagsusuot ng face mask ay isang safety protocol para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa buong Metro Manila, ordinansa na ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar. Ang paglabag dito ay may pataw na parusa.

Continue reading below ↓

Sa Quezon City, ikinukunsiderang criminal offense ang hindi pagsusuot ng face mask at maaaring maging grounds para sa warrantless arrest.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, "joke only" ang pahayag na iyon ng Pangulo.

Sabi ni Roque sa press briefing noong Huwebes, July 23, “Kayo naman apat na taon na si Presidente, parang hindi niyo pa kilala si Presidente. Joke only! Bakit naman tayo maghuhugas ng gasolina?”

JASON ABALOS

Halatang dismayado si Jason Abalos dahil nakuha pang magbiro ni Pangulong Duterte kaugnay ng kinakaharap na matinding health crisis ng bansa.

Nitong mga nakalipas na araw, pinatutsadahan ng 35-year-old Kapuso actor ang administrasyon.

Tweet ni Jason noong Miyerkules, July 22: “Kaya pa ba mahal na president?”

Kalakip nito ang Department of Health (DOH) report sa naging pahayag ni Pangulong Duterte.

Ganito ang headline: "Cloth masks can be reused and washed, but not with gasoline"

Sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring ang tinutukoy ng Pangulo ay ang cloth mask na puwedeng gamitin uli matapos labhan, pero hindi gasolina ang gagamiting panglinis.

Nagpalusot din ang DOH undersecretary tungkol sa sinabi ng Pangulo.

Aniya, “Alam niyo naman kapag nagsasalita si Presidente baka mga jokes niya lang yun especially for gasoline.”

Pero hindi ito ikinatuwa ni Jason.

Sabi ng aktor: “Joke lang talaga sila! [face palm emoji]”

Continue reading below ↓

Sa kanyang ikatlong tweet, binanggit ni Jason kung ano ang pinaghuhugutan niya sa "joke" ng Pangulo tungkol sa face mask.

“Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa covid, tapos may panahon pa kayong mag joke??"

Inamin din ng Kapuso actor na ibinoto niya si Duterte noong 2016 elections dahil sa paghahangad ng pagbabago.

Diin niya, “Pagbabago ang ginusto ko nong binoto kita hindi panggagago!”

Continue reading below ↓

GERALD ANDERSON AND JAKE CUENCA

Hindi rin nakakatawa para sa ABS-CBN actors na sina Gerald Anderson, 31, at Jake Cuenca, 32, ang ginawang "joke" ng Pangulo.

Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Gerald ang quote card na taglay ang pahayag ni Roque na nag-joke lang daw si Presidente Duterte.

Komento ng Star Magic actor: “People dying is not a joking matter.”

Continue reading below ↓

Ipinost din ni Jake ang quote ni Roque.

Caption niya rito: “No sir the only thing that’s a joke here is you," caption ni Jake.

Patuloy ang pananalasa ng COVID-19 sa iba't ibang bahagi ng mundo, at sa current statistics ay higit 15 milyong katao na ang nagpositibo sa virus.

Continue reading below ↓

Sa Pilipinas, higit 74,000 na ang nagpositibo as of July 23, 2020.

Dahil wala pang approved vaccine para masupil ang virus, inaasahang patuloy na aakyat ang bilang ng mga kaso ng COVID-19.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jason Abalos (left), Gerald Anderson (center), and Jake Cuenca (right) are not amused by President Duterte's "joke" to wash face masks with gasoline or diesel before reusing.
PHOTO/S: @thejasonabalos, @andersongeraldjr, @juancarloscuenca
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results