Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Sofia Andres reveals her parents used to disapprove of Daniel Miranda; recalls their quick trysts

by Rachelle Siazon
4 days ago
Sofia Andres on disobeying her parents' wishes during the early days of her relationship with Daniel Miranda: "Sabi ng daddy ko, 'Chickboy 'yan, wag na 'yan!' And then, wala, na-in love ako."
PHOTO/S: @iamsofiaandres Instagram

Inamin ni Sofia Andres, 21, na mahigpit na tinutulan ng kanyang ama ang pakikipagrelasyon niya kay Daniel Miranda, 23.

Bandang January 2018 nagsimula ang pagkikita at pagkakamabutihan nina Sofia at Daniel, isang international race car driver.

Noong panahong iyon, wala raw tiwala ang ama ni Sofia sa karakas ni Daniel.

"Ayaw ng parents ko sa kanya. Kasi mukha raw siyang ano, e... Sabi ng daddy ko, 'Chickboy 'yan, huwag na 'yan!'" balik-tanaw ni Sofia.

Pero pag-amin ng aktres, "And then, wala, na-in love ako."

Ibinahagi ito ni Sofia sa ipinalabas na vlog nila ni Daniel kagabi, July 29.

Aminado si Sofia na "nagrebelde" siya sa pagiging istrikto ng kanyang mga magulang.

"Tumatakas ako ng bahay. Actually, bawal kami magkita nito before. As in bawal."

Tukoy pa ni Sofia sa mga patagong pagkikita nila ni Daniel noon: "Tigas-ulo, takas, ganyan...

"Can you imagine? Five minutes lang kami nagkikita, from Alabang to my house in Antipolo.

Continue reading below ↓

"Around 3 a.m. magha-hi lang siya from outside my house, then leave."

instant attraction

Matagal na panahon ding inilihim ni Sofia sa publiko ang relasyon nila ni Daniel.

October 2018 nang unang mag-post si Sofia ng litrato ni Daniel sa kanyang Instagram account, pero hindi rin niya kaagad inamin na sila ay magkasintahan na noon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kuwento naman ni Daniel, bandang December 2017 nang una silang magkakilala ni Sofia.

Nabighani raw agad si Daniel sa ganda ng Kapamilya actress nang makita niya ito sa isang bar sa The Fort, Taguig City.

"It was about 2 or 3 a.m. I saw her pass by. I was, like, 'Damn! This girl is pretty.' I was with my cousin that time.

"I'm actually a very, very shy person. I'm very quiet. That was the first time that I actually, like, I went up to her straight away.

"And I'm very very proud of myself that I did it. And here she is right now."

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Sofia, ang pinsan ni Daniel ang umaktong wingman at ito ang lumapit para sabihing gustong magpa-picture ni Daniel sa kanya.

"And then he offered me water. Imagine, we're in a club, he offered me water," ani Sophia.

Sa isip daw niya noon, "This guy is different."

Binakuran agad ni Daniel si Sofia kahit kakilala pa lang nila.

"Then after that, tumabi lang siya sa akin the whole time, without moving, like a stickman.

"Sabi ko, 'This guy is cute, but he's kinda weird in a way. But he stayed with me all along."

A MONTH OF TEXTING AND CALLING EACH OTHER

Hindi raw nagdalawang-isip si Sofia na ibigay ang kanyang "real number" kay Daniel.

Kinabukasan, nag-text daw agad sa kanya si Daniel.

Mensahe raw ng binata, "Do you remember me?"

Hindi pa kaagad nasundan ang kanilang pagkikita.

Paliwanag ni Daniel, "Two days after, I left for the States for Christmas. So that whole one month, we were just talking on the phone, texting.

Continue reading below ↓

"And then, after I came back after a month, I met you."

Hindi na raw nila pinakawalan ang isa't isa mula noon.

Kilig na sabi ni Sofia, "Dun na nag-start until now—we're being so in love. Naks naman! Charot! Ang harot naman."

YOUNG BUT HAPPY PARENTS

Noon lamang June 21, 2020 inamin ni Sofia na may anak na sila ni Daniel.

Nasa Australia si Sofia nang ipanganak niya si Baby Zoe noong November 24, 2019.

Six months silang namalagi sa Australia bago bumalik ng Pilipinas.

Sa ngayon, hindi nagmamadaling magpakasal sina Sofia at Daniel.

Gusto raw muna nilang ma-establish ang pagsasama nila, pag-aalaga kay Baby Zoe, at pagtatapos ni Daniel ng college studies nito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Andres on disobeying her parents' wishes during the early days of her relationship with Daniel Miranda: "Sabi ng daddy ko, 'Chickboy 'yan, wag na 'yan!' And then, wala, na-in love ako."
PHOTO/S: @iamsofiaandres Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results