Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Michael V says pro-Duterte quote is old; not to be used as campaign material today

3 days ago
Although actor-director Michael V. clarifies that his quoted statement about President Rodrigo Duterte was made over four years ago, he did not specifically say what his current stand is.
PHOTO/S: @michaelbitoy on Instagram

Pinalagan ng actor-director na si Michael V ang kumakalat na quote card niya na nagpapahayag ng suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa 50-year-old Kapuso star, “#FakeNews” ang mensahe ng quote card na ginawa para sa isang “CAMPAIGN MATERIAL.”

Sa nabanggit na post, makikitang katabi ng nakangiting litrato ni Michael V. ang quote niya na nilagyan ng titulong “I STAND WITH THE PRESIDENT.”

Quoted doon si Michael V.: “Kung sino mang pangulo ang iluluklok ng bayan ‘di kakayanin ang bigat kung ‘di natin tutulungan.

“Ang mabuting pagbabago na kanyang sinimulan tayo ang magpapatuloy hanggang sa katapusan.

“Awatin na ang dilang masakit magsalita. Pakawalan ang pusong makatao ang gawa.”

Bagamat tama ang quote sa kanya, iginiit ni Michael V. na pineke ang ipinahihiwatig ng post nang ginawa itong pagsuporta sa Pangulo.

Michael V. DOES A “FACT CHECK”

Nitong Huwebes ng gabi, July 30, magkasabay na ipinost ni Michael V. sa Instagram at Twitter ang paglilinaw niya sa quote card.

Continue reading below ↓

Bilang “FACT CHECK,” ibinahagi niya ang screenshot ng kanyang Instagram post noong May 2016 at ang quote card na lumutang ngayong linggo, July 2020.

Sa lumang Instagram post ni Michael V., makikita ang sketch niya ng mukha ni Pangulong Duterte.

Kalakip ng artistic tribute na iyon ang mahabang post ng actor-director bilang pagkilala sa pagkapanalo ni Duterte sa presidential elections ng taong iyon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mapapansing ang gitnang bahagi ng post ni Michael V. ang ginamit sa quote card, na kumalat sa social media ngayong linggo.

Gumamit ng red mark si Michael V. upang bilugan ang petsa ng sketch at ng post: May 2016.

Pinatungan din ng Kapuso star ng all-capital red letters na “MAY 16, 2016” ang screenshot ng post upang linawing in-upload niya iyon mahigit apat na taon na ang nakalipas.

Continue reading below ↓

Caption ni Michael V.: “FACT CHECK. Madalas kong nakikita sa circulation ‘tong quote ko na ‘to which I posted more than 4 YEARS AGO nu’ng nanalo si Digong as President, to encourage people to accept and respect the election results, consistent with the ‘Dapat Tama’ campaign na ginawa ko with GMA Network.

“To set the records straight, it’s NOT A RECENT POST.”

Ang "Dapat Tama" ay ang voters’ education campaign ng GMA-7 noong 2016, upang hikayatin ang publikong pumiling mabuti ng ihahalal sa puwesto.

Pinangunahan ni Michael V. ang campaign na ito ng Kapuso network.

QUOTE CARD FROM MAYOR SARA DUTERTE SUPPORTERS

Sa quote card, sa bandang ibabaw ay minarkahan ni Michael V. ang highlighted text na “I STAND WITH THE PRESIDENT.”

Sa ilalim, binilugan din niya ang maliliit na texts na “SARA DU30 Supporters 2022,” gayundin ang katabing logo niyon.

Sa logo naman ng quote card, pinagsama ang litrato ni Pangulong Duterte at ng anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Continue reading below ↓

Malinaw na ang quote card ay mula sa grupong nagsusulong ng kandidatura ni Mayor Sara para sa 2022 elections.

Matagal nang nababalitang si Mayor Sara ang napipisil ng kampo ng Presidente para palitan sa puwesto ang ama, na hindi na maaaring tumakbo para sa parehong posisyon.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, wala pang kumpirmadong ulat kung kakandidato sa pagkapangulo sa 2022 ang presidential daughter.

“HUWAG GAMITING CAMPAIGN MATERIAL”

Ipinaliwanag ni Michael V. sa caption ang mga ginawa niyang marka sa quote card.

Aniya, walang isyu kung gamitin man ang luma niyang quote sa tamang dahilan. Pero huwag daw sa pangangampanya.

“I have no problem with people using it for the right reason pero HUWAG PO NATING GAMITING CAMPAIGN MATERIAL. [peace sign emoji] #FakeNews.”

Kapansin-pansin ding special mention ni Michael V. sa caption ang huling linya sa kanyang 2016 post.

“Please pay attention to the LAST LINE NA ALL CAPS," aniya.

Ganito ang mababasa sa dulo ng 2016 post ni Michael V.: "WALANG DAPAT IKATAKOT KUNG ANG GINAGAWA AY TAMA."

Continue reading below ↓

Bagamat nilinaw ni Michael V. na ang quote sa kanya ay dati niyang opinyon, hindi niya sinabi kung ano ang kanyang paninindigan ngayon sa pamumuno ni Duterte.

ANOTHER FAKE NEWS AGAINST MICHAEL V.

Ito na ang ikalawang pagkakataon ngayong buwan na nabiktima ng fake news si Michael V.

Nitong July 20, kumalat sa social media ang gawa-gawang balitang namatay ang actor-director dahil sa COVID-19.

Kaagad itong pinabulaanan ni Michael V.

Sa ngayon, naka-self quarantine pa rin si Michael V. sa bahay at patuloy na nagpapagaling sa COVID-19.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Although actor-director Michael V. clarifies that his quoted statement about President Rodrigo Duterte was made over four years ago, he did not specifically say what his current stand is.
PHOTO/S: @michaelbitoy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results