Angel Locsin on Duterte's rants against healthcare workers: “Pagsuporta ang kailangan. Hindi pagsindak.”

by Jet Hitosis
Aug 4, 2020
President Duterte's televised rant against health workers: “I don’t give a f*ck if you gather 1,000 or 2,000." Kapamilya stars (L-R) Carlo Aquino and Enchong Dee defend health workers. Angel Locsin tells Duterte: "COVID po ang kalaban, hindi ang mamamayan."
PHOTO/S: @jose_liwanag, @therealangellocsin, @mr_enchongdee on Instagram

May kalmadong nagpaalala. May nagalit. May umapela.

Ganito ang magkakaibang reaksiyon ng ilang celebrities sa ginawang pagkastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa medical frontliners.

Nagalit at nagmura ang Pangulo dahil nagbanta raw ang health workers na magrerebolusyon laban sa kanyang gobyerno.

Noong Sabado, August 1, lumiham ang mahigit 80 medical associations para idaing kay Duterte na, kung magpapatuloy pa ang bulto ng COVID-19 patients, malamang hindi na nila kakayanin.

Ayon sa medical community, wala nang hospital beds. Isa pa, marami na ang nagkakasakit sa kanila habang nasa kalagitnaan ng “losing battle against COVID-19.”

Sa liham, binanggit nila bilang pangunahing problema ang kakapusan ng hospital workers, kawalan ng ligtas na transportasyon at workspaces para sa publiko, at bigong contact tracing at quarantine process.

Idagdag pa rito ang nakatakdang pagbubukas muli ng mga gyms, computer shops, review centers, at drive-in cinemas, na magpapalala sa problema.

Sa liham, umapela ang healthcare workers na ibalik ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ipatupad ito ng 15 araw.

Continue reading below ↓

Magsisilbi raw itong “time out” para sa healthcare system at para maisaayos ng gobyerno ang pandemic-control strategies nito.

“WALA KAYONG GINAGAWA KUNDI MAGREKLAMO”

Subalit ang dating kay Duterte ng apelang ito ay kinukuwestiyon ng healthcare workers ang pagsisikap ng gobyerno laban sa COVID-19.

Depensa ng Presidente, kung may dapat mang mag “soul-searching” sa ngayon, iyon ay ang medical community.

“I don’t give a f*ck if you gather 1,000 or 2,000,” mensahe ng Pangulo sa health workers sa kanyang televised speech noong Linggo ng gabi, August 2.

“But bear in mind that if I ask you to take over, I will even pay you. Let’s see how you will fare.

“We are not incompetent because we are not doctors.

“You should do the soul-searching, not us.

“Kayo, makatulong sana. Wala kayong ginagawa kundi magreklamo.”

Lumalabas na sensitive rin si Duterte sa ginawang virtual press conference ng healthcare workers at ang pamamahagi nila ng press statement.

Continue reading below ↓

Nakalista sa press statement ang mga rekomendasyon ng medical professionals sa gobyerno sa mas epektibong pagtugon sa pandemic.

Bakit daw kailangan pang isapubliko ang kanilang hinaing, gayung maaari namang dumiretso ang mga ito sa kanya?

“There is no need for you and for the guys, 1,000 of you, telling us what to do publicly. You could have just wrote [sic] us a letter,” anang Pangulo.

Sinagot ito ni Dr. Antonio Dans, ang spokesperson ng Healthcare Professions Alliance Against Covid-19, sa interview ni Noli de Castro sa Teleradyo kahapon, Agosto 3.

Sinabi ng duktor na hindi sila nagkulang sa pakikipag-meeting sa mga departmento ng kalusugan, labor, transportasyon, komunikasyon at iba pa, ngunit wala namang nangyayari. Mahina pa rin ang COVID-19 response ng gobyerno.

"Hindi naman ganoon kadali makakuha ng appointment sa Presidente," paglilinaw nito, na sinang-ayunan ni Noli de Castro, na minsa'y naging bise-presidente ng bansa.

Kung hihintayin nila iyon, sabi ni Dr. Dans, malay nila kung aabot ang kanilang paghihintay ng isang buwan, at sa loob ng panahong iyon ay marami pa ang mamamatay.

Emergency situation na ito dahil araw-araw ay buhay at kamatayan ang nakataya, pagpapaalala ng duktor.

Kaya raw sila dumiretso na sa publiko.

Continue reading below ↓

DUTERTE ON REVOLUTION THREATS: “I DARE YOU, DO IT.”

Hinamon pa ni Duterte ang frontliners na ituloy ang banta raw nilang magrerebolusyon laban sa kanyang gobyerno.

Tila nakanti ang pagkalalaki nito, at nagsabing handa siyang kumasa ng isang “counterrevolution.”

“Next time, huwag ninyo akong parinig-rinigin ng revolution.

Continue reading below ↓

“E, kung mag-revolution kayo, you will give me the free ticket to stage a counterrevolution. How I wish you would do it.

“Huwag kayo magsigaw-sigaw, ‘revolution.’ Try it.

“Patayin natin lahat ng may COVID-19. Is that what you want?” nanggagalaiting sabi ng Pangulo.

“I’m not threatening, but I want you to try it. I dare you, do it.”

Ayon naman sa medical frontliners, ni minsan ay wala silang sinabing "rebolusyon," sa salita o kahit sa pahiwatig man lang, sa kanilang apela.

Ito ang completong titulo ng open letter ay: "Medical Community appeals for return to Enhanced Community Quarantine (ECQ) in Metro Manila from August 1 to 15 to recalibrate strategies against COVID-19."

TWO-WEEK MECQ IN METRO MANILA, 4 PROVINCES

Sa paghupa muli ng galit ng Pangulo, kinilala nitong “bone tired” na ang medical frontliners sa nakalipas na apat na buwan ng pandemya.

