Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Glaiza de Castro manages bashers calling her "malandi" and her Irish boyfriend "demonyo"

by Rachelle Siazon
5 days ago
Glaiza de Castro on detractors of her relationship with Irish boyfriend David Rainey: "Matatagpuan din sila ng taong magmamahal at uunawa sa kanila gaya ng pagmamahal at pang uunawa sa akin sa kabila ng topak ko."
PHOTO/S: @glaizaredux / @david_rainey89 Instagram

"Aware ako sa mga tweets against me pero wag nating hayaang ikalugmok natin yun."

Ito ang pahayag ni Glaiza de Castro, 32, tungkol sa mga naninira sa kanya at sa Irish boyfriend niyang si David Rainey, 31.


Umalma naman ang masugid na fans ni Glaiza sa bashers na tinatawag na "malandi" si Glaiza at "demonyo" si David sa tuwing may ulat tungkol sa masayang relasyon ng couple.

Continue reading below ↓

Malisyosong komento ng isang basher sa isang litrato nina Glaiza at David: "mabuntis n nung demonyo david."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May iba pang tweets ang basher na tinukoy na "virus" at "demonyo" raw si David.

Continue reading below ↓

Naglagay din ang basher ng salitang "kalandian" sa isang tweet na naglalaman ng update tungkol sa YouTube account ng Kapuso actress.

Halos ganito rin ang mga batikos ng isa pang namba-bash kina Glaiza at David kaya umalma ang solid fans ng Kapuso actress.

Continue reading below ↓

GLAIZA REITERATES LOVE FOR BOYFRIEND DAVID

Kalmado namang hinarap ni Glaiza ang isyu.

Lunes ng hapon, July 28, isa-isang sinagot ni Glaiza ang fans na galit sa bashers na naninira sa kanya.

Napag-alaman kasi ng fans ni Glaiza na kaya marahil pinuputakti ng batikos sina Glaiza at David ay dahil mas gusto ng ilang bashers ang onscreen teamup nina Glaiza at Rhian Ramos.

Continue reading below ↓

Bida sina Glaiza at Rhian sa The Rich Man's Daughter, ang defunct Kapuso prime-time series na tumalakay sa same-sex relationship.

Tanong ng isang fan, "G bakit na daming bitter kay David.. wla naman kasalan ung tao sa knila. D pa rin maka move on."

Siniguro naman ni Glaiza sa fan na hindi siya apektado ng pamba-bash sa kanila ni David dahil masaya siya sa piling ng nobyo.

Ani Glaiza, "Matatagpuan din sila ng taong magmamahal at uunawa sa kanila gaya ng pagmamahal at pang uunawa sa akin sa kabila ng topak ko. Naniniwala ako."

Continue reading below ↓

ON BASHERS' MALICIOUS COMMENTS

Pinayuhan din ni Glaiza ang kanyang fans na huwag nang pumatol sa mga malisyosong komento ng bashers.

"Alam niyo gaiz, marami na tayong nababasa sa Twitter na nakaka apekto sa emosyon natin, mas makakatulong sa atin at sa lahat ng makakabasa ng tweet natin na huwag mag reply ng masasakit na salita.

"Kahit pa minsan nakakainis na talaga.


Continue reading below ↓

Dinededma raw ni Glaiza ang bashers na "wala namang sense ang sinasabi."

Paliwanag niya, "Baka nag hahanap lang din sila ng release, kasi nakakabaliw naman talaga ang nangyayare sa mundo.

"Nataon lang na ako, o kung sino man dito sa Twitter ang napag disketahan."


Sumang-ayon naman si Glaiza sa komento ng isa niyang fan na pagtuunan na lamang ng pansin ang mga bagay na kapaki-kapinabang, tulad ng paglilinis ng bahay at pag-eehersisyo.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Glaiza, "Akap gaiz, may mga bagay tayong hindi kayang i control tulad ng pandemic na ito at ang mga opinyon ng ibang tao, pero kaya nating kontrolin kung paano tayo magre react sa mga bagay na yun.

"Suportahan natin ang isa't isa na maging mas mapang unawa."

Continue reading below ↓

GLAIZA AND DAVID'S PREVIOUS QUARANTINE EXPERIENCE

Na-extend ang bakasyon ni David kasama si Glaiza nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa Pilipinas.

Namalagi sila sa bahay ng pamilya ni Glaiza sa Baler, Aurora, kunsaan mayroong bed-and-breakfast business ang Kapuso actress.

Minsan nang naikuwento ni Glaiza na si David ang boluntaryong lumalabas para sa errands, tulad ng pamamalengke, dahil parehong senior citizens ang mga magulang ng dalaga.

Pero ngayon ay nakabalik na rin si David sa Ireland, habang si Glaiza ay nananatili pa rin sa Baler habang work from home pa rin siya para sa Sunday musical-variety show na All-Out Sundays.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro on detractors of her relationship with Irish boyfriend David Rainey: "Matatagpuan din sila ng taong magmamahal at uunawa sa kanila gaya ng pagmamahal at pang uunawa sa akin sa kabila ng topak ko."
PHOTO/S: @glaizaredux / @david_rainey89 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results