Nikki Valdez to President Duterte: "Bakit mas inuna mo ang pagpapasara sa ABS-CBN?"

by Arniel C. Serato
Jul 27, 2020
Nikki Valdez, who voted for President Rodrigo Duterte: "Pero makalipas ang 4 na taon ng pagsubaybay sa mga ninais mo para sa bansa, ano po ang nangyari?”
PHOTO/S: Courtesy: @nikkivaldez_ on Instagram / Presidential Communications on Facebook

Naglabas ng kanyang sariling "SONA" ang Kapamilya actress na si Nikki Valdez isang araw bago ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw, July 27.

Sa kanyang Instagram post kahapon, July 26, naglabas ang 41-year-old actress ng hinanakit laban sa gobyerno, partikular na sa Pangulo.

Pinamagatan niya itong #ItoAngSONAKo.

Ayon sa A Soldier’s Heart actress, ibinoto niya at ng kanyang pamilya si Duterte noong 2016 presidential elections sa pag-aakalang marami itong magagawang kabutihan sa bansa.

Pero makalipas ang apat na taon, parang wala naman daw nangyari.

Sabi ni Nikki, “Mula nang ako’y naging registered voter, sinigurado kong gamitin ang boto ko para magluklok ng mga pulitikong tingin ko ay makakabuti at gagawa ng mabuti para sa ating bansa.

“At noong 2016, oo binoto kita Pres. Duterte pati ang pamilya ko.

“Sa paniniwalang magkakaboses ang maliliit na tao na sinasabi mo noon na dadamayan mo.

Continue reading below ↓

“Nakita namin ang kasimplehan mo na kahit presidente ka ay abot na abot ka ng mga tao.

“Nakita namin ang political will mo.

“Ni hindi nga namin pinuna ang pagmumura mo.

“Lagi ko sinasabi sa sarili ko, 'Tao ka lang. Nagkakamali.'

“Pero makalipas ang 4 na taon ng pagsubaybay sa mga ninais mo para sa bansa, ano po ang nangyari?”

NIKKI RAISES ISSUES ABOUT ANTI-TERROR LAW, CHINA

Sa pagpapatuloy ng kanyang sariling "SONA," binalikan ni Nikki ang mga hindi kanais-nais na mga salita ni Duterte sa mga speeches nito.

Kabilang na rito ang pagmumura ng Pangulo kay Pope Francis at ang hindi kaaya-aya nitong mga salita tungkol sa babae.

Sa isyu ng pagpapasara nang tuluyan sa ABS-CBN, sinabi nitong mas inuna pa raw ni Duterte ang "personal na galit at paghihiganti" kesa "sa mga totoong pangangailangan at problema ng ating bayan."

Kinuwestiyon din ni Nikki ang aniya'y late na pagsasara ng ating border sa mga Tsino noong lumaganap ang COVID-19, kung saan pinaniniwalaang sa China galing ang nakakatakot na virus.

Continue reading below ↓

Pag-upo ni Duterte sa puwesto, binuksan ng Pangulo ang Pilipinas sa pakikipagrelasyon hindi lamang sa United States kundi maging sa China, Russia, at iba pang superpowers sa mundo.

Sabi ni Nikki, “Bakit di mo agad pinasara ang ating bansa sa China kahit alam mo nang sa kanila galing ang sakit na pumapatay sa libo libong tao ngayon?

“Bakit nasa China na ata ang katapatan mo?"

Pinuna rin ni Nikki ang pagbibigay prayoridad ng Pangulo sa Anti-Terror Bill.

Pormal ng naging batas ang Republic Act 11479, o mas kilala sa tawag na Anti-Terrorism Law of 2020, noong July 18, 2020.

Ito ay sa kabila ng maraming sektor sa lipunan ang kumokontra sa pagsasabatas nito dahil labag ito sa human, civil, at political rights, at delikadong maabuso.

HOT STORIES

ABS-CBN CLOSURE

Direkta ring inakusahan ni Nikki ang Pangulo na siyang nagpasara sa ABS-CBN, gayong may libu-libong empleyado raw ang magugutom dahil sa pagsasara nito.

Continue reading below ↓

Bakit daw inuna pa nito ang pagpapasara ng broadcast giant, samantalang ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay nananatiling bukas.

Sabi ng aktres, “Bakit mas inuna mo ang pagpapasara sa ABSCBN at pagkitil sa kabuhayan ng libo libong empleyado pero nanatili dito ang mga POGO?

“Ito ba talaga ang mga plano mo para sa Pilipinas?

“Ano nanaman kaya ang sasabihin mo bukas? 'Joke lang?'”

Continue reading below ↓

May 5, 2020 nagpaalam sa ere ang ABS-CBN matapos hainan ng National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order (CDO).

Napaso ang 25-year legislative franchise ng broadcast giant noong May 4, 2020.

May 25 hanggang July 8, nagkaroon ng marathon hearings ang House Committee on Legislative Franchises, katuwang ang Good Government and Public Accountability committee, ukol sa aplikasyon ng ABS-CBN Corporation para sa kanilang bagong prangkisa.

Noong July 10, ibinasura ng Kongreso ang aplikasyon ng ABS-CBN sa botong 70-11.

Pitumpung kongresista ang pumabor sa report ng Technical Working Group (TWG) ng komite upang patayin ang aplikasyon, kontra sa 11 “No” votes para naman bigyan ng prangkisa ang network.

Sa August 31, maaaring makabilang si Nikki at ang asawa nitong si Luis Garcia, na nagtatrabaho rin sa ABS-CBN, sa mawawalan ng trabaho.

Magbabawas ng halos 90 percent ng kanilang workforce ang istasyon dahil sarado na ang kanilang free-to-air broadcast.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikki Valdez, who voted for President Rodrigo Duterte: "Pero makalipas ang 4 na taon ng pagsubaybay sa mga ninais mo para sa bansa, ano po ang nangyari?”
PHOTO/S: Courtesy: @nikkivaldez_ on Instagram / Presidential Communications on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results