Jinkee Pacquiao disclaimer in video tour of private beach resort: “I’m not bragging...na meron kaming ganito.”

by Bernie V. Franco
Jul 28, 2020
Jinkee Pacquiao on video tour of their private beach resort in Sarangani: “I’m not bragging for anything na meron kaming ganito, request niyo naman ito, so i-tour ko kayo dito."
PHOTO/S: @jinkeepacquiao on Instagram

Nagbitaw ng disclaimer si Jinkee Pacquiao, 41, nang mag-upload ito ng video tour ng kanilang family private beach resort sa Sarangani Province.

“Sa lahat ng mga nagtatanong, eto na yun.

“I’m not bragging for anything na meron kaming ganito, request niyo naman ito, so i-tour ko kayo dito," mensahe ni Jinkee sa kanyang followers.

Ayon kay Jinkee, itinayo ang kanilang private beach resort sa Barangay Taluya, Glan, Sarangani Province, pitong taon na ang nakalilipas.

Continue reading below ↓

Sa 21-minute-long video, inilarawan ni Jinkee ang property bilang “first private resort ng buong family.”

Ito ay dahil may itinayong dalawang villas sa resort—isa para sa pamilya ni Jinkee at isa para sa pamilya ni Manny.

Tinawag din ni Jinkee na "our little paradise" ang kanilang ari-arian.

In-upload ang video sa kanyang YouTube account noong Sabado, July 25.

ISSUE BETWEEN AGOT AND JINKEE

Hindi naman kataka-kata ang naibulalas na disclaimer ni Jinkee.

Noong nakaraang Hulyo ay naging laman siya ng entertainment headlines.

Ito ay matapos pag-usapan ang larawan ng dalawang branded na bisikleta na ipinost niya sa Instagram. Tinatayang nasa isang milyon ang presyo ng dalawang luxury bikes.

Nag-react dito ang actress-singer na si Agot Isidro, at tinawag na insensitibo ang post na iyon ni Jinkee.

Ayon kay Agot, hindi na kailangang ipangalandakan pa ni Jinkee ang kanilang yaman, lalo na ngayong marami ang nakararanas ng hirap dahil sa pandemya.

Continue reading below ↓

Hati ang reaksyon ng netizens sa post ni Agot. May mga sumang-ayon at meron ding nagsabing “inggitera” siya.

Hindi nagpatinag si Agot at nanindigang kulang sa sensitivity ang post ni Jinkee.

Walang direktang sagot si Jinkee sa kritisismo ni Agot, pero nag-post din siya ng Bible passage na “Do Not Judge Others.”

Matapos nito ay in-edit din ni Jinkee ang ginawang caption sa dalawang mamahaling bisikleta, at nagpaliwanag na regalo lamang ang mga iyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jinkee Pacquiao on video tour of their private beach resort in Sarangani: “I’m not bragging for anything na meron kaming ganito, request niyo naman ito, so i-tour ko kayo dito."
PHOTO/S: @jinkeepacquiao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results