Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Kiray Celis says "walang ligaw" in her whirlwind romance; took just days to get into the relationship

by Bernie V. Franco
5 days ago
Kiray Celis says she and boyfriend Stephan Estopia have only been together for seven months, but they have talked about wedding and family plans. She adds, "Lahat ng hiniling ko sa ex ko, walang effort na nabigay ng dyowa ko ngayon."
PHOTO/S: @stephan.estopia on Instagram

Napatunayan daw ni Kiray Celis, 26, na wala sa tagal ng panahon ang basehan para makatagpo ng true love.

Ito raw ang nangyari sa kanila ng non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia, 23.

Whirlwind romance ang love story nina Kiray at Stephan, at lumalabas na ilang araw lang ang “getting-to-know” nila bago sila naging magkarelasyon.

Matutukoy ito sa mga petsa na binanggit ni Kiray sa exclusive interview niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, July 27.

Wala pang dalawang buwan matapos ang breakup ni Kiray sa kanyang first boyfriend nang maging sila ni Stephan.

Pero hindi raw gaya ng dating nobyo ni Kiray, proud si Stephan na ipagsigawan ang pagmamahal niya kay Kiray.

Ibinahagi rin ng Kapuso comedienne ang plano nilang pagpapakasal, mga isyu kagaya ng live-in, hanggang sa pagkuwestiyon sa sekswalidad ni Stephan, at sa intensiyon ng nobyo sa kanya.

KIRAY: “HE’S REALLY NOT MY TYPE.”

Umpisa pa lang daw ay nag-click agad sina Kiray at Stephan dahil pareho nilang naranasang maloko at masaktan sa pag-ibig.

Continue reading below ↓

Matalik na kaibigan ng nakababatang kapatid ni Kiray si Stephan, na madalas din sa bahay nila.

Pero hanggang doon lang ang pagkakakilala nina Kiray at Stephan noon.

Ayon sa aktres, “Hindi kami nagpapansinan, we never talk.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“As in, sa sampung taon na yun, wala kaming paki sa isa’t isa, parang hindi siya nag-e-exist sa akin.”

Dagdag ni Kiray, “He’s really not my type.

“Saka, hindi nga ako mahilig magkagusto. Hindi nga ako ma-crush, e. Hindi ako magustuhin.

“Pero I know him. Friends kami sa Facebook.”

Ilang araw lang ang itinagal ng kanilang “getting-to-know stage,” pero ipinaramdam daw sa kanya ni Stephan ang tunay na pagmamahal.

“Na-realize namin na, parang, alam mo pag mahal mo pala, pag naa-appreciate mo yung tao na ‘yon, walang matter of time…

"Kahit gaano mo kabilis o katagal na kakilala yung isang tao, basta napakita niya yung deserve mo...

“Kasi alam mo, lahat ng hiniling ko sa ex ko, walang effort na nabigay ng dyowa ko ngayon—nung hindi pa kami.”

Continue reading below ↓

Na-realize daw niyang mas masarap kapag kusang ibinibigay ang pagmamahal.

“Kaya pala pag meron kang mahal, hindi niya yun naibigay sa 'yo, huwag mong hingin, kasi hindi niya talaga ibibigay.

“Kasi, kusa pala yun ibinibigay, kapag gusto talaga nila.

“So, lahat ng hiniling ko sa ex ko, hindi ko hiniling dito [kay Stephan], pero binibigay niya,” saad ni Kiray.

Kiray boyfriend

Continue reading below ↓

VICTIM OF LOVE

Naging mabilis man ang takbo ng kanilang relasyon, hindi balakid iyon dahil sampung taon nang magkakilala sina Kiray at Stephan.

Bago naging sila ni Stephan, may karelasyong non-showbiz guy si Kiray, na non-showbiz at hindi niya ipinakilala sa publiko.

Ito raw ang kanyang unang boyfriend.

“Yung guy na yun, kaya nakaka-relate ako sa sleepless nights, yung paranoid ka every time, kasi galing ako sa relationship na hindi masyadong maayos.

“Yung maraming nilalandi, niloloko talaga. Galing ako doon.

“Iiyak ako bago ako matulog. Pagkagising ko, paranoid ako.”

Naibahagi ni Kiray kung bakit hindi niya ipinakilala sa publiko ang dating boyfriend tuwing natatanong noon sa interviews.

