Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

President Duterte not joking about gasoline as disinfectant for face masks; it's a huh & whaat from celebs

by Bernie V. Franco
3 days ago
After the presidential spokesperson and health undersecretary scramble to say the President is joking about using gasoline to clean face masks, the President says "Sa totoo lang, hindi ako nagbibiro, totohanan yun." (L-R) Atom Araullo, Gretchen Ho, and Nikki Valdez go from flabbergasted to frustrated.
PHOTO/S: Facebook (Atom Araullo) / @gretchenho and @nikkivaldez_ on Instagram

Nag-react ang ilang celebrities matapos manindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring gamiting disinfectant ang gasolina sa face mask.

Iginiit ito ng punong ehekutibo sa kanyang speech na umere ngayong umaga ng Biyernes, July 31.

Follow-up ito ng Pangulo sa kanyang July 21 speech, ang okasyong sinabi niyang gumamit ng gasolina o diesel kung walang alcohol para mag-disinfect ng face mask.

Marami ang napaisip kung seryoso ang Pangulo o nagbibiro lang siya.

Agad sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nagbibiro lang ang Presidente.

“Kayo naman apat na taon na si Presidente, parang hindi niyo pa kilala si Presidente. Joke only! Bakit naman tayo maghuhugas ng gasolina?” pahayag ni Roque sa press briefing noong July 23.

Ganito rin ang katwiran ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Aniya, “Alam niyo naman kapag nagsasalita si Presidente, baka mga jokes niya lang yun, especially for gasoline.”

Kay Vergeire na mismo nanggaling na, oo, pwedeng gamitin uli ang cloth mask matapos hugasang maigi, pero huwag gamiting panlinis ang gasolina.

Continue reading below ↓

DUTERTE: “HINDI AKO NAGBIBIRO.”

Pero seryoso pala talaga si Pangulong Duterte sa kanyang pahayag.

Sabi ng Pangulo sa speech nito ngayong Biyernes, “Sabi nila, ‘Ito si Duterte loko-loko.’

“Gago. Kung loko-loko ako, ikaw na sana ang na-presidente, hindi ako.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Totoo ‘yang sinabi ko, alcohol. Pag walang alcohol available, hindi ka naman pwede, lalo… mahirap…

“Pupunta ka lang diyan sa gasoline station, pagkatapos magpatulo ng...” sabay muwestra ng paglalagay ng liquid substance sa mga kamay.

“That’s disinfectant.”

Dugtong ni Duterte, “Alcohol, o. Gaas. Yung ginagamit niyong gas pang-ano… magpatulo ka lang ng ano, just to disinfect.

“Ang akala naman nitong mga buang na nagsabi sa 'kin, 'Si Duterte…'

“Para sa inyo ang hindi nakakaintindi, sa totoo lang, hindi ako nagbibiro, totohanan yun. Ang akala niyo, nagbibiro lang ako. Pero sa totoo, hindi rin ako nagbibiro…

“Anything that would kill the germs actually.”

ATOM ARAULLO: GAS CAN CAUSE COMA AND DEATH

Kaugnay nito, nag-tweet ang ilang personalidad bilang reaksiyon sa binitawang pahayag ng Pangulo.

Continue reading below ↓

Kabilang dito sina nina Atom Araullo, Gretchen Ho, Bianca Gonzalez, Nikki Valdez, Jason Abalos, Jim Paredes, at Senator Risa Hontiveros.

Seryoso ang reaksiyon ng Kapuso broadcaster na si Atom.

Inisa-isa ni Atom ang panganib na maaaring idulot ng paggamit ng gasolina bilang disinfectant:

“On PRRD’s advice to use kerosene or ‘gaas’ as a disinfectant:

“- irritating to eyes and skin, may cause dermatitis with chronic exposure

“- inhalation may cause respiratory irritation

“- acute exposure may result in central nervous system effects including coma and death”

Continue reading below ↓

Ibinahagi ni Atom ang link sa PDF file ng pag-aaral mula sa World Health Organization website.

Nakasaad ditong delikado ang exposure sa gasolina. Nagdudulot ito ng iritasyon sa balat at mata, at nakasasama sa kalusugan kapag nalanghap ito.

Paalala ni Atom, "Needless to say, don't use kerosene or gasoline to disinfect your face masks."

Continue reading below ↓

JASON ABALOS: LET ME SLAP MY FACE

Idinaan naman ng Kapuso actor na si Jason Abalos sa emojis ang reaksiyon niya sa pahayag ni Duterte.

Gumamit siya ng tatlong “face slap” emojis, na katumbas ay "to display frustration or embarrassment at the ineptitude of a person or situation.”

Sinundan kaagad niya ito ng pag-retweet ng mga post tungkol sa pahayag ng Pangulo.

Continue reading below ↓

Sabi ni Jason sa pinakuhuli niyang tweet: "Seryoso po ang mahal na pangulo."

Isa rin si Jason sa mga nag-tweet noong unang lumabas ang “biro” ng Pangulo tungkol sa paggamit ng gasoline o diesel bilang disinfectant.

Disyamado si Jason dahil mayroon siyang kaibigang pediatric surgeon na nasawi sa COVID-19.

NIKKI VALDEZ: THE MAN IS A GONER

Halos kapareho ng tweet ni Nikki Valdez ang mensahe ni Jason.

Continue reading below ↓

Simpleng tweet ng ABS-CBN actress: “Wala na talaga to… [face palm emoji].”

Kalakip nito ang link ng report tungkol sa pahayag ng Pangulo.

