Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Kim Atienza responds to bashers' taunts of "oligarch"

by Arniel C. Serato
2 days ago
Kim Atienza's post about ABS-CBN's online streaming turns into an exchange with bashers about the word "oligarch."
PHOTO/S: Courtesy: @kuyakim_atienza on Instagram

Nakipagsagutan si Kim Atienza sa bashers sa Instagram dahil sa salitang "oligarchs."

Nagkomento ang mga ito sa kanyang post ngayong araw, August 1, tungkol sa new path ng ABS-CBN, ang online streaming.

Nakalagay sa post ng host: "Tuloy ang serbisyo. Baka dito talaga papunta ang telebisyon, nauna lang kami dahil sa mga nangyari. Praise God, Lahat may dahilan!"

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nagkomento ng: "In the service of the oligarchs."

Sagot ni Kim: "define oligarch?"

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Imbes na sagutin ang tanong, sabad ng netizen: "Stupid question. I don't quarrel with street fight."

Continue reading below ↓

Isa pang netizen ang nag-post ng parehong comment,: "In the service of the Oligarchs."

Tugon ng weatherman ng TV Patrol: "pare pareho ang assignment ng mga troll.
'cut and paste.'"

Sagot ng nasabing netizen kay Kim: "troll di sang-ayon sa inyo no? If your network is for the service of the Filipino, can you share a documentary about high cost of electricity and water?

Continue reading below ↓

"Wala dba, puro drama lang?"



Susog ng isa pang netizen: "Unfollow. In the service of the oligarchs."

Tugon ni Kim: "pleaso do."

Continue reading below ↓

Buwelta pa rin ng basher: "yup. Death to ABS-CBN celebrity Oligarchy."



Sagot ni Kim na parang natatawa: "celebrity oligarchy? bago yun ah. please define?"

Continue reading below ↓

Hindi na sumagot ang basher sa Matanglawin host.

WHAT IS OLIGARCHY?

Ayon sa mga diksiyunaryo, oligarkiya ang tawag sa maliit na grupo ng tao na may kontrol sa isang bansa o organisasyon.

Masasabing sila ay “Kingmaker” dahil malaki ang pondo na puwede nilang isuporta sa mga kandidatong nais nilang manalo sa eleksyon.

Ang salitang oligarkiya ay paulit-ulit na binabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga nakaraang public speeches.

Sa pinakahuling talumpati niya sa harap ng mga sundalo sa Heneral Teodulfo Bautista Headquarters sa Jolo, Sulu, noong Lunes, July 13, aniya: "Without declaring martial law, I dismantled the oligarchy that controlled the economy of the Philippines..."

Noong panahon ni President Ferdinand Edralin Marcos, nagdeklara ito ng martial law noong taong 1972. Pagkatapos ay pinagdadakip ang mga kaaway niya, na tinawag rin niyang "oligarchs." Inexpropriate din ng Marcos government ang ABS-CBN, na pagmamay-ari ng mga Lopez.

Noong July 10, ibinasura ng House Committee on Legislative Franchises sa Kongreso ang aplikasyon ng ABS-CBN Corporation na makakuha ng bagong prangkisa.

Matapos nito, naglunsad ang mga kongresista ng mga bagong imbestigayon upang ma-expropriate ng Duterte government ang lupang kinatatayuan ng ABS-CBN at ang mamahaling broadcasting equipment sa loob nito.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, ilan sa mga shows ng ABS-CBN ay umeere sa pamamagitan ng Kapamilya Channel at, gaya ng nabanggit ni Kim, online streaming.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza's post about ABS-CBN's online streaming turns into an exchange with bashers about the word "oligarch."
PHOTO/S: Courtesy: @kuyakim_atienza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results