Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Catriona Gray seeks public apology, P10M damages from tabloid Bulgar over "fake" nude photo

by Rachelle Siazon
3 days ago
Catriona Gray's lawyer says Bulgar's online post and tabloid article with its fake "explicit photo" of Miss Universe 2018 has placed the beauty queen under "public ridicule" and caused her "immeasurable damage."
PHOTO/S: Jerome Ascaño

Sampung milyong piso ang hinihinging danyos ni Miss Universe 2018 Catriona Gray mula sa tabloid na Bulgar dahil sa diumano'y paninira sa kanyang reputasyon.

Humihingi rin si Catriona ng public apology mula sa Bulgar.

Ito ay makalipas ang halos dalawang linggo mula nang maiulat sa Bulgar na nagkalat ang "nude photos" diumano ni Catriona sa social media.

Mariing itinanggi ng kampo ni Catriona na may "nude photos" ang beauty queen, at sinabing "fake" at "digitally altered" ang mga larawang inilabas ng tabloid.

Nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng demand letter na ipinadala sa Bulgar mula sa lead legal counsel ni Catriona na si Atty. Josabeth "Joji" Alonso.

May petsang July 30, 2020 ang inirereklamong cyber libel at libel ng kampo ni Catriona.

Ang subject ng liham (emphasis supplied): "Libelous Online Post and Tabloid Article With Attached Explicit Photo."

Pinangalanan sa demand letter ang Bulgar Facebook page administrator na binansagang John Doe, editor na si Janice Navida, at writer na si Melba Llanera.

Continue reading below ↓

Ayon sa abogada ni Catriona, nagdala umano ng matinding kahihiyan at "immeasurable damage" sa beauty queen ang "malicious, defamatory, at libelous" content ng Facebook post at article ng tabloid.

Lalo na raw dahil kilalang "public figure" at "celebrity" si Catriona, na nagdala ng "pride" sa bansa nang manalo itong Miss Universe 2018, isang international beauty pageant kung saan ang mga kalahok ay mula sa 94 countries.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

THE ALLEGED "DEFAMATORY" ONLINE POST AND TABLOID ARTICLE

Nakadetalye sa demand letter na noong gabi ng July 18, 2020, ipinost sa official Facebook page ng Bulgar ang isang makatawag-pansing teaser ng isang news article na lalabas sa tabloid.

Sabi sa caption ng post (emphasis supplied): "After ng bantang pasabog ni Clint... NUDE PHOTOS NI CATRIONA, KALAT NA! OMG!!! Basahin ang detalye sa INSIDER ni Melba Llanera bukas, Linggo. Bili na ng Bulgar para lagi kang updated!!"

Kalakip nito ang isang photo collage na naglalaman ng dalawang litrato ni Catriona na nasa bathtub at isang blurred topless photo diumano ng beauty queen.

Continue reading below ↓

Sinundan pa raw ito ng news article na inilathala sa tabloid kinabukasan, July 19, 2020.

Ang lumabas na tabloid article ay naglalaman ng ganitong headline (emphasis supplied): "After ng bantang pasabog ni Clint... Nude photos ni CATRIONA, kalat na!"

Sa pagkakasulat umano ng artikulo, "misleadingly insinuated" na si Catriona ang babae sa pinublish na blurred topless photo kasama ng tabloid article.

Ang katotohanan, ayon sa legal counsel ni Catriona, peke at binago digitally ang sinasabing "nude photo" ng beauty queen.

Pahapyaw na nabanggit si Clint Bondad, isang model-actor na anim na taong nakarelasyon ni Catriona bago sila naghiwalay noong huling bahagi ng taong 2018.

Kasagagsan daw ng viral Instagram posts ni Clint nang lumabas ang tabloid article tungkol kay Catriona.

Sabi sa isang bahagi ng demand letter:

"It appears that Bulgar, being aware of the trending issue of Clint Bondad's Instagram posts and thereafter having obtained a copy of an explicit altered photo from an unidentified source, purposely uploaded the subject photo in its online platform and subsequently published it in its tabloid, without verifying its sources.

