Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Paul Salas recounts pain of "betrayal" by a former love

by Rose Garcia
3 days ago
Paul Salas: "Kung magkakaroon man ako ng relationship next, siyempre, nandiyan yung bibigyan kita ng priority—pero, siyempre, hindi ko pa rin kakalimutan yung sarili ko." Catch him on the Kumu app every Friday.
PHOTO/S: @paulandre.salas on Instagram

Sa nakalipas na limang buwang naka-quarantine ang Metro Manila, napaisip daw nang husto si Paul Salas.

Napatanong daw siya sa sarili kung ano ang role niya sa buhay.

Ngayong July 31, 2020, nagpaulak ang Kapuso actor ng isang PEP EXCLUSIVE! interview via Zoom video conference.

Dito ay tinanong namin kung ano ang naging sagot niya sa sariling tanong.

“Ang role ko sa buhay ngayon, magbigay ng entertainment para sa kanila," panimula ng Descendants of the Sun cast member.

"Kasi, every Friday po, may live kami ni Kristoffer Martin at Ralph Noriega. Ang tawag diyan, The Bro Code.

"Nagsi-share kami ng mga usapan ng mga sawing lalaki. May ganyan kaming live.”

Sa kumu app daw nila ginagawang tatlo ang livestream, at dito ay nagbibigay sila ng mga payo, lalo na sa mga may pinagdaraanan sa love life.

Sabi pa ni Paul, “Naisip po namin na babae lang palagi ang may usapan about love. Sabi namin, tayo namang mga lalaki, ibigay naman natin sa kanila kung ano ang point of view about love.

Continue reading below ↓

“So, nakaisip naman kami ng topic na ganun, at nag-e-enjoy naman kami nina Kristoffer Martin, at Ralph.

"Minsan, sa Instagram, naghaharana ako sa kanila.

"So, nagiging productive pa rin po ako, at nakapagbibigay pa rin po ng entertainment sa aking mga Paulsters at ibang supporters.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

HE IS NOT SAWI

Nilinaw naman ni Paul na ngayon ay hindi na siya kabilang sa mga lalaking sawi. Masaya na raw ang puso niya.

Bagamat walang direktang kumpirmasyon, hindi naman nito itinatago na si Taki, ang dating Eat Bulaga! host at ngayo’y miyembro ng Japanese girl group na Faky, ang siyang malapit sa puso niya.

“Happy pa rin ako,” natatawang paglilinaw ni Paul. "Kumbaga, kami lang ang nagbibigay ng love [advice] para sa mga ibang lalaki naman diyan.

"For sure, marami namang nakikinig sa amin na mga ibang babae na nandiyan sa KUMU.

“Sa ngayon, ang target naman naming audience ay yung mga lalaki na katulad namin na cute at nasasaktan din.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Sa edad na 22, masasabi ba ni Paul na eksperto na siya sa usaping relasyon at pag-ibig?

“Yun ang pinu-push namin, kami nina Kristoffer. Na pagdating sa love, e, makakapagbigay na kami ng advice dahil medyo marami na rin kaming napagdaanan.”

Ayon pa kay Paul, gusto lang daw niyang maghatid ng positivity gaano man kabigat ang pinagdadaanan natin ngayon.

“Maging positive lang lagi,” saad niya. “Kasi, ang mundo ngayon, marami ng negative. Tingnan kung ano ang positive na nangyayari sa buhay.

"I-appreciate yung mga little things. Para hindi mawala yung kasiyahan sa buhay at yung pag-asa sa buhay.”

GETTING OVER THE PAIN

Sa kabila ng tila imahe niyang “chillax” lang, aminado si Paul na naranasan na niya ang “pain” ng isang relasyon.

Natawa ito nang tanungin namin kung may “betrayal” din.

“Marami,” ang nakangiting pag-amin niya.

Paano niya hinarap at paano siya naka-move on sa pain at betrayal?

“Noong mga times po na yun, 19 po yata ako no’n or 18, kung hindi ako nagkakamali. First time ko pong na-encounter yung mga ganun.

Continue reading below ↓

“Parang sobrang daming problema for an 18-year-old or teenager. Hindi naman nagkulang ang family ko para bigyan ako ng advice about love at saka yung management ko, ang PPL Entertainment, Inc.

"So, yun po ang kinapitan ko, ang pag-advice nila sa akin.

“And naisip ko rin naman na past is past. Ganun na yung nangyari, wala nang mababago ro’n. So, iniisip ko na lang kung ano ang present at pagagandahin ko ang future.

"Yun ang mga kinapitan ko actually—family ko and management ko,” lahad ni Paul.

Nagkatawanan nang tanungin si Paul kung matagal ba ang period na yun sa buhay niya.

