Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Cherry Pie Picache on plans to revive death penalty: “Ito talaga ang priority?”

by Jet Hitosis
4 days ago
(L-R) Actress Cherry Pie Picache (left), singer-songwriter Jim Paredes (center), and broadcaster Karen Davila (right) are up against reviving the death penalty in the country.
PHOTO/S: @yescpicache, @jimparedes, @iamkarendavila on Instagram

Sa harap ng patung-patong na problemang dulot ng COVID-19 pandemic, bakit gagawing prayoridad ang pagbabalik sa death penalty?

Ito ang obserbasyon ng ilang celebrities sa iginigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang death by lethal injection para sa matitinding drug crimes.

Binanggit ito ng Presidente sa kanyang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, July 27.

“Napapatulala ka na lang and cringe with pain for your country,” reaksiyon ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Tanong pa niya: “Sa patuloy na pagtaas ng COVID cases, hirap ng kabuhayan, kawalan ng trabaho, ito talaga ang priority?”

Matagal nang hayagang tinututulan ng 50-year-old Kapamilya actress ang muling pagbuhay sa death penalty sa bansa.

Nang maging speaker si Cherry Pie sa National Congress Against Death Penalty forum noong October 2019, sinabi niyang hindi nakakatulong ang parusang kamatayan upang mapigilan ang krimen.

Ito ay kahit pa mismong ang ina ni Cherry Pie ay nabiktima ng isang karumal-dumal na krimen limang taon na ang nakalipas.

Continue reading below ↓

CHERRY PIE: A STAUNCH ADVOCATE AGAINST DEATH PENALTY

Pinatay sa saksak matapos pagnakawan ang ina ni Cherry Pie na si Zenaida Sison, 75, sa loob ng bahay nito sa Quezon City, noong September 2014.

Inamin ni Michael Flores, helper ni Sison, ang krimen. Nagawa raw niya ito dahil bangag siya sa shabu.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nahatulan si Flores ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakabilanggo—ang pinakamatinding parusang ipinapataw sa heinous crimes sa Pilipinas.

Makalipas ang limang taon, nagawang lubos na patawarin ni Cherry Pie si Flores.

Sa kabila ng lahat ng nangyari, mariin pa ring tinututulan ng aktres ang parusang kamatayan sa mga kriminal.

“Amongst other immediate concerns in the last SONA, this is one issue that really struck me and [I’m] truly passionate about,” sabi ni Cherry Pie tungkol sa death penalty.

DENOUNCING "CULTURE OF VIOLENCE AND KILLING"

Pero hindi na raw nakakagulat kung palutanging muli ng kasalukuyang administrasyon ang kontrobersiyal na isyung ito, ayon kay Cherry Pie.

Continue reading below ↓

Matagal na rin daw kasing may “culture of violence and killing in all forms” sa bansa.

Nangangamba nga raw si Cherry Pie para sa susunod na henerasyon kapag nagtutuluy-tuloy ang mga insidente ng karahasang ito.

“The culture of violence and killing in all forms continues, which I feared from the beginning especially for the next generation.

“Nakakagulat pa ba? Hindi na,” sabi ng multi-awarded actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cherry Pie sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram.

Sa huli, hinikayat ng aktres ang mga Pilipino na sama-samang magdasal, manindigan, at kumilos para matuldukan na ang lahat ng uri ng karahasan sa bansa.

“We should all pray that it stops and that the Filipinos wake up to do something about it,” ani Cherry Pie.

HOT STORIES

JIM PAREDES: “THE SOLUTION IS ALMOST ALWAYS MURDER & DEATH”

Tulad ni Cherry Pie, pinuna ng singer-songwriter na si Jim Paredes kung bakit daw mistulang “murder and death” ang solusyon ni Pangulong Duterte sa mga problema ng bansa.

Continue reading below ↓

“His solution to everything is almost always murder and death,” komento ng 68-year-old musician at dating miyembro ng iconic trio na Apo Hiking Society.

Iyan ang naging reply ni Jim sa tweet ni Senator Risa Hontiveros (Akbayan Party List), na nag-react din sa pagkakaungkat ng Presidente sa death penalty sa SONA nito.

Nag-tweet ang opposition senator kung paano raw naisipan pang muling buhayin ang death penalty ni Duterte, gayung humaharap sa matinding krisis ang bansa dahil sa pandemic.