JIM PAREDES: GUY IS FAR GONE

“Buang na talaga,” maikli ngunit makahulugang tweet naman ng veteran singer na si Jim Paredes.

Kalakip nito ang quote card ng statement ng Pangulo tungkol sa gasoline bilang disinfectant.

Continue reading below ↓

GRETCHEN HO: I HOPE WE DON'T GET THERE

Natawa naman ang Kapamilya host na si Gretchen Ho sa tweet ng DZMM news reporter na si Lyza Aquino.

Sabi ng reporter, hindi niya alam kung matatawa siya sa sinabi ng Pangulo, o matatawa dun sa biglang pag-spray ng Pangulo sa kanyang mukha ng automatic alcohol dispenser habang nagsasalita.

Continue reading below ↓

May halong biro ang sumunod na tweet ni Gretchen.

Aniya, “In fairness.. ang cool nung alcohol dispenser. Nahanap ko yung supplier [laughing with tears emoji]”

Seryoso naman ang pangatlong tweet ni Gretchen.

Continue reading below ↓

Aniya, “Kidding aside, sana hindi tayo umabot sa ganito. Please DO NOT ingest gasoline or any kind of disinfectant.”

Kalakip ng tweet ni Gretchen ang report ng time.com na may titulong “Accidental Poisonings Increased After President Trump's Disinfectant Comments”

Kaugnay ito sa biglang pagdami ng mga nalason sa U.S. matapos ng pahayag si President Donald Trump noong Abril.

Nang nagkaroon ng usap-usapan sa U.S. na kayang patayin ng disinfectant ang COVID-19, nagbitaw ng ganitong pahayag si Trump: “Is there a way we can do something like that by injection inside?”

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ni Gretchen, gayundin ni Bianca Gonzalez, ang post ng The Philippine Star tungkol sa Facebook post umano ng Integrated Chemists of the Philippines (ICP).

Ito ay bilang reaksiyon sa kontrobersiyal na pahayag ng Pangulo ukol sa gasolina.

Paalala ng grupo ng mga dalubhasa: “HINDI MAAARING GAMITIN ang gasoline upang ipanlinis. Gasoline MUST NOT BE USED as a disinfectant.”

Continue reading below ↓

Gayunpaman, hindi na makikita ang naturang post na ito sa Facebook page ng ICP dahil tila binura na ito.

SENATOR RISA HONTIVEROS: this is a health hazard

Samantala, nagbahagi ng "fact check" si Senator Risa Hontiveros na huwag gamiting disinfectant ang gasolina dahil wala raw ekspertong ipapayo ito.

UP ACMA: "GASOLINE IS FOR CARS, NOT FOR YOUR HANDS."

Continue reading below ↓

Obserbasyon ng film and TV director na si Dan Villegas, tahimik daw ang trolls na kadalasang maingay sa pagtatanggol sa Pangulo.

Tweet niya: “Tahimik ang trolls sa gasoline issue ha.”

Informative ang sagot ni Kim Atienza sa tanong ng isang netizen kung ano ang epekto ng gasoline kapag ginawang disinfectant.

Continue reading below ↓

Sagot ni trivia master: “Gasoline is rich in lead which will cause lead poisoning that can be lethal in time.”

Napamura naman ng doktor at CNN Philippines talk-show host na si Dr. Gia Sison tungkol sa isyu.

“Pucha talaga!” tweet ng doktor, kalakip ang retweet ng pahayag ng Pangulo tungkol sa gasolina bilang disinfectant.

Continue reading below ↓

Reminder ni former Presidential Spokesperson at Atty. Edwin Lacierda: “To our friends who intend to use gasoline as a disinfectant, please don’t.

“And if you don’t intend to use gasoline, then please don’t ask me further if unleaded is better than premium.

“Hindi nga ho pwede. Huwag mo.”

Continue reading below ↓

May pahayag ang University of the Philippines Association of Chemistry Majors and Enthusiasts (UP ACMA) tungkol sa panganib kapag ginawang disinfectant ang gasolina.

“GASOLINE IS FOR CARS, NOT FOR YOUR HANDS,” bungad ng statement ng grupo.

Giit ng organisasyon, walang “scientific basis” ang paggamit ng gasolina bilang disinfectant.

Sabi ng UP ACMA: “Several groups and experts have warned the public against this measure because it poses harmful effects to the person’s body.

Idiniin ng grupo ang pag-aaral ng isang U.S. government agency na sinabing “toxic substance” ang gasolina at hindi ito maaaring gamitin laban sa COVID-19.

“The US Environmental Protection Agency (US EPA) does not include gasoline as recommended disinfectants against COVID-19 and is actually tagged as a toxic substance by the US Center for Disease Control,” post ng grupo.

Paalala ng UP ACMA: “We call upon our public officials to be more careful about what they advise the people to do, to consult scientific facts and experts in order to avoid the spread of misinformation and falsehoods.”

Continue reading below ↓

Nananawagan din ang grupo sa publiko na maging mapanuri sa impormasyong nakukuha, “even those from the government.”

Anang UP ACMA sa publiko, maging maingat sa mga hakbang na ginagawa laban sa virus na baka lalo lang makasama, at pakinggan ang mga datos na may scientific basis.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After the presidential spokesperson and health undersecretary scramble to say the President is joking about using gasoline to clean face masks, the President says "Sa totoo lang, hindi ako nagbibiro, totohanan yun." (L-R) Atom Araullo, Gretchen Ho, and Nikki Valdez go from flabbergasted to frustrated.
PHOTO/S: Facebook (Atom Araullo) / @gretchenho and @nikkivaldez_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results