“Sabi niya sa ‘kin he’s a private person, and businessman siya, so hindi naman kailangang sabihin the name.

“Pero yun pala, ang dami niyang nilalandi, kaya hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan.”

Naging mahirap daw ang paghihiwalay na iyon dahil magkasosyo pa sila sa isang food business, pati na rin sa mga ari-arian, gaya ng kotse.

Continue reading below ↓

Pero nakipaghiwalay si Kiray sa unang boyfriend na ito noong katapusan ng October 2019.

GAME OF LOVE

Ayon kay Kiray, nagkrus ang landas nila ni Stephan dahil sa Mobile Legends, isang multiplayer online game.

“Noong mga bandang November 27 [2019], to be exact, naglalaro ako ng Mobile Legends, kasi nga single na ako, wala akong dyowa, andami kong time.”

Nagkataon daw na naka-online din si Stephan. Dahil magkakilala naman, nagkayayaang maglaban sila.

Makalipas ang ilang araw, nagkampi ang dalawa para kalabanin ang iba pang online gamers.

Kuwento ni Kiray, “Nung mga bandang December 1 or December 2, parang natalo kami sa laro."

Bigla raw nagbitaw ng hugot line si Stephan: “’Mas okay nang matalo sa laro, kesa sa pag-ibig.’”

Dito raw nag-open up si Stephan tungkol sa recent breakup nila ng dating girlfriend. Tatlong taon din ang itinagal ng relasyon nila.

Kagaya ni Kiray, mayroong daw ibang lalaking nilalandi ang dating girlfriend ni Stephan.

Continue reading below ↓

“Sabi ko, ‘Huy, parehas tayo, kaya pala nakakapaglaro ka na rin.’ Parehas kami.

“Kakahiwalay din lang niya noong November, ako October. Halos magkadikit kami. Ako October 31, siya November, ganyan...”

Nauwi rin sa seryosong usapan ang online gaming na bonding nina Kiray at Stephan.

Napagtanto raw nina Kiray at Stephan na pareho ang sinapit nilang kasawian sa pag-ibig.

“'Ay, pareho ang rason ng mga ex natin,’ tapos dun kami nag-jive.

"Tapos hanggang sa every day na kami nag-uusap,” sabi ni Kiray.

Komento pa niya, “Alam mo, dun ko napatunayan na lahat ng manloloko, parehas ng rason. Alam mo yung ipipilit nila na, ‘E, kasi nagkulang ka sa time, e.'

"Alam mo yun, parang ikaw pa yung ipipilit na mali.”

HOT STORIES

BLOSSOMING FEELINGS

Pagkatapos nun ay nagsimula raw magkagaanan ng loob sila Kiray at Stephan.

Sa kabila nito, kinuwestiyon daw ni Kiray ang nararamdaman dahil sa bilis ng mga pangyayari.

“Nagulat ako na, parang, ‘Teka, kakahiwalay ko lang, e, wait lang.’ Saka siya rin, kakahiwalay niya lang.

Continue reading below ↓

“Kaya meron akong feeling na baka, 'Ano ‘to, rebound?' That’s very hard.

“Lalo na parang months pa lang ang nakakalipas," tukoy ni Kiray sa mga agam-agam niya noon.

Isang buwan pa lang kasi mula nang kumalas si Kiray sa dating karelasyon.

Sa isip-isip daw niya, "Parang, ‘Teka lang, meron na naman akong kinakausap.’”

Gayunpaman, hindi raw maitanggi ng aktres ang koneksiyon nila ni Stephan.

“Alam mo sa sarili mo, hindi na siya usap. Mahalaga na sa ‘yo yung tao. Ganun yung na-feel ko kaagad.”

May pag-reality check pa si Kiray sa sarili: “Kasi tayo naman, kapag meron tayong breakup, [at may bagong] nakausap, alam natin na chill lang. Usap lang. Alam natin yun.

“Pero nung dumating siya, sabi ko, ‘Teka, iba ‘to ah.’ May ganun na akong gut feeling.”

Mutual daw ang feelings nila ni Stephan.

Mabilis silang nagkasundo dahil daw naintindihan nila pareho ang heartbreak—pareho silang naloko at parehong three years tumagal ang iniwang relasyon.

Continue reading below ↓

Pero higit na kasiyahan daw ang natagpuan nina Kiray at Stephan sa isa't isa.

