Detach Video
Winwyn Marquez, may pakiusap sa mga namba-bash na may maling akala sa beauty queens
Jul 31, 2020

Sa PEP Live guest appearance ni Winwyn Marquez, tinanong siya ng host na si Jimpy Anarcon kung meron siyang gustong linawin sa mga myth—o maling akala— tungkol sa beauty queens.

Sinimulang i-enumerate ni Winwyn ang mga maling akala.

Si Winwyn ay ang tinanghal na Reina Hispanoamericana nung 2017 sa Santa Cruz, Bolivia. Siya ang unang Asyana at Filipina na nakoronahan sa international pageant na ito.

Ani Winwyn, madalas na maraming maling akala sa beauty queens, kahit sa pageant contestants pa lang.

Ginagawang katatawanan daw kapag nagkakamali sa pageant night—sa pagrampa, at pagsagot sa question-and-answer portion.

Sana raw, suportahan ang beauty contestants imbes na laitin, dahil hindi biro ang training na pinagdadaanan nila para maging pageant ready.

Maikukumpara pa nga raw sa pag-aaral sa college ang ginagawa nilang training.

Para sa kabuuan ng PEP Live interview ni Winwyn, i-click ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=gH4ibEuvjAY

HOT STORIES

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!

Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/

Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts

Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/philippineentertainmentportal

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results