Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Who is the non-showbiz guy in Angeline Quintos’s Instagram posts?

by Arniel C. Serato
5 days ago
Angeline Quinto posts Instagram photos of her cozying up to a mystery guy. Is the guy her new beau?
PHOTO/S: Courtesy: @loveangelinequinto on Instagram

May bagong boyfriend ba si Angeline Quinto?

Ito ang tanong ng Instagram followers ng 30-year-old singer na nakakita ng kanyang posts na may kasamang non-showbiz guy.

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angeline noong March 2020, sinabi nitong heartbroken siya dahil sa isang lalaking hindi raw niya alam ay may anak at may ka-live in.

Itinanggi rin niyang may relasyon sila ng isa pang non-showbiz guy na malapit sa kanya.

Ngunit tila masaya na muli ang puso ngayon ni Angeline.

Kagabi, July 28, nag-post si Angeline sa Instagram ng larawan ng isang lalaking naka-side view.

Continue reading below ↓

Nag-post din si Angeline sa kanyang Instagram Stories ng larawan nilang magkaakbay habang naliligo sa pool.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mababanaag na puno ng tattoo ang katawan ng lalaki.

Ngayong Miyerkules, July 29, nag-post muli ang singer sa kanyang IG Stories ng solong larawan ng lalaki na nakatampisaw sa pool.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, nag-post si Angeline ng larawan nilang magkayakap at kuntodo ngiti pa.

Continue reading below ↓

Walang caption na inilagay si Angeline sa lahat ng posts niyang ito.

FANS' REACTION

Dahil dito, nagkanya-kanyang espekulasyon ang fans at followers ni Angeline sa katauhan ng lalaking kasama niya sa mga larawan.

Ayon sa unang nagkomento, "kamag-anak" daw ni Angeline ang lalaki dahil ang bata raw ng hitsura nito.

Continue reading below ↓

May isa namang nagsabing "hindi dyowa" ng singer ang lalaki dahil tiyak daw na isi-share ni Angeline ang love life niya.

May nagsabi ring suportado niya ang kanilang idolo.

Continue reading below ↓

Marami naman ang nagsabing baka raw isulat ng PEP.ph ang tungkol dito... at nagkatooo na nga.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Angeline Quinto, hardcore fans
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto posts Instagram photos of her cozying up to a mystery guy. Is the guy her new beau?
PHOTO/S: Courtesy: @loveangelinequinto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results