Karen Davila, Pia Magalona disgusted by cops confiscating protest materials during Quiapo Church mass

by Jet Hitosis
Jul 27, 2020
Broadcast journalist Karen Davila (left) and talent manager Pia Magalona (right) react to a viral video of Manila Police District cops taking away protest materials from a mass-goer inside Quiapo Church in Manila on Monday, July 27.
PHOTO/S: @iamkarendavila, @piamagalona on Instagram

“Bakit tayo nagkakaganito?”

Ganito na lang ang himutok ng Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila, 49, sa kumalat na video ng sapilitang pagkumpiska ng mga pulis sa placards ng isang nagsisimba sa loob ng Quiapo Church sa Maynila.

Kuha ang video ngayong Lunes, July 27, ilang oras bago magsimula ang taunang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Complex, Quezon City.

Bandang hapon ngayong Lunes nang ibinahagi ni Karen ang video sa Twitter.

Sa video, nagdaraos ng misa sa loob ng Quiapo Church nang lapitan ng dalawang operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki.

Nakaupo ang lalaki sa hulihang bahagi ng simbahan.

Makikitang puwersahang kinuha ng dalawang pulis ang placards na nasa bag ng lalaki.

Isang babae, na mahihinuhang kasama ng lalaki, ang tinatangkang pigilan ang dalawang pulis.

Nang masamsam ang lahat ng placards, kaagad lumabas ng simbahan ang mga pulis.

Continue reading below ↓

Ang post na ito ni Karen ay ni-retweet ng kapwa niya Kapamilya broadcaster na si Ces Drilon.

PIA MAGALONA: “MGA KAMPON NI SATANAS”

Nagpahayag ng galit sa nangyari si Pia Magalona.

Si Pia ang biyuda ng rapper-songwriter na si Francis Magalona, at ina nina Maxene, Saab, at Elmo Magalona.

Sa tweet ni Pia, ginamit niya ang mga salita ng yumaong asawa upang ilarawan ang galit na naramdaman niya sa video.

Ang mga pulis daw na iyon ang tinatawag ni Francis na “mga kampon ni Satanas.”

Binatikos ni Pia ang kawalan ng respeto ng mga pulis para gawin ang pangungumpiska sa loob ng simbahan at sa kalagitnaan pa man din ng misa.

Gumamit si Pia ng #SONAfaGUN, na nagpapahiwatig na may kaugnayan sa SONA ang naging aksyon ng mga pulis sa loob ng Quiapo Church.

Tradisyon nang pinaiigting ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad malapit sa Batasan Complex sa Quezon City tuwing may SONA ang Pangulo.

Continue reading below ↓

Ngayong taon, mistulang buong Metro Manila na ang saklaw ng paghihigpit ng mga awtoridad, dahil nasa Maynila ang Quiapo Church.

Tweet ni Pia (published as is): “This is what Francis would refer to as mga kampon ni satanas.

“As Catholics, we are taught to place ourselves in the presence of the Lord, as this is the house of our Father.

“But these beasts just barge in w ZERO RESPECT. #SONAfaGUN”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

BART GUINGONA: "MGA BARUBAL"

Ang actor-producer na si Bart Guingona, 56, tinawag na “goons” at “Mga barubal” ang dalawang pulis.

Ipinost ni Bart sa Twitter ang litrato ng mismong pagkumpiska ng dalawang pulis sa mga placards na nasa bag.

Tulad ni Pia, binatikos ni Bart ang ipinakita ng mga pulis na kawalang pakundangan sa kalagitnaan ng misa.

Saad sa tweet ni Bart: “In church, in the middle of mass, these goons grabbed the posters of an attendee. Mga barubal.”

Continue reading below ↓

Gayunman, sa isa sa mga tweet ni Bart ay makikita ang isa pang larawan kung saan nakaluhod ang lalaki habang nakaharap sa altar ang hawak na placard.

Nakasulat dito ang "RESIST TERROR LAW!"

Caption ni Bart: "Luckily may isang natirang poster sa kanya. Saludo bro!"

Hindi malinaw kung inilantad ng lalaki ang placard bago o pagkatapos ng insidente.

Continue reading below ↓

PLACARDS WHILE INSIDE THE CHURCH

Sa report ng ABS-CBN News, kinilala ang lalaking kinuhanan ng placards bilang si Tristan Bringas, miyembro ng Akbayan Citizens Action Party.

Nasa Quiapo Church si Bringas at iba pang Akbayan members para dumalo sa “Misa Para sa Katarungan at Kapayapaan” nang mangyari ang insidente.

Ang misa ay inorganisa ni Senator Risa Hontiveros (Akbayan Party-list) at ni Bishop Broderick Pabillo.

Dumalo rin sa misa si Hontiveros, na kaagad ipinagbigay-alam kay MPD Director Brigadier General Rolando Miranda ang nangyari.

Sa panayam ng media kay Brigadier General Miranda, sinabi nitong hindi niya nakita ang insidente dahil sa harapang bahagi raw ng simbahan siya nakaupo noong nagmimisa.

Depensa niya, inakala marahil ng kanyang mga tauhan na planong mag-rally ng grupo ni Bringas sa loob ng simbahan.

Gayunman, sinabi ng brigadier-general na paiimbestigahan niya ang insidente.

Pero kung susuriin, kaduda-duda na kumilos ang dalawang pulis nang walang direktiba sa kanilang superiors.

Continue reading below ↓

AKBAYAN TO FILE CHARGES

Samantala, sa official statement ng Akbayan ay sinabi nitong kakasuhan ng partido ang dalawang pulis.

Basta na lang daw kasing kinuha ng mga ito ang mga placards, na gagamitin sana sa rally ng grupo sa University of the Philippines (UP)-Diliman.

Ayon sa Akbayan, hindi sinabi ng mga pulis kay Bringas kung bakit kinumpiska ng mga ito ang placards.

Sinabi ng Akbayan na maituturing daw na pagnanakaw ang ginawa ng dalawang tauhan ng MPD kay Bringas.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broadcast journalist Karen Davila (left) and talent manager Pia Magalona (right) react to a viral video of Manila Police District cops taking away protest materials from a mass-goer inside Quiapo Church in Manila on Monday, July 27.
PHOTO/S: @iamkarendavila, @piamagalona on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results