Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Kris Aquino sets foot in TV5; gears for TV comeback

by Rachelle Siazon
4 days ago
Kris Aquino meets Raffy Tulfo on TV5; says, "Gusto ko magka-talk show with you."
PHOTO/S: @krisaquino Instagram

Tila kasado na ang pagbabalik-telebisyon ni Kris Aquino sa TV5.

Higit apat na taon rin ang lumipas mula nang regular na napapanood si Kris sa Kris TV, ang huling programa niya sa dating home network na ABS-CBN.

Ngayong Huwebes, July 30, ibinahagi ni Kris ang video ng pagtungtong niya sa headquarters ng TV5 sa Mandaluyong City.

Si Kris ay host ng isang blocktimer TV show, ang Love Life With Kris, na iprinodyus ng isang independent producer.

Tatlong linggo ang nakararaan, noong July 8, naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kanselado ang pag-ere ng TV show ni Kris sa TV5.

Ayon sa isang insider, ang desisyong hindi iere ang blocktime program ni Kris ay nanggaling mismo sa executive tier ng TV5.

Ang lumalabas na dahilan: "Business risk na kunin si Kris."

Nakasaad din sa ulat na may kaunting pag-asa pa rin daw ang kampo ni Kris na maplantsa ang kung anumang isyung namamagitan sa independent producer at sa TV5.

Continue reading below ↓

Ang sabi naman ni Kris noon sa kanyang official statement, "Let’s let this battle go. There are ones worth fighting, this isn’t one of them."

Pero tila naayos na kung anumang gusot mayroon sa pag-ere ng blocktimer TV show ni Kris sa Kapatid network.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa pamamagitan ng Instagram, inihayag ni Kris na nagtungo siya ng TV5 para sa isang "promo shoot" na naganap noong Martes, July 28.

Hindi binanggit ang mismo niyang proyekto, pero hindi kailang noon pang Hunyo ay "excited" na si Kris sa hinihinalang pagbabalik-telebisyon niya.

Sa caption ng kanyang post, ang tanging ipinahiwatig ni Kris ay posibleng hindi ito ang huling beses na bibisita siya sa TV5.

KRIS AQUINO MEETS RAFFY TULFO

Kasabay nito ay ikinuwento ni Kris ang pagkikita nila ng TV5 broadcaster na si Raffy Tulfo, host ng public affairs program na Idol In Action.

Ayon kay Kris, ipinahiram sa kanya ni Raffy ang dressing room nito para doon siya mag-ayos bago ng promo shoot.

Continue reading below ↓

Narito ang kabuuang post ni Kris:

"The King of Public Service @raffytulfoinaction made me feel so welcome... i’m very much aware kung sino lang po ako sa mundo ng Tv5 (baguhan na maraming dapat patunayan) and that he is their reigning king (not to mention the fact that he is the King of YouTube).

"But, Raffy & his kind staff lent me his dressing/conference room and told me to feel free to use it anytime i’m in the compound.

"They also lent his studio for my promo shoot.

"And he went out of his way to come down when he knew patapos na ko so that we could meet face to face... kahit alam ko naman fina-flatter lang nya ko when he said 'mas magandang maganda ka sa person' - hindi nya kinailangan to be nice to me that’s why it was all the more appreciated.

"P.S. i really wasn’t going to post our face to face meet up, but nakita ko that they had kaya i felt okay na to upload so that i could also tell all of you that if 1st impressions really matter- sobrang mas napahanga ako sa pagka gentleman & sa generosity ni Raffy Tulfo."

Continue reading below ↓

Kalakip ng post ni Kris ay isang short video ng usapan nila ni Raffy.

"Hello! I'm a fan. It's a pleasure to meet the King of TV5," masiglang pagbati ni Kris nang pumasok siya sa loob ng studio ng Idol In Action.

Si Raffy ay kilala ring sumbungan ng bayan sa programa niya sa YouTube na Raffy In Action.

Sinabi ni Kris kay Raffy na sana raw ay magkaroon ng pagkakataong magkatrabaho sila sa isang talk show.

"You're on my wish list. Gusto ko magka-talk show with you. Sana mangyari. Sana in the future."

Nanonood daw si Kris ng show ni Raffy.

Aniya, "I like the way you stand up for women. Kinakampihan mo yung mga babae. Pinagsasabihan mo yung mga lalaki."

Continue reading below ↓

RAFFY CONFIRMS KRIS'S TV SHOW

Sa episode ng programang Idol In Action kahapon, July 29, kinumpirma ni Raffy na eere na ang TV show ni Kris sa August 15.

"Yung title ng kanyang show ay Love Life With Kris, August 15, " pahayag ni Raffy.

Tugma ito sa napag-alaman ng PEP.ph na title ng blocktimer show ni Kris.

Pangiti-ngiti naman si Raffy nang sabihin ng kanyang co-hosts na napuna ni Kris ang mapormang rubber shoes niya nang nagkita sila.

Sabi raw ni Kris kay Raffy, "Hindi ka talaga nag-uulit. Ang ganda ng shoes."

Nabanggit naman ni Raffy na baka "puwede i-guest" si Kris sa Idol In Action.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino meets Raffy Tulfo on TV5; says, "Gusto ko magka-talk show with you."
PHOTO/S: @krisaquino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results