Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Marcoleta, Remulla, Duterte, others file resolutions for House to investigate ABS-CBN, Lopezes anew

by Arniel C. Serato
5 days ago
(First row) Representatives Rodante Marcoleta, Jesus Crispin Remulla, Michael Defensor, Elpidio Barzaga Jr.; (second row) Paolo Duterte, Eric Yap, and Claudine Bautista go after the Lopez family just one day after the 18th Congress' second regular session opened.
PHOTO/S: Courtesy: www.congress.gov.ph / Jerome Ascano

Hindi pa tapos ang mga mambabatas sa pagdidiin sa ABS-CBN at sa pamilya Lopez.

Isang araw pagkatapos magbukas ang second regular session ng 18th Congress kahapon, July 28, kaagad nagpasa ang pitong kongresista ng tatlong resolusyong naglalayong paimbestigahan ang mga ari-arian at utang umano ng mga Lopez.

Tatlo sa mga naghain ng mga resolusyon ay sina SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta, Cavite 7th District Representative Jesus Crispin “Boying” Remulla, at Anakalusugan Party-list Representative Michael "Mike" Defensor.

Ang tatlong mambabatas ay siya ring mainit na umusig sa mga kinatawan ng ABS-CBN, sa isinagawang pagdinig sa Kongreso sa prangkisang hinihiling ng network, na nagtapos noong July 10 sa pagpatay nito.

Sa isang resolusyon ay kasama nilang nakapirma sina Davao City 1st District Representative Elpidio Barzaga Jr., ACT-CIS Party-list Representative Eric Yap, Dumper-PTDA Party-list Representative Claudine Bautista, at si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte, ang presidential son.

Kabilang ang pitong mambabatas, na puro kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa pitumpung bumoto upang ibasura ang prangkisa ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ang isang resolusyong inihain nila sa plenaryo ng Kongreso ay ang pagbibigay linaw sa paggamit ng ABS-CBN sa prangkisa ng AMCARA Broadcasting Network upang makapag-broadcast ang ABS-CBN gamit ang digital transmission na ABS-CBN TVPlus.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Target naman ng pangalawang resolusyon ang pag-imbestiga sa titulo ng lupang kinatitirikan ng ABS-CBN Broadcast Complex sa Mother Ignacia, Quezon City.

Ang pangatlo naman ay ang pagbibigay linaw sa halos P1.6 bilyon umanong pagkakautang ng ilang kumpanyang pagmamay-ari ng Lopez family.

AMCARA BROADCASTING NETWORK

Si Remulla ang naghain ng House Resolution No. 1015 na gustong busisiin ang AMCARA Broadcasting Network dahil lumabag daw ito sa kanyang legislative franchise.

Nakasaad daw sa Republic Act 8135 Section 11 na bawal nitong parentahan at ipagamit ang kanyang resources sa ibang broadcasting company nang walang pahintulot ng Kongreso.

Base rin sa resolusyon, nalaman daw sa hearing ng House Committee on Legislative Franchises noong June 29, 2020, na nag-invest ang ABS-CBN ng 49 percent sa AMCARA, na itinuturing ng ABS-CBN na subsidiary sa kanyang disclosure sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong 2012.

Continue reading below ↓

Makikita rin daw sa isang audit document noong February 2017 na ang pumirma rito ay si Eugenio "Gabby" Lopez III, chairman emeritus ng ABS-CBN.

Nakalagay rin daw rito na si Gabby Lopez ang presidente ng AMCARA Broadcasting Network.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ABS-CBN LAND TITLE

Sa House Resolution No. 1058, gusto naman ni Marcoleta na busisiin ang titulo ng lupang kinatatayuan ng ABS-CBN Broadcasting Center sa Quezon City.

Photocopy lamang daw ang naipresenta ng mga opisyal ng ABS-CBN sa hearing ng kanilang prangkisa sa Kongreso, at hindi raw sila nakapagsumite ng certified electronic copy ng titulo.

Nasa 44,027 square meters ang lupang nakakapaloob sa broadcast complex, ngunit ayon kay Marcoleta ay 42 square meters lamang ang nakasaad sa titulo ng lupa.

Ayon pa sa mambabatas, kuwestiyonable ang papeles ng ABS-CBN, at kung hindi mapatutunayang sa kanila talaga ang lupain, babawiin daw ito ng gobyerno.

Narinig nang pinagplaplanuhan nina Marcoleta, Remulla, Defensor at iba pang mambabatas ang lupang kinatatayuan ng ABS-CBN sa Quezon City, sa kanilang controversial Zoom meeting noong July 17.

Continue reading below ↓

CONTROVERSIAL DBP LOANS

Kabilang din sina Remulla at Marcoleta sa pitong mambabatas na nakapirma sa House Resolution No. 1040.

Kasama nila rito sina Representatives Mike Defensor, Claudine Bautista, Elpidio Barzaga Jr. Eric Yap, at Paulo Duterte.

Layon ng resolusyong maimbestigahan ng Good Governance and Public Accountability ng Kongreso ang mga pagkakautang umano ng ilang kumpanyang pagmamay-ari ng Lopez family.

Continue reading below ↓

May mga utang raw ang mga kumpanya sa bangkong pagmamay-ari ng gobyerno, na hindi na nabayaran o tuluyang na-write off.

Nakasaad sa resolusyon na napag-alaman daw ng mga mambabatas na ang Benpres Holdings Corporation—na Lopez Holdings Corporation na ngayon—ay may pagkakautang na aabot sa P1.6-B, na hindi na raw pinabayaran ng Development Bank of the Philippines (DBP).

Hindi raw malinaw ang dahilan kung bakit hindi na ito pinabayaran ng DBP sa mga Lopez.

Continue reading below ↓

Wala pang inilabas na pahayag ang ABS-CBN ukol sa tatlong bagong resolusyon sa Kongreso.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(First row) Representatives Rodante Marcoleta, Jesus Crispin Remulla, Michael Defensor, Elpidio Barzaga Jr.; (second row) Paolo Duterte, Eric Yap, and Claudine Bautista go after the Lopez family just one day after the 18th Congress' second regular session opened.
PHOTO/S: Courtesy: www.congress.gov.ph / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results