Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Mayor Vico Sotto alerts public to fake accounts: “Wag niyong hayaan na sila naman ang mahingan ng load!”

4 days ago
Back in March 2020, Pasig City Mayor Vico Sotto warned the public about his Twitter posers. On Wednesday, July 29, the popular local official warns the public again, this time about a fake Facebook account using his name.
PHOTO/S: PEP file

May nameke na naman ng social media account gamit ang pangalan ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Mismong ang 31-year-old local executive ang nag-alerto nito sa publiko sa kanyang Instagram Story nitong Miyerkules ng gabi, July 29.

Ibinahagi ng alkalde ang screenshot ng Facebook profile ng isang “Mayor Vico Sotto.”

Nakasaad sa profile na Tayabas, Quezon, ang inirehistrong lokasyon ng nagpapanggap na mayor ng Pasig.

Mayroong 13,642 followers ang nabanggit na fake account.

Sa caption ng totoong Mayor Vico, naroon ang pagpapaalala ng alkalde sa publiko laban sa mga namemeke ng social media accounts.

Una, binigyang-diin ng alkalde na dapat mag-ingat ang lahat sa “fake account at scam."

Isa raw halimbawa nito ang "Mayor Vico Sotto" sa Facebook.

“Kung di sigurado, ituring na peke,” payo pa ng pinakabata sa Metro Manila mayors.

MAYOR VICO: REPORT FAKE ACCOUNTS

Pangalawa, i-report sa Facebook ang mga fake account, sabi ni Mayor Vico.

Dini-delete ng Facebook ang mga reported accounts na napapatunayan nitong peke.

Continue reading below ↓

Karaniwang pinepeke ang social media account ng mga kilalang personalidad para makapanloko, makahakot ng followers para sa monetization ng account, o mangolekta ng pera o donasyon mula sa fans.

Pangatlo, pinayuhan ni Mayor Vico ang kanyang 963,000 Instagram followers na alertuhin ang mga kakilalang nagpa-follow sa mga account na pinepeke at pinalalabas na pagmamay-ari ng mga kilalang personalidad.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May halong biro ang paliwanag dito ng alkalde: “Wag niyong hayaan na sila naman ang mahingan ng load!”

Ang tinutukoy ng alkalde ay isang scam kung saan papaniwalain ang biktima na nanalo ito sa isang kunwaring promo, pero makukubra lang ang premyo kung magbibigay ng load sa suspek.

Continue reading below ↓

MAYOR VICO’S TWITTER POSERS

Mistulang paborito ng mga namemeke ng social media accounts ang popular na city mayor.

Noong Marso 30, ibinunyag ni Mayor Vico na may apat siyang poser sa Twitter.

Reklamo ng alkalde, magdudulot ng kalituhan sa kanyang constituents sa Pasig kung maraming Twitter accounts na nakapangalan sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa Twitter kasi aktibong nagbibigay ng updates at announcements si Mayor Vico tungkol sa mga programa ng city government ngayong may COVID-19 pandemic.

Paalala noon ni Mayor Vico, pawang verified—o may blue check mark—ang accounts niya sa Facebook, Instagram, at Twitter.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Back in March 2020, Pasig City Mayor Vico Sotto warned the public about his Twitter posers. On Wednesday, July 29, the popular local official warns the public again, this time about a fake Facebook account using his name.
PHOTO/S: PEP file
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results