Iyon daw pala ang rason kung bakit hindi nag-work ang kani-kanilang relasyon noon.

Saad ni Kiray, “Dun namin na-realize, and siya na-realize din niya, habang kami pala nung mga taong mahal namin, nagmu-move on na pala kami.

Continue reading below ↓

“Hinihintay lang namin yung tamang panahon hanggang sa mapagod kami, para wala kaming pagsisisihan.

“Hinintay namin yung time na mapagod na kami, pero mahal namin, pero hindi na pala kami masaya.”

Pagsusuma niya: “So, kapag nagmamahal ka, kailangan pala masaya ka rin. Hindi puwedeng mahal mo lang.

“Kailangan masaya ka rin. May tiwala ka sa tao na ‘yon. Mahal mo.”

Malaking bagay raw na tanggap siya ng pamilya ni Stephan, at tanggap din ng pamilya ni Kiray si Stephan.

Kilig na paglalarawan ni Kiray sa relasyon nila ni Stephan, “Sobrang love ako ng family niya, sobrang love siya ng family ko.

“Ang sarap pala sa feeling na may family involved.Ang sarap sa feeling na ang mahal mo, mahal din ng mga mahal mo.”

PROUD OF THE RELATIONSHIP

Ani Kiray, ipinaramdam sa kanya ni Stephan ang pagiging proud boyfriend nito, na hindi niya naranasan sa unang nobyo.

Kaya naman nagdesisyon si Kiray na isapubliko ang relasyon nila ni Stephan.

Continue reading below ↓

Sabi ng aktres, December 13, 2019 nang mag-post siya sa social media tungkol sa kanila.

Sa madaling salita, mula nang maglaro sila ng Mobile Legends noong November 27, hanggang sa nagkaroon sila ng heart-to-heart talk noong "December 1 or 2," pinakamatagal na ang isang linggong pag-uusap bago sila naging magkarelasyon.

Diretsahang tinanong ng PEP.ph si Kiray nitong gabi ng Miyerkules, July 29, kung ilang araw lang ang ligawan nila ni Stephan bago naging sila.

Sagot niya, "Walang ligaw sa akin. Basta first week ng December [nagkamabutihan].

"Nanligaw po siya sa parents ko. Hehehe."

Kumpirmadong ilang araw lang ang inabot bago nabuo ang relasyon nila.

Kuwento ni Kiray tungkol sa pagsasapubliko ng kanyang relasyon: “Nag-start ako mag-post nung nasa Baguio kami. ‘Teka, it’s about time siguro na ipakita ko na yung mukha mo.’

“Sabi ko, ‘Ang gwapo naman ng dyowa ko, bakit hindi ko naman ipagmalaki, di ba?’"

Ganito rin daw ang ginawa ni Stephan, na hindi nagawa ng dating karelasyon ng aktres.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Kiray, “Nagulat ako, sobrang proud siya sa ‘kin. I mean, pinu-post niya ako, ako lang ang laman ng account niya.

“Kung ano yung pinu-post ko, nire-repost niya rin, na hindi ko kailangang sabihin. Ang sarap sa pakiramdam na proud ang taong mahal mo sa ‘yo.”

Kung susuriin ay kakaunti lamang ang posts ni Stephan sa Instagram, at karamihan dito ay mga larawan nila ni Kiray.

Mababasa rin sa mga caption ni Stephan ang pagtatangi niya sa girlfriend.

ON LIVE-IN queries, SEXUALITY ISSUES

Aminado si Kiray na may mga nagtatanong kung nagli-live-in na raw sila ni Stephan.

Kahit may pandemya raw kasi ay kapansin-pansing madalas magkasama ang dalawa, base na rin sa larawan at videos nila sa social media.

Pero itinanggi ni Kiray na nagsasama sila sa isang bahay ni Stephan.

Paliwanag niya, “Sobrang lapit lang niya, sa kabilang street lang po siya sa akin.

“Kaya akala ng mga tao, live-in kami, kasi every day siya dito, lalo na nung nag-quarantine, nandito pa rin siya.

Continue reading below ↓

“E, di ba, lahat ng magdyowa hindi nagkikita? Ta's siya lagi siyang nandito, kasi magka-barangay kami, magkabilang street. Hindi siya bawal. Andito lang siya.

“May nag-comment po sa amin, ‘Magka-live-in ba kayo?’ Kasi bawal pa yung mga sasakyan, di ba?”