Ang mabilis nitong sagot: "Mga one month."

Sa personality raw niya, “Matagal na sa akin yun."

Pakli pa niya, “Hindi ako madaling ma-stress. Kapag alam kong may kinaka-stressan, madali akong mag-move on agad.

"Pero para sa akin, medyo matagal yun. Hindi ko maalis sa isip ko.”

BACK STORY

Ang tinutukoy ni Paul ay nangyari noong July 14, 2018, na nagsimula sa isang cryptic post sa Twitter ng Kapamilya talent na si Barbie Imperial.

Continue reading below ↓

Nakasaad dito: "Girls, just because mahal mo ang isang tao pero sinasaktan kayo physically, hindi pwedeng patuloy yan.

"HINDI TAMA MANAKIT NG BABAE PHYSICALLY."

Kasabay nito ay isang post ni Barbie sa Instagram ng larawang nagpapakita ng bruises sa arm at chest niya.

Nung araw ding iyon ay binura ng dalaga ang kanyang posts.

Pero nakuhanan na ito ng screen shots ng ilang fans, na tuloy-tuloy nang ni-link ang litrato kay Paul, na noong time na iyon ay boyfriend ni Barbie.

Dinipensahan ni Kristoffer si Paul sa isang mahabang tweet.

Wala itong binanggit na mga pangalan, pero patungkol ito sa isyu ng physical abuse.

Aniya, "There's always two sides of the story. Mga naapektuhan wag pavictim."

Nag-react din ang ama ni Paul na si Jim Salas, at na-leak sa social media ang umano'y messages para kay Barbie ng ina ni Paul na si Michelle.

Sa kanilang mga mensahe, sinabi ng mga magulang ni Paul na hindi magagawa ng kanilang anak ang mga bintang sa kanya.

Continue reading below ↓

Noon ay mga apat na buwan ding hindi nagsalita si Paul, at bandang November 2018 na lang ito nagbigay ng maikling pahayag sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Aniya, "Hindi lang kami nag-work."

Si Barbie naman, nagpa-interview nung August 2018, at sinabing "napatawad" na niya si Paul.

HIS THOUGHTS THEN

Sa kanyang PEP EXCLUSIVE!, inalala ni Paul ang mga nasa isip niya noong mga panahong iyon.

"Siyempre, yung tingin din sa akin. Tingin sa mga magulang ko. Siyempre, magdo-domino [effect] po yun.

"Kung yun ang tingin nila sa akin, siyempre, yun na rin ang tingin nila sa parents ko, na hindi ako tinuturuan ng magandang asal.

“So, medyo nagkumpul-kumpol po sa akin. 'Kasalanan ko ba ‘to?' Maraming kuwestiyon.'”

Sa buong buhay daw niya, yung parte lang na yun ang nagdala sa kanya ng depression, at hindi nakatulong na agad nanghuhusga sa social media at halos automatic na ang babae ang pinaniniwalaan.

Continue reading below ↓

Kumusta na silang dalawa? Nagkaayos ba sila? Naging magkaibigan pa rin ba sila pagkatapos ng lahat?

“After po ng months na yun, siguro po mga six months, nagkita kami sa isang event. Parang naging normal na lang.

“Nagka-hi, hello,” saad niya.

Nakaraan na naman daw yun, ani Paul.

“Kumbaga, kung anuman ang nangyari, kumbaga, wala nang dapat i-clear. Wala nang dapat pag-usapan. Kumbaga, nasabi na namin sa isa’t-isa.

"And para sa akin, na-forgive ko na naman po siya.

"Para sa akin, para sa side ko, na-forgive ko na naman po kung ano yung mga nagawa niya sa akin.

“So, okay na po yun, and after naman no’n, ewan ko kung natanong na rin siya about sa amin, pero para sa akin, okay na po yun.”

May natutunan naman daw si Paul sa episode na yun ng buhay niya.

Aniya, “Sa ating relationship, siguro, wag namang masyadong bigay na bigay. Parang hindi mo na naiisip ang sarili mo.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, magtira ka naman kahit konti sa sarili mo.

"Sabi ko, kung magkakaroon man ako ng relationship next, siyempre, nandiyan yung bibigyan kita ng priority—pero, siyempre, hindi ko pa rin kakalimutan yung sarili ko at yung mga nandiyan para sa akin noong wala ka pa.”

Sabay natawa ito sa naging pahayag at nasabing, “Ang lalim!”

RELATED STORIES

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Salas: "Kung magkakaroon man ako ng relationship next, siyempre, nandiyan yung bibigyan kita ng priority—pero, siyempre, hindi ko pa rin kakalimutan yung sarili ko." Catch him on the Kumu app every Friday.
PHOTO/S: @paulandre.salas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results