Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Sunshine Dizon opposes Anti-Terrorism Act; told not to be an "activist" and focus on "pagluluto"

by Arniel C. Serato
4 days ago
Sunshine Dizon: “Ipagdasal po natin wag dumating ang panahon na kailanganin na ng ibang magsalita pero wala nang makikinig at o di kaya't lagyan din ng busal ang kanilang mga bibig."
PHOTO/S: File

Pinanindigan ni Sunshine Dizon ang kanyang pagkontra sa bagong-pasang Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020.

Inihayag ng Kapuso actress ang kanyang pagtutol sa kontrobersiyal na batas bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, July 27.

Mabilisang pinaaprubahan ng Pangulo ang panukalang ito sa Kongreso nitong June: June 1, nag-certify ang Pangulo na urgent ang bill; June 3, naaprubahan na ito sa third reading.

Kahit marami ang nang-bash kay Sunshine, wala raw siyang pakialam. Ang importante ay nakapagsasalita siya para sa bayan at sa kanyang pamilya.

Sa Instagram post ni Sunshine ngayong Huwebes, July 30, ibinahagi niya ang screenshot ng komento ng isang "fan" na nagtanong kung "aktibista" na ang aktres dahil sa mahigpit na pagtutol niya sa ATA.

Sabi ng netizen: “Nagiging aktibista ka na rin po ba?

“Mas maganda po focus ka sa pagluluto at sa mga kiddos mo.

“At maganda ung ipost goodvibes pa po. Mas maganda tahimik at walang nagbabash sayo.

Continue reading below ↓

“Fan mo po ako since AnnaKarenina.”

Ang Anna KareNina ay ang 1996 weekly drama series ng GMA-7 na pinagbidahan ni Sunshine, kasama sina Antoinette Taus at Kim delos Santos.

Makikita rin sa screenshot ang sagot ni Sunshine.

Paliwanag ng 37-anyos na Kapuso aktres (published as is): “Hindi po ako aktibista, isa lamang akong ina na nag nanais ng mas maayos at payapa na pilipinas.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Tanggap ko na din po ang bashers kung kapalit naman ay kamulatan ng mga nag tutulogtulugan.”

Diin pa niya, “Ipagdasal po natin wag dumating ang panahon na kailanganin na ng ibang mag salita pero wala nang makikinig at o di kayat lagyan din ng busal ang kanilang mga bibig.

“Wala pong masama maghangad ng mabuti para sa bayan.

“Ano po ang masasabi nyo kung sakaling boses mo lang pala ang kailangan upang masimulan ang pag babago pero hindi ka nag salita.”

Caption ni Sunshine sa kanyang post: “Napaisip ako sa aking sinabi. Paano kung ikaw na lang pala ang hinihintay?”

Continue reading below ↓

NETIZENS REACT TO SUNSHINE’S POST

Gaya ng inaasahan mula sa mga pabor sa ATA at masugid na tagasuporta ng Duterte government, inulan ng batikos si Sunshine.

Dumating sa puntong pati ang personal na buhay ng aktres ay idinawit ng bashers.

Hindi naman nangimi si Sunshine na sagutin ang mga ito.

Continue reading below ↓

Pinagsabihan ng isa na mag-focus na lamang si Sunshine sa kanyang pamilya. Hindi raw nagampanan nang maayos ni Sunshine ang kanyang tungkulin bilang asawa kaya nasira ang pamilya nito.

Noong 2016 ay nagkahiwalay si Sunshine at asawang si Timothy Tan dahil sa third party.

Sagot dito ni Sunshine, “wow the best comment ever.

Continue reading below ↓

"Fyi i never claimed that I have a perfect marriage but I can guarantee you that my life is so much better than yours because I would never resort to saying things like you would.

“And next time wag nakikilam sa buhay ng ma(y)buhay. #chismosa may kakalagyan ka din balang araw.”

Continue reading below ↓

Binara rin ni Sunshine ang isang netizen na nagtanong kung may nabago ba sa pagsasalita ng aktres.

Panunuya kasi ng netizen: “Grabeee yung busal sa bibig!!!! Uo nga sa pagsasalita mo nga naman may nabago ba???”

Sagot ni Sunshine: “yes because you followed me to comment. Thanks have a great day”

Continue reading below ↓

Hindi rin niya pinalampas ang komentong “laos” na raw siya.

Buwelta ni Sunshine: “ay bakit po kayo tumatambay dito kung laos naman po pala ako?

"Bakit po kayo nanggagalaiti sa post ko. Diba marami po kayo bakit di din kayo mag post at gumawa ng sarili nyong account and say how happy you are.

"That you don’t want change.

"Why are you wasting your time here?

"Honestly if im so irrelevant you would even waste your breath on posts from a laos na artista.”

Continue reading below ↓

Sagot naman ng netizen, “We followed you kasi hinahangaan ka namin.

"ako nong mga panahong annaKarenNina kahit na may klase kami kada sunday dahil most of school in mindanao lalo na kung muslim area may pasok talaga pag sunday at Friday wala, umaabsent talaga ako hindi ko lang mamiss ang epose every sunday.

"kaya wag mo sabihin na finafollow kalang to comment.

"this is the first time na nagcomment ako sa post mo ang lagi ko lang ginagawa is like.

"pero mukhang mababago na nga ang purpose namin ibang nakafollow sayo! have great day ahead din po."

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Sunshine: “go na po di na kailangan mag explain. Salamat po."

Simpleng komento ng isa: “Unfollow.”

Pakli naman ng aktres: “yeay thank you. paalala hindi na kailangan mag announce mas maraming ka pang magagawa kung pipindutin lang ang unfollow.”

Continue reading below ↓

Nabatikos din si Sunshine dahil sa pagdepensa niya sa ABS-CBN, pero nanindigan pa rin ang Kapuso actress.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon: “Ipagdasal po natin wag dumating ang panahon na kailanganin na ng ibang magsalita pero wala nang makikinig at o di kaya't lagyan din ng busal ang kanilang mga bibig."
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results