Isa pang isyung ipinupukol sa couple ay gagamitin lang daw ni Kiray si Stephan dahil may hitsura ang binata.

“Actually, ang dami ngang naggaganyan sa kanya, kasi nga pogi siya, di ba?" prangkang hirit ni Kiray.

Patuloy niya, “So, parang may magsasabi, ‘Ay, gagamitin ka lang niyan.' Pero siya, wala siyang paki.

“To be honest, hindi siya sanay sa mundo natin, pero pag nakakabasa siya ng bad comments, natatawa na lang siya.

“Ang galing nga niya kasi kaya niyang i-handle. Hindi siya napipikon.”

Marahil daw ay inihanda ni Stephan ang sarili dahil isang artista ang kanyang kasintahan.

Paliwanag pa ni Kiray, "Hindi siya patola. Siguro ni-ready niya rin ang sarili niya na, 'Artista yung dyowa ko so kailangan kong maging ganito.'"

Continue reading below ↓

Pero may isang pagkakataon daw na sumagot sa basher si Stephan.

Ito ay nang tawaging "bakla" at "bisexual" ang binata.

“Heto sabi sa kanya: ‘Bakla ka, di ba? Good for you at tanggap ka ni Kiray. Wala namang masama sa pagiging bisexual mo eh.’"

Sagot daw ni Stephan sa basher: "Hahahaha! Hindi po ako bakla.

"Ginawa ko lang po yung gusto ng mahal ko. Gusto ko siya mapasaya e. Wag ka po sana manghusga agad kung hindi mo kilala yung tao. Salamat po God bless.”

Ang video na tinutukoy ni Stephan ay ang surfing video nila ni Kiray sa La Union noong January 2020.

Ipinakita pa ni Kiray sa PEP.ph ang palitan ng mensahe ng basher at ni Stephan:

Continue reading below ↓

ON future PLANS and PROMISES

Seven months pa lang magkasintahan sina Kiray at Stephan, pero tila sigurado na sila sa isa't isa.

Mababasa sa kani-kanilang social media posts ang pagbibitiw nila ng mga pangako sa isa’t isa, na parang kulang na lang ay ikasal sila.

“Sobra," pagsang-ayon ni Kiray. "Kasi nga, may family involved kami. Okay sa parents ko, okay sa family niya.

“So, parang napag-uusapan naman namin. Biro mo, sa aga namin, seven months pa lang kami pero parang napag-uusapan namin yung kasal.”

May plano raw silang manirahan sa ibang bansa dahil doon naninirahan ang pamilya ni Stephan.

“May plano siyang mag-ibang bansa, e.

"Sabi ko, ‘Sige, punta ka dun, ta's kapag nakapag-ipon na ako sa sarili ko, punta na lang ako sa iyo.’

“Ganun lang, tapos tinatanong niya ako kung ilang taon daw kaming pwedeng mag-baby, ganun.”

Nang usisain ng PEP.ph tungkol sa planong pagpapakasal, sinabi ni Kiray na binibigyan niya ang sarili ng apat na taon pa.

Continue reading below ↓

“Sabi ko sa kanya, pag 30 na ako, so four years from now, ready na ako.

“Pag 32 na ako, tsaka na kami magbi-baby.

"Dapat 34, pero sabi ng OB [obstetrician] sa akin, masyado na raw matanda pag ang first baby at 34.”

Sabi pa ni Kiray tungkol sa boyfriend, “Ang dami niyang pangako. Mabait kasi talaga siya."

Continue reading below ↓

ON STEPHAN'S SIMPLE LIFESTYLE

Ayon pa kay Kiray, nag-iba ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig dahil kay Stephan.

“Dati kasi, nung bata pa ako, gusto kong yumaman. Mahilig ako sa pera, gusto kong magkapera.

“One thing na na-realize ko sa boyfriend ko ngayon, hind sila ganun kayaman, may kaya sila, pero hindi yung yaman na gusto ko o yung pangarap ko nung bata pa ako.

“One thing na na-realize ko, aanhin mo yung nakasakay ka sa magandang kotse tapos umiiyak ka naman?

“Mas gusto kong maglakad, hawak-hawak yung kamay ng taong mahal ko.

“Hindi yun mapapantayan ng happiness na nabibigay sa 'yo kapag honest, loyal, and ikaw lang ang mahal ng tao na ‘yon.”