Tweet ni Hontiveros: “Sa gitna ng napakalaking krisis ay naisipan pa talaga ng Pangulo na isulong ang death penalty?

“Prayoridad dapat natin ngayon ang ekonomiya, tulong sa mga nawalan ng trabaho, at pagpapalakas ng ating health programs laban sa COVID-19.”

Continue reading below ↓

FOR KAREN DAVILA, DEATH PENALTY IS “BIGGEST DISTRACTION”

Ang ANC anchor na si Karen Davila, sinabing “biggest deflection and distraction” sa pagtugon ng bansa sa pandemic ang pagbabalik sa death penalty.

Saad sa tweet ni Karen: “The return of the DEATH PENALTY by lethal injection has got to be today’s biggest deflection and distraction towards a post covid economic recovery. #SONA2020”

Continue reading below ↓

Samantala, suportado ng isa pang Kapamilya broadcaster na si Ces Drilon ang opinyon ng kilalang human rights lawyer at dating senatorial candidate na si Atty. Chel Diokno sa usapin ng death penalty.

Duda si Diokno kung maipapatupad nang patas ang death penalty, dahil na rin sa sitwasyon ng justice system ng bansa.

DEATH PENALTY IS ANTI-POOR

Ni-retweet ni Ces ang post na ito ni Atty. Diokno: “Ang problema, hindi patas ang batas sa atin. Yung maliit na tao, kulong agad, tapos basta big-time at may kapit, siguradong lusot.

“Anong ikabubuti ng death penalty sa ganitong sistema?”

Continue reading below ↓

Sinegundahan ng talent manager na si Angeli Valenciano, misis ng Kapamilya singer na si Gary Valenciano, ang tweet na ito ni Diokno.

Ayon kay Angeli, dahil walang pambayad sa mahusay na abogado ang mahihirap, posibleng mga inosenteng maralita lang ang maparurusahan ng kamatayan sa mga kasalanang hindi naman nila ginawa.

Comment ni Angeli sa post ni Diokno: "The poor can not afford good lawyers too so most likely innocent poor people will be given death penalties for crimes they did not commit."

Continue reading below ↓

DEATH PENALTY IN THE PHILIPPINES

Panahon ng Kastila nang sinimulang ipatupad ang death penalty sa Pilipinas.

Sa katunayan, ang ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal ay namatay via firing squad dahil sa sedition, o pagrerebelde, noong December 30, 1896.

Ayon sa deathpenaltyinfo.org, sa firing squad ay nakaupo, nakagapos, at may suot na black hood sa ulo ang bilanggo, na may puting bilog na marka sa tapat ng puso.

Iyon ang tatargetin ng hindi bababa sa limang executioners na babaril sa kanya.

Kung hindi man mapuruhan ang puso ng bilanggo, karaniwan itong namamatay sa blood loss.

Ginagamit pa rin ang firing squad hanggang sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1970s.

Firing squad ang parusa sa mga drug-related crimes sa panahon ni Marcos, at silya-elektrika sa iba pang heinous crimes, kabilang ang murder at rape.

Sa execution by electrocution, itinatali ang inmate sa electric chair tsaka kukuryentihin sa ulo at mga binti gamit ang 500-2,000 volts. Tatagal ito ng 30 segundo, ayon sa deathpenaltyinfo.org.

Continue reading below ↓

Alinsunod sa 1987 Constitution, in-abolish ni Pangulong Cory Aquino ang death penalty.

Nang mga panahong iyon, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asia na nagbasura sa parusang kamatayan.

Taong 1993 nang ibalik ang capital punishment na ito, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Fidel V. Ramos.

Makalipas ang tatlong taon, 1996, pinalitan ng lethal injection ang silya-elektrika.

Sa lethal injection, gumagamit ng tatlong kumbinasyon ng gamot na ii-inject sa bilanggo.

Ang una ay ang anaesthetic Sodium Thiopental, na magpapatulog sa inmate. Susundan ito ng Pancoronium Bromide, na nagpaparalisa sa baga, diaphragm, at mga muscles sa katawan. At ang huli, ang Potassium Chloride, na nagpapatigil sa pagtibok ng puso.

Pagsapit ng 2006, sinuspinde ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang implementasyon ng death penalty.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Actress Cherry Pie Picache (left), singer-songwriter Jim Paredes (center), and broadcaster Karen Davila (right) are up against reviving the death penalty in the country.
PHOTO/S: @yescpicache, @jimparedes, @iamkarendavila on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results