Angeline Quinto: “Proud retokada here.”

by Arniel C. Serato
Aug 3, 2020
Angeline Quinto: "Ikaw naman ang magttrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka e. Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipangbabayad. Kesa ho manggaling sa ibang tao ung IPANGBABAYAD mas pangit ho."
PHOTO/S: Courtesy: @loveangelinequinto on Instagram

Kung karamihan ng mga artista ay tumatangging sumagot o di kaya'y nagde-deny kapag tinatanong tungkol sa pagpaparetoke, ibahin ninyo si Angeline Quinto.

Proud at hindi ikinahihiya ng 30-year-old Kapamilya singer-actress na dumaan sa siyensiya ang ilang parte ng kanyang mukha at katawan.

Sa kanyang Instagram post noong Biyernes, July 31, hindi nahihiyang ipinangalandakan ni Angeline sa mundo na produkto siya ng siyensiya.

Nagtataka nga raw siya kung bakit big deal sa ibang tao kung ang isang artistang tulad niya ay nagparetoke.

Pahayag ni Angeline, “Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin.

“Never q ikinahiya kung ano ang mga pinagawa q. At hanggang ngaun napakalaking issue sa iba.”

Ayon pa sa kanya, bahagi ng kanilang trabaho ang magmukhang kaaya-aya sa publiko. Bukod dito, pera naman daw niya ang ipinambayad para rito.

“Parte ho ng trabaho un at kung may pangbayad naman bakit hindi. Kaya nga ho may Dra. Vicky Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ikaw naman ang magttrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka e. Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipangbabayad.

“Kesa ho manggaling sa ibang tao ung IPANGBABAYAD mas pangit ho.
#RetokePaMore

Si Dra. Vicki Belo ay kilalang “Doctor to the Stars” ng bansa.

#STOPTHEHATEJUSTLOVE

Sa isa pa niyang post noong Sabado, August 1, inisa-isa ni Angeline ang mga operasyong ginawa sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang dito ang eyelid surgery, arm liposuction, belly liposuction, thermage, at breast reduction.

Marami rin ang nag-aakalang ipinaretoke ni Angeline ang ilong niya, pero ayon sa singer, "Hindi q po ginawa yan pero nagpa consult po aq noon hindi q po tinuloy."

Dagdag niya, “Glutathione injection, bihira po dahil mas maputi po talaga aq nung kabataan q."

Pagmamalaki pa ni Angeline: “Proud retokada here. Mabuhay po taung lahat.”

Nagpasalamat muli si Angeline kay Dra. Vicki Belo sa ginawa nitong pagpapaganda sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Positibo naman ang reaksiyon ng followers ng singer ukol sa kanyang rebelasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto: "Ikaw naman ang magttrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka e. Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipangbabayad. Kesa ho manggaling sa ibang tao ung IPANGBABAYAD mas pangit ho."
PHOTO/S: Courtesy: @loveangelinequinto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results