Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

K Brosas devises strategy to get back at bashers: “inanyo! Wait lang.”

by Bernie V. Franco
4 days ago
Comedienne K Brosas (above) discovers a way to get back at netizens bashing her with insults and expletives simply because she has been critical of erring government officials.
PHOTO/S: @kbrosas on Instagram

Hindi tumiklop si K Brosas sa bashers na umalipusta sa kanya sa social media.

Kabilang dito ang isang blogger na kilalang pro-Duterte, na binatikos ng kapwa niya Diehard Duterte Supporters (DDS) dahil sa panlalait nito sa "komedyanteng/singer," na pinaniniwalaang si K.

Ang pangalawa ay isang netizen na napipintong maparusahan ng employer dahil sa pagkakapupog nito ng mura at panlalait kay K.

Kahapon, July 29, ipinost ni K sa Twitter ang screenshot ng isang blind item mula sa Facebook account ng DDS blogger na si Banat By a.k.a. Byron Cristobal.

Ang clue sa blind item ay "komedyanteng/singer" na nagsisimula ang pangalan sa letter “K”.

Kinutya ang "komedyanteng/singer" na “pa-relevant,” “panay ang tiktok dahil gurang na,” at “bagsak ang mukha at puro wrinkles.”

Ni-reshare ang post ng DDS blogger sa Facebook page ni Mocha Uson, presidential appointee bilang Overseas Workers Welfare Administration deputy administrator at isa ring masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte.

Continue reading below ↓

Ang DDS blogger ay administrator din ng Mocha Uson Blog sa Facebook.

Kasamang ibinahagi ni K ang screenshot na naglalaman ng comments sa blind item.

Dismayado ang ilang DDS sa DDS blogger dahil sa blind item nitong nanlait pa ng hitsura ng "komedyanteng/singer."

Tweet ni K (published as is): “Lol.. katawa yung lait no? Kapwa ka dds Di na rin kinaya.. kc naman kung ako ay ‘gurang’ at daming wrinkles keme ano pa tamang description SA ating pangulo?”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ayon kay K, hindi siya umabot sa puntong laitin ang hitsura “nila.”

Continue reading below ↓

Walang nabanggit na dahilan kung bakit pinuntirya ng DDS blogger si K.

Pero vocal si K sa pagpuna sa mga kamalian ng ilang government officials.

May previous tweet din si K bilang reaksiyon sa naunang pang-aalipusta sa kanya ng DDS blogger sa isang video.

K REPORTS BASHER TO EMPLOYER

Sa isa pang tweet, ipinost ni K ang screenshot ng direct message sa kanya ng isang netizen na nagmura at nambastos sa kanya dahil sa pagbatikos ng komedyante kay Pangulong Duterte.

Continue reading below ↓

Natuklasan ni K kung saan nagtatrabaho ang basher dahil nakapaskil ang info sa profile ng social media account nito.

Natawa si K dahil ang mga paboritong shows pala ng basher ay mula sa ABS-CBN, kabilang ang It’s Showtime at Umagang Kay Ganda, na parehong kinabibilangan ni K.

Tweet ni K patukoy sa basher: “alam ko din San sha work hihi kc naka public.. pero natawa ako dahil nakita ko fave nyang mga tv shows.”

Binanggit din ni K na tungkol sa religion ang paboritong libro ng basher.

Continue reading below ↓

May follow-up tweet si K sa ginawa niyang hakbang laban sa basher.

“Naka public sha w/ complete info. Tinawagan ko yung employer. Compirm.

“Sabi ko file ako kaso. naloka! Award!”

Sa sumunod na tweet ni K, sinabi niyang nag-deactivate ng account ang basher na isinumbong niya sa employer.

Pati raw ibang bashers na kasama sa “line up” ni K ay tila nag-deactivate na rin ng accounts.

Nabasa marahil ng mga ito ang ginagawang aksyon ng "Tawag ng Tanghalan" judge.

Pero babala ni K: “pero buti na Save ko hihi so araw araw isa isa kayo saken. Tapang nyo eh! [Sticking out tongue emoji]”

Continue reading below ↓

BASHER ATTACKING K'S DAUGHTER

Sa isang tweet, ipinost ni K ang screenshot ng isa pang basher, pero tinakpan niya ang handle name nito.

Ani K, kasama ang basher na ito sa kanyang “line up” na irereklamo dahil naka-public ang impormasyon ng employer at ang contact numbers nito.

“May dagdag pa chika iba na naging ganon daw anak ko kc wala akong kwentang ina… inanyo! Wait Lang…” babala ni K.

Kamakailan ay umamin ang anak ni K na si Crystal, 22, na isa siyang lesbian.

Continue reading below ↓

Ayon kay K, dumidiretso siya sa public information ng netizens na hindi fake ang accounts at inaalam ang impormasyon nila, gaya ng employers ng mga ito, para i-report.

“Dedma ako SA trolls o new accounts,” dagdag ng komedyante.

Ngayong umaga, sinabi ni K na nagbunga ang pag-report niya sa netizen na nam-bash sa kanya.

Tweet niya: “Good morning! Habang nagluluto ng afritada, naka receive ako NG e-mail na ‘we don’t tolerate that kind of behavior mam, we will take necessary actions etc.’ ..Habanaysdey.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne K Brosas (above) discovers a way to get back at netizens bashing her with insults and expletives simply because she has been critical of erring government officials.
PHOTO/S: @kbrosas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results