Sobrang alaga pa raw siya ni Stephan.

“Naging sobrang alipin ako sa ex ko.

"Ngayon na lang ako bumalik sa katamaran kasi sobrang sipag ni Stephan. Maalaga.

"Wala akong masabi. Sobrang bait talaga. Hindi ako pinapatulog niyan na hindi ako okay.”

Continue reading below ↓

NOT A JEALOUS GIRLFRIEND

Natawa si Kiray nang matanong kung paano niya hina-handle kapag may nakiki-flirt sa kanyang boyfriend.

Sabi ng aktres, maraming gays ang nagkakagusto kay Stephan.

“Pag bakla, sabi ko, 'Ibebenta kita para may pera tayo. Choosy ang mga bakla. Kapag nagustuhan ka, totoong pogi ka,' sabi ko sa kanya," kuwelang saad ni Kiray.

Hindi raw tinatablan ng selos si Kiray kapag may mga nagpaparamdam na girls kay Stephan.

“I don’t mind kasi alam ko sa sarili ko, ako yung mahal niya, e. And kilala ko kasi siya as a person.

“Ganun naman kapag may tiwala ka sa isang tao, kahit ilayo mo ‘yan, kapag mahal ka niya, mahal ka niyan. Hindi ka lolokohin niyan.

“Ganun yung binuild naming trust sa isa't isa, kasi nga nasira yung trust namin sa mga taong niloko kami.

“Hindi siya into social media. Kapag nag-post siya ng picture namin, kinikilig talaga ako, kasi minsan lang siya mag-post.”

Continue reading below ↓

ON NAYSAYERS

Hindi raw apektado si Kiray sa pang-aalaska o pambabatikos sa kanya ng mga kritiko pagdating sa relasyon nila ni Stephan.

“Hindi naman nawawala ang nega part sa buhay natin, lalo na yung mga taong walang magawa.

“Kahit may gawin kang maganda o wala kang gawin, iba-bash ka nila pag natripan ka nila. Ganun yung mundo natin ngayon, kasi umiikot ang mundo natin sa social media.”

Dahil sa kasiyahang nararamdaman sa love life, ginagamit ni Kiray ang social media para magbahagi ng karanasan.

Sa Twitter, marami siyang hugot quotes kunsaan makaka-relate ang mga nabigo sa pag-ibig.

Sabi ni Kiray, “Para i-share ko yung experience ko na dati kong pinagdaanan, tapos eto, masaya na ako ngayon.

“Gusto ko na matutunan ng mga tao… na para sa lahat ng taong nasasaktan ngayon, don’t lose hope.

“Kasi ako, kung puwede ko lang ikuwento yung naranasan ko sa ex ko, at yung boyfriend ko, na naranasan ni Stephan sa ex niya, baka mas masuwerte ka pa sa amin.

Continue reading below ↓

“Pero don’t lose hope, kasi nahanap namin yung happiness namin na hindi namin inaasahan.

“'Yan yung gusto kong malaman ng followers ko, nagbabasa ng posts ko.

“Hindi mo kailangang hanapin kasi hindi ko talaga siya hinanap. Kusa siyang dumating.”

Ano ang ginawa ni Kiray bago dumating sa buhay niya si Stephan?

“Just go with the flow, kasi ako, naging chill ako, e. Inayos ko yung sarili ko,” sagot niya.

Sa kabila ng pait na naranasan sa pag-ibig, nakatagpo naman daw ng mas masayang pag-ibig si Kiray.

“I’m very happy. Sabi ko nga sa 'yo, ang tagal ko sa isang relasyon na hindi ko masabi.

“Ang sarap kayang ipagmalaki ng taong mahal mo, di ba? Ang sarap ipagsigawan kung sino, eto, eto siya, eto ang pangalan niya.

“Ang tagal kong pinigil sa lahat ng interviews ko, sa lahat ng TV shows na napuntahan ko.

“Pero ngayon, parang effortless na, ‘Wow, ang sarap,’” masayang pahayag ni Kiray.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiray Celis says she and boyfriend Stephan Estopia have only been together for seven months, but they have talked about wedding and family plans. She adds, "Lahat ng hiniling ko sa ex ko, walang effort na nabigay ng dyowa ko ngayon."
PHOTO/S: @stephan.estopia on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results