Ruru Madrid defends girlfriend Bianca Umali from bashers

by Nikko Tuazon
Jul 26, 2020
Ruru Madrid on bashers of girlfriend Bianca Umali: "Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung nag ddown sa atin. Sana wala ng ganun, sana sinusuportahan na lang natin ang isa't isa."
PHOTO/S: @bianxa on Instagram

Ipinagtanggol ng GMA-7 actor na si Ruru Madrid, 22, ang girlfriend na si Bianca Umali, 20, mula sa bashers at body-shamers.

Nag-iwan ng negative comments ang ilang netizens sa selfie photo ni Bianca na in-upload ng aktres sa kanyang Instagram kahapon July 25, 2020.

Sinagot ni Ruru ang ilan sa mga ito.

Continue reading below ↓

Sa unang komento ni Ruru, ipinahayag niya ang dismaya sa pagka-judgmental ng mga tao, lalo na raw ng mga kapwa Pilipino.

Aniya, "I dont know what's wrong with people right now? Parang ang dami laging opinyon ng mga tao.

"Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung nag ddown sa atin.

"Sana wala ng ganun, sana sinusuportahan na lang natin ang isa't isa."

Ruru Madrid

Continue reading below ↓

Hindi rin napigilan ni Ruru na sagutin ang isang basher na gumamit ng malalaswang salita.

Ruru Madrid

Matalim na sagot ng aktor sa basher ni Bianca: "anong problema mo? BASTOS!"

Ruru Madrid

Continue reading below ↓

Hindi rin pinalampas ni Ruru ang basher na nagsabing, "panget mo mag alaga pre ginawa mong kalansay di naman ganyan dati yan."

Ruru Madrid

Tugon ni Ruru, walang sinuman ang may karapatang magsabi kung ano ang maaaring gawin ng isang tao sa kanyang katawan.

Aniya, "sigurado ka dyan? Brad katawan nya yan, kung gusto nya magpapayat o magpalaki na sa kanya na yun labas na ako dun kasi labas na ako dun at dapat ganun ka din.

Continue reading below ↓

"Kesa yung kumikilatis ka ng katawan ng ibang tao kilatisin mong maiigi yung sarili mo brad. Dami na naghihirap sa mundo ganyan ka pa din. Baguhin mo na ugali mo!"

Ruru Madrid

Ilang netizens ang pumanig kay Ruru.

Ang isa ay nag-suggest pang kasuhan ng cyber libel ang mga netizens na nagkomento nang hindi maganda tungkol kay Bianca.

Continue reading below ↓

Ruru Madrid

Pag-sang-ayon naman ni Ruru: "actually pwede... mali yun eh."

Ruru Madrid

Continue reading below ↓

Sa ngayon, hindi pa pormal na inaamin nina Ruru at Bianca ang kanilang relasyon.

Noong August 9, 2019, napansin na ng fans nina Ruru at Bianca ang pagiging malapit nila sa isa't isa nang magbakasyon sila sa Japan.

Makalipas ang ilang araw, ipinahiwatig ni Ruru na may nagmamay-ari na ng kanyang puso.

Noong March 2, 2020 ay naging "Instagram official" ang dalawa matapos mag-post si Ruru ng litrato nila ni Bianca bilang pagbati ng aktor sa 20th birthday ng aktres.

Continue reading below ↓

Marami ring natuwa nang si Bianca naman ang nag-upload ng throwback photo nila ni Ruru noong July 19. Kuha ang litrato mula sa isa nilang beach trip.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid on bashers of girlfriend Bianca Umali: "Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung nag ddown sa atin. Sana wala ng ganun, sana sinusuportahan na lang natin ang isa't isa."
PHOTO/S: @bianxa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results