Michael V says his X-ray reveals condition that could lead to pneumonia

Jul 24, 2020
Actor-director Michael V reminds his fans to protect themselves against COVID-19: “Gusto ko ring paalalahanan ang lahat na mag-ingat para wala kayong pagsisihan sa huli. Laging maging malinis sa paligid at pangangatawan. At lagi ring magsuot ng mask at PPE. Stay home everyone and stay safe."
PHOTO/S: @michaelbitoy on Instagram, screengrab from YouTube

Naagapan ang posibilidad ng pneumonia sa actor-director na si Michael V, na patuloy na nagpapagaling sa COVID-19.

Ngayong Biyernes, July 24, nagbigay ng update si Michael, o mas kilala bilang Bitoy, tungkol sa kanyang kondisyong medikal.

Sa Instagram, ibinahagi ni Bitoy ang kanyang litrato habang nakasuot ng personal protective equipment (PPE) at face mask.

Nakahiga siya sa hospital bed dahil kinailangan niyang magpa-X-ray.

Batay sa caption ni Bitoy, kusa siyang sumailalim sa X-ray procedure nitong Huwebes, July 23, para malaman kung mayroon siyang pneumonia.

“Medyo mabilis kasi akong mapagod,” pag-amin ng 50-year-old Kapuso star.

May natukoy ang mga doktor na maaaring mauwi sa pneumonia, dagdag ni Bitoy.

Bukod sa mga sintomas ng trangkaso, karaniwang dinadapuan ng pneumonia ang COVID-19 patient.

Gayunman, hindi daw siya kinakailangang i-confine.

“May nakita silang pwedeng ‘pagmulan’ ng pneumonia pero hindi naman daw kailangang magpa-ospital,” ani Bitoy.

Dahil dito, itinuloy na lang ng creator ng Bubble Gang at Pepito Manaloto ang pagse-self quarantine sa bahay nila.

Continue reading below ↓

Tiniyak naman niyang ginagawa nila ang lahat ng pag-iingat upang hindi niya mahawahan ang mga kasama sa bahay.

“Niresetahan nila ako ng antibiotics at sinabihang sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling.

“Naka-self quarantine pa rin po ako para sa safety ng lahat ng nasa paligid ko.”

THANKFUL BITOY

Nagpasalamat si Bitoy sa lahat ng nagdarasal para sa paggaling niya at sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

Kasabay nito, pinayuhan ni Bitoy ang kanyang 638,000 Instagram followers na maging maingat upang maprotektahan ang sarili sa COVID-19.

“At gusto ko ring paalalahanan ang lahat na mag-ingat para wala kayong pagsisihan sa huli.

“Maging responsable at gawin ang lahat ng makakaya para hindi kayo mahawa o makahawa.”

Nagbigay rin siya ng tips kung paano mapoprotektahan ang sarili laban sa virus.

“Laging maging malinis sa paligid at pangangatawan. At lagi ring magsuot ng mask at PPE.

“Stay home everyone and stay safe,” ani Bitoy.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

CELEBS PRAY FOR BITOY’S RECOVERY

Sa comments section, nagpaabot ng dasal ang kapwa celebrities ni Bitoy, kabilang ang matalik na kaibigang si Ogie Alcasid at ang Family History co-star niyang si Dawn Zulueta.

Continue reading below ↓

Agarang paggaling din ni Bitoy ang hinihiling nina Heart Evangelista, Dingdong Dantes, Yasmien Kurdi, Arnold Clavio, at Dennis Trillo.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nagdarasal din para kay Bitoy sina John Arcilla, Maritoni Fernandez, Arthur Solinap, at Angelu de Leon.

Continue reading below ↓

Sa kanyang vlog inanunsiyo ni Bitoy nitong Lunes, July 20, na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, nasa 76,444 na ang kabuuang bilang ng dinapuan ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health.

Sa bilang na ito, 24,502 ang gumaling, habang 1,879 ang nasawi.

Sa buong mundo, mahigit 15 milyon na ang COVID-19 cases, at 619,150 na ang binawian ng buhay, batay sa latest situation report ng World Health Organization.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-director Michael V reminds his fans to protect themselves against COVID-19: “Gusto ko ring paalalahanan ang lahat na mag-ingat para wala kayong pagsisihan sa huli. Laging maging malinis sa paligid at pangangatawan. At lagi ring magsuot ng mask at PPE. Stay home everyone and stay safe."
PHOTO/S: @michaelbitoy on Instagram, screengrab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results