Vice Ganda, Angel Locsin laud ABS-CBN for offering its transmission network for education

by Arniel C. Serato
Jul 28, 2020
Vice Ganda and Angel Locsin support ABS-CBN's intention to help government push learning in the new normal. Vice Ganda: "Saludo! Serbisyong di matatawaran!”
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram / File

Pinapurihan ng Kapamilya stars na sina Vice Ganda at Angel Loscin ang pag-aalok ng ABS-CBN sa gobyerno ng kanyang transmission network at educational programs para sa mga estudyante.

Sa August 24 nakatakdang magsimula ang klase kung saan gagamitin ng Department of Education (DepEd) ang blended learning upang maiwasan ang face-to-face learning.

Sa blended learning, magiging malaki ang papel ng internet dahil online classes, o school from home, ang gagamitin ng mga guro upang magturo sa kanilang mag-aaral.

Naglabas ang ABS-CBN ng pahayag kung saan inaalok nito sa pamahaalan ang kanilang transmission network para sa pagpapalabas ng educational programs sa bansa.

Sabi ng ABS-CBN statement: "Our commitment to the public is for ABS-CBN to continue serving the Filipino in whatever capacity we can.

“In response to the educational thrust of the government in this time of the pandemic, we are offering the use of our transmission network to broadcast educational programs all over the country.

Continue reading below ↓

"We hope to help the government continuously educate students nationwide despite the limitations brought about by the pandemic.

"On top of our transmission network, we are also offering the use of all the educational programs we have produced over the past 20 years.

"While this is not expected to have any business impact to the company, we are hopeful that our network can help in the education of our students nationwide.”

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Vice ang Tagalog version ng statement ng network.

Saad niya sa caption, “Saludo! Serbisyong di matatawaran!”

Continue reading below ↓

Gayundin ang post ni Angel sa kanyang Instagram.

Nakalagay sa caption, "Para sa kabataan."

MALACAÑANG’S REACTION

Sa kanyang daily press briefing ngayong araw, July 28, kinunan ng reaksiyon si Presidential Spokesperson Harry Roque ukol sa alok na ito ng ABS-CBN.

Maingat na sagot nito, “Ayos naman po, ‘no, pero sa ngayon po dedesisyunan muna kung sino ang gagamit ng mga frequencies dahil nabakante na nga po ‘yan.

Continue reading below ↓

“Kinakailangang ipagamit po 'yan gaya ng sinabi ng ating gobyerno.

“Pero kung gobyerno po ang gagamit, salamat po at baka naman po puwede po gamitin yung mga transmission at yung mga materyales ng ABS-CBN.”

Hindi na nagagamit ng ABS-CBN ang kanyang malawak na transmission network matapos silang magsara noong May 5, 2020 dahil sa inilabas na cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Naibalik na rin sa gobyerno ang kanilang assigned frequencies matapos ibasura ng House Committee on Legislative Franchises, noong July 10, 2020, ang kanilang aplikasyon ng panibagong prangkisa.

Simula sa August 31, malaking porsiyento ng workforce ng ABS-CBN ang mawawalan na ng trabaho bunsod ng ibinasurang prangkisa ng network.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda and Angel Locsin support ABS-CBN's intention to help government push learning in the new normal. Vice Ganda: "Saludo! Serbisyong di matatawaran!”
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results