Continue reading below ↓

"The caption further made a baseless and malicious claim, that the subject photo is indeed our client — despite evident uncertainty as to its legitimacy."

THE "FAKE" TOPLESS PHOTO & BATHTUB PHOTOS

Hindi lehitimo ang photos na inilathala sa Facebook page at article ng Bulgar, sabi ng kampo ni Catriona.

Paglilinaw ni Atty. Alonso, kuha sa shoot para sa isang clothing brand ang dalawang bathtub photos ni Catriona na pinost sa Facebook page ng tabloid noong July 18.

Ang ikatlong blurred photo—na nagpapahiwatig na topless ang babaeng sinasabing si Catriona—ay isa naman daw "deceptive scheme" para paniwalain ang publiko na may scandal ang beauty queen.

Nakasaad din sa demand letter na may "736 likes, 360 comments, at 198 shares" na ang teaser sa Facebook page ng Bulgar, kunsaan naging tampok ng espekulasyon ang alleged topless photo ni Catriona.

Giit ng legal counsel ni Catriona, ang pag-upload, pagpakalat, at pag-share sa Facebook ng "malicious photo" patungkol sa beauty queen ay maituturing na "cyber libel."

Continue reading below ↓

"Clearly, the upload of subect photo with the libelous caption has gravely besmirched and caused discredit to our client in the minds of the general public, taking into account biases and moral prejudices, the consequences of which produced irreparable harm and injury to our client."

Liable din diumano sina John Doe, Navida, at Llanera sa "libel," o paninirang-puri, dahil sa nailathalang tabloid article at photo.

Sabi sa huling bahagi ng liham: "Thus, as a result of Mesdames Navida and Llanera and Mr. John Doe's patent and offensive acts, demand is being made in the amount of ten million (10,000,000) pesos for the damage caused upon our client.

"In addition, a public apology directly addressed to Ms. Gray is likewise enjoined."

BULGAR ALLEGEDLY REFUSED TO RECEIVE DEMAND LETTER

Napag-alaman ng PEP.ph na ipinadala sa opisina ng Bulgar ang demand letter kahapon, July 30.

Pero sabi ni Atty. Alonso, "They refused to receive it so substituted service na."

Continue reading below ↓

Diumano, wala sa opisina ang isang respondent, at ang dalawa pa ay hindi raw office-based kaya hindi tinanggap ng Bulgar ang demand letter.

Sabi naman ni Atty. Alonso, nakahandang gawin ng kanilang kampo ang kasunod na legal action sakaling hindi mag-comply ang Bulgar sa kanilang "foregoing demands" makalipas ng "10 days."

Sinubukan ng PEP.ph na kunin ang panig ng Bulgar editor na si Janice Navida at writer na si Melba Llanera, ngunit hindi nila sinagot ang aming messages sa Facebook Messenger.

Agad naming ilalathala sa oras na matanggap namin ang opisyal nilang pahayag.

Noon pang July 19, kinondena na ng kampo ni Catriona ang "false impression of nudity" na ipinahiwatig daw sa ilalabas na artikulo ng isang hindi pinangalanang tabloid.

Makalipas ang dalawang araw, July 21, personal na nagtungo si Catriona sa headquarters ng National Bureau of Investigation kasama ng counsel na si Atty. Christoffer Liquigan ng Alonso & Associates Law Offices.

Continue reading below ↓

Iginiit noon ni Atty. Liquigan na "fake at digitally altered" ang kumakalat na "topless photo" ni Catriona sa social media.

Nangako naman ang NBI na iimbestigahan nito ang reklamo ng Miss Universe titlist.

"Kahit sinong tamaan niyan, itsa-charge namin," saad noon ni NBI Deputy Director Jun de Guzman.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Catriona Gray's lawyer says Bulgar's online post and tabloid article with its fake "explicit photo" of Miss Universe 2018 has placed the beauty queen under "public ridicule" and caused her "immeasurable damage."
PHOTO/S: Jerome Ascaño
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results