Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Sunshine Dizon favors Robredo over Duterte in leading nation?

by Arniel C. Serato
4 days ago
Sunshine Dizon to Iza Calzado saying "Laban Lang" after bashers came after Sunshine: “@missizacalzado cut off ko na til 3pm lang ako pumapatol. Nakaka bobo din kasi pag non sense minsan. Love you.”
PHOTO/S: File

Dahil sa paghahayag ng opinyon sa mga isyung may kinalaman sa pulitika, nakatikim ng pambabatikos si Sunshine Dizon mula sa mga tagasuporta ng pamahalaang Duterte.

Kadalasan kasi ay salungat ang paniniwala ng Kapuso actress sa mga isinusulong na batas o reporma ng gobyerno, gaya ng Anti-Terrorism Act of 2020, na mahigpit na tinututulan ni Sunshine.

Kaugnay nito, isang netizen ang nagkomento sa Instagram post ng 37-year-old actress na bakit hindi raw magpunta si Sunshine sa Malacañang at palitan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pang-uuyam ng nagkomento (published as is): “Kung mas marunong pa kayo, bat d kayo pumunta sa malacañang, open namn amg pangulo na palitan sya ng kung sino ang mas may magandang plataporma sa bayan.

"Cge nga.. Kuda lng namn kayo ng kuda, buhay nu nga d maayos, bayan pa kaya??”

Magalang na sagot ni Sunshine, open daw si Vice President Leni Robredo. Pero ang tanong, kahit sinasabi ni Pangulong Duterte na open itong mapalitan sa puwesto, papayag ba itong si VP Robredo ang pumalit?

Continue reading below ↓

Sabi ni Sunshine, “gusto po ata ng VP kaso yung totoo papayag po kaya na palitan ng vp?”


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Komento naman ng isa pang netizen, “Ang tanung may maganda bang plataporma ang vp na sinasabi mo or bunganga lang din????”

Sagot ni Sunshine dito, “We will never know unless her plans are put into action.”

COVID CASES AROUND THE GLOBE

Isa namang Duterte supporter ang ibinida ang Pangulo.

Kumpara raw sa mga lider ng bansang Brazil at Amerika, ginagawa raw ni Pangulong Duterte ang makakaya nito "para hindi tumaas ang pandemic."

Continue reading below ↓

As of July 30, ayon sa Department of Health, umakyat na sa 89,374 ang COVID-19 cases sa Pilipinas. Mayroong 3,954 na bagong cases, at 38,075 naman ang bagong recoveries.

Sa kabuuan, 1,983 na ang pumanaw at 65,064 ang naka-recover.

Dapat din daw tayong magpasalamat dahil nagbibigay ng ayuda ang Presidente sa bawat pamilya.

Hindi rin daw dapat sisihin ang Pangulo kung walang disiplina ang iba nating kababayan.

Pero sinupalpal ni Sunshine ang nagkomento dahil hindi naman daw niya binanggit ang Pangulo sa kanyang Instagram post tungkol sa netizen na nagtanong kung "aktibista" siya.

Continue reading below ↓

Aniya, "paki-explain po, saan naka saad sa post ang tungkol sa pangulo?”

Hindi na sumagot ang netizen, na kalaunan ay binura rin ang kanyang komento.

SUNSHINE GETS SUPPORT FROM IZA CALZADO

May nagtanong naman kay Sunshine kung nakikisimpatiya ba siya kay Iza Calzado, na gaya niya ay kontra rin sa Anti-Terrorism Act.

Continue reading below ↓

Co-stars sina Sunshine at Iza sa dating telefantasya ng GMA-7 na Encantadia.

Ginamit din ng netizen ang kadalasang linya ng Duerte supporters sa mga kumukontra sa gobyerno: "Puro kc kayo reklamo. Kung tutuusin wala nmn kayo naiambag sa bayan.

"Kayo pa tong nakikinabang lalo sa amin mag mamamayan. Kc nagbabayad kami tuwing pinapanood nmin ang palabas niyo.

"Kaya imbes na mag reklamo kayo tumulong na lang kayo para sa ikauunlad ng bansa."

Buwelta ni Sunshine: "ikaw po ano po ang naimbag mo sa bayan? Besides making reklamo also about what i post."

Continue reading below ↓

Sumagot ang netizen, na tila isang Overseas Filipino Worker (OFW).

Sabi nito, "Sorry? Ano kamo ang naiambag nmin sa bayan? Eh yong remittance nmin? Ang laki ng ambag noon sa gobyerno di ba?"

Hindi na sumagot si Sunshine.

Nagpaabot naman ng suporta si Iza kay Sunshine.

Mensahe ng Kapamilya actress, “PIRENA, LABAN LANG!!!”

Continue reading below ↓

Tugon ng Kapuso actress, “@missizacalzado cut off ko na til 3pm lang ako pumapatol. Nakaka bobo din kasi pag non sense minsan. Love you.”

Pirena ang pangalan ng karakter ni Sunshine sa Encantadia.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon to Iza Calzado saying "Laban Lang" after bashers came after Sunshine: “@missizacalzado cut off ko na til 3pm lang ako pumapatol. Nakaka bobo din kasi pag non sense minsan. Love you.”
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results