Detach Video
This Week In Showbiz: Nung muling magkasama sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto
Aug 3, 2020

#LookbackLunes: August 3 to 9, 2010, ito ang mga balitang showbiz na binasa nang husto noon:

KRIS TO JAMES: "ANG TAGAL NA NATING DI MALIGAYA SA ISA'T ISA."

Sa kanyang interview kay Boy Abunda sa Showbiz News Ngayon, kasama sa mga issue na nilinaw ni Kris ay ang desisyon niyang makipaghiwalay na sa asawang si James Yap.

July 10, 2005 nang lihim na magpakasal ang noo'y 34-year-old na actress-TV host sa 23-year-old professional basketball player.

Ginawa ang kanilang civil wedding sa bahay ni Boy.

Nagkaroon sila ng isang anak, si James Carlos Aquino Yap o Bimby.

Dumating ang gusot sa buhay-mag-asawa nina Kris at James nang pumutok nung 2007 ang lihim na relasyon diumano ni James sa isang medical clinic receptionist.

Taong 2010 naman nang kumprontahin ni Kris ang pinaghihinalaan niyang girlfriend ni James.

Parehong pinabulaanan ni James ang mga kuwento ng affairs. Wala ring napatunayan sa mga ito.

Ilang araw matapos ang interview ni Kris kay Boy, nag-file na si Kris ng petition to nullity of marriage.

Fast-forward sa February 2012, napawalang-bisa ang kasal nina Kris at James.

Sa kasalukuyan ay may dalawa nang anak si James sa Italian girlfriend na si Michella Cazzola.

Ang dating Quezon City mayor at aktor na si Herbert Bautista naman ang huling na-link kay Kris, na sa ngayon ay single.

HOT STORIES

FINALLY, CLOSURE BETWEEN CLAUDINE AND MARK ANTHONY

Muling nagkasama't nagkaharap sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez matapos ang 15 taon nang hindi pag-uusap.

Dating magkasintahan sina Mark at Claudine nung sila'y parehong 16 years old pa lang.

Nagkapareha pa sila sa dalawang pelikula ng Star Cinema nung pareho pa silang ABS-CBN talents, ang Pare Ko at Mangarap Ka.

Matapos na magkahiwalay, hindi na sila nagkausap.

Pareho na silang Kapuso talents nang muli silang magkasama at mag-usap sa Showbiz Central, kunsaan guest co-host si Claudine.

Sa pag-uusap nilang dalawa, nagkalinawan kung bakit sila nagkahiwalay at sa wakas ay nagkaroon na sila ng closure.

Nagpahayag ng pasasalamat sa isa't isa sina Mark at Claudine at parehong nangako na magiging tapat na magkaibigan pa rin sa kabila ng nangyari sa kanila.

Matapos ang interview na ito, parehong nakagawa ng mga proyekto sina Mark at Claudine sa GMA-7, nagkaroon ng mga plano para sa comeback movie ng kanilang loveteam, at nasuot na rin sila sa iba't ibang kontrobersiya.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin nangyayari ang kanilang comeback film.

Matagal nang walang proyekto si Claudine, habang si Mark naman ay huling napanood sa blockbuster movie na Miracle in Cell No. 7.

Nabanggit din ni Mark sa huli niyang interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may tampuhan sila ngayon ni Claudine.

HOT STORIES

IYA GETS AN EXPENSIVE GIFT FROM A PRINCESS

Matapos mag-perform sa birthday party ng prinsesa ng Brunei, nakatanggap ng limited-edition Louis Vuitton bag si Iya Villania.

Ang mismong may birthday na si Princess Rashidah Sa'adatul Bolkiah, panganay ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah Mu'izzaddin Waddaulah, ang nagbigay ng bag na nagkakahalaga ng U.S.$4,000. Noon, ang katumbas nito ay PHP180,000.

Hindi naman kilalang mahilig sa expensive bags si Iya, aniya sa kanyang 2010 Cosmo.ph interview, nagkakaroon lang siya ng mga mamahalin at branded na bags kapag may nagbibigay o kapag gusto niyang i-reward ang sarili sa isang achievement.

Katulad nung maka-graduate siya sa college. Niregaluhan siya ng isang Balenciaga bag ng boyfriend niya pa lang noon na si Drew Arellano.

Sa ngayon ay mag-asawa na sila ni Drew at may tatlo nang anak.

HOT STORIES

SHARON SPOILS OGIE'S "HAPPY" ANNOUNCEMENT

Inunahan ni Sharon Cuneta ang announcement ni Ogie Alcasid ng pagpapakasal nito sa kanyang girlfriend of seven years na si Regine Velasquez.

Ginawa ni Sharon ang pambibisto sa kanyang Mega Drama concert sa Araneta Coliseum nung August 7.

Isa sa mga guests sa concert si Ogie.

Nasa audience naman at nanonood si Regine.

Bago in-introduce ni Sharon si Ogie sa kanyang concert, isa munang video ang ipinakita sa malaking screen sa entablado.

Doon ipinakita ang isang wedding invitation na may initials nina Ogie at Regine, habang ina-announce naman ni Sharon ang nalalapit ngang pagpapakasal ng dalawa.

Kinausap pa pagkatapos ni Sharon si Regine na nakaupo sa audience seats, "Ginawa nyo 'kong ninang. I'm so honored and proud. Hindi ba puwedeng bridesmaid? Joke!"

Kinabukasan, August 8, sa Party Pilipinas, ginawa ni Ogie ang announcement na aprubado na ang kanyang petition for annulment ng kanyang kasal sa unang asawang si Michelle Van Eimeren.

In-announce na rin ni Ogie na bago matapos ang 2010 ay papakasalan niya si Regine.

Unang lumabas sa PEP Alerts ang gagawing announcement ni Ogie sa Party Pilipinas.

Sabi ng singer-songwriter sa kanyang August 5 text message kay YES! at PEP editor-in-chief Jo-Ann Maglipon, ang magiging announcement niya "is going to be a happy one."

Ikinasal sina Ogie at Regine nung December 22, 2010.

HOT STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results