Sa pagkambiyo niya, hiningi nitong habaan pa ng frontliners ang pasensiya.

Continue reading below ↓

Sabi ni Duterte sa healthcare workers: “Wala kaming matakbuhan, kayo yung nag-aral, kayo yung may alam.

“You raise the spectacle of yung agony ninyo. You treat it as if you’re about ready to stop to work, huwag naman ganoon.

"Kasi kawawa ang mga kababayan. Sinong maasahan namin?”

Sa huli, pinagbigyan ni Duterte ang panawagan ng medical community at iniutos ang muling pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal.

Nagsimula ito ng Martes, August 4, at tatagal hanggang August 18.

Ngunit lumalabas na ang MECQ provisions na ipapatupad ay hindi tugma sa proposals ng medical frontliners.

Samantala, inaprubahan ng Pangulo ang PHP10,000-PHP15,000 cash benefits sa health workers na dinapuan ng COVID-19, risk allowance sa medical frontliners sa pribadong sektor, life insurance, libreng transportasyon at matutuluyan, at libre at madalas na swab testing laban sa virus.

ANGEL LOCSIN: “PAGSUPORTA… HINDI PAGSINDAK”

Pinuna naman ng Kapamilya stars na sina Carlo Aquino, Angel Locsin, at Enchong Dee ang pagmamasama ng Pangulo sa paglalahad ng healthcare workers ng mga hinaing.

Continue reading below ↓

Ito ay sa kabila raw ng pagbubuwis ng medical community sa sariling kaligtasan at buhay makontrol lang ang COVID-19 sa bansa.

At paano raw naging banta ng rebolusyon ang magsabi ng saloobin sa kakulangan ng pandemic response ng pamahalaan?

Sa Instagram Stories ni Angel, 35, nitong Lunes, August 3, nagbalik-tanaw siya nang minsang magbunyi ang gobyerno laban sa University of the Philippines (UP).

Noong Hunyo, masayang idineklara ni Presidential Spokesman Harry Roque na “natalo” ng pamahalaan ang prediction ng UP scientists na aabot sa 80,000 ang COVID-19 cases sa bansa bago mag-Hulyo.

Umani ng batikos noon si Roque. Tingin ng netizens, ang UP prediction daw pala ang pinagsisikapang labanan ng gobyerno at hindi ang COVID-19.

Binanggit ito ni Angel sa kanyang post nitong Lunes.

Sinabi ng aktres na, kung dati ay UP ang “kalaban” ng gobyerno, mistulang health workers naman ang kakontra nito ngayon.

Pinaalalahanan din ng actress-philanthropist ang pamahalaan na “pagsuporta ang kailangan” ng medical community sa ngayon. “Hindi pagsindak.”

Continue reading below ↓

Binigyang-diin ni Angel: “Covid po ang kalaban. Hindi ang mamamayan.”

Sa hiwalay na Instagram Story, nagpahayag ng suporta at pasasalamat si Angel sa healthcare frontliners.

Humingi siya ng tawad na “minsan ay pasaway" din daw siya. Pero tiniyak ng aktres na “mag do-doble ingat” na siya “para makagaan sa pasanin kahit paano.”

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Angel sa frontliners (published as is): “Kakampi nyo kami. Wag sanang panghinaan ang inyong loob.

“Mahal namin kayo. Naka-supporta kami sa inyo.

“Kailangan namin kayo. Kayo'ng mga bayani sa giyerang ito.

“Maraming salamat sa sakripisyo para sa amin.”


PHOTO: @therealangellocsin on Instagram

ENCHONG DEE TO GOVERNMENT: “ANG YABANG NYO!”

Ang actor-model—at vocal na critic ng administrasyon—na si Enchong, 31, dama ang galit sa kanyang tweet nitong Lunes ng umaga.

Continue reading below ↓

Aniya, patuloy lang na lalala ang “dissent & outrage” ng mga Pilipino sa kanilang gobyerno, na tinawag niyang “arrogant & Stupid.”

Sabi ni Enchong: “hindi nyo pinakikinggan kaming mga Pilipino na ninanakawan nyo ng progresibo, matiwasay, at ligtas na kinabukasan. Ang yabang nyo!”

Tinukoy ni Enchong ang mistulang pambabalewala ni Pangulong Duterte sa mga rekomendasyon ng medical community sa pagtugon sa pandemic.

Continue reading below ↓

Sa halip daw na pakinggan, itinuring pa itong pagre-revolt laban sa pamahalaan.

HOT STORIES

CARLO AQUINO WANTS “DIREKSIYON” IN FIGHT VS COVID-19

Paglilinaw naman ng 34-year-old actor na si Carlo sa kanyang Instagram Story, ano itong sinasabing rebolusyon?

Giit ni Carlo: “WALANG MAY GUSTO NG REBOLUSYON. ANG GUSTO NAMIN DIREKSYON."

Ang "direksyon" na tinutukoy ni Carlo ay ang pagkakaroon ng pamahalaan ng plano sa pagkontrol ng pagdami ng nagpopositibo sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Batay sa latest data ng Department of Health (DOH), nasa 106,330 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa bilang na ito, 65,821 ang gumaling at 2,104 ang namatay.

DOCtorS' GROUP: WE WILL NOT ABANDON OUR PATIENTS

Samantala, August 3, Lunes ng hapon, nagpadala ng isang "Letter of Clarification" ang Philippine College of Physicians (PCP) kay Pangulong Duterte.

“There was never a call for a revolt nor was there any threat of leaving patients on their own.” paglilinaw sa sulat na pirmado ni Dr. Mario Panaligan, presidente ng PCP.

”Our oath instructs as to do no harm to anyone who needs our help,” paglilinaw pa ng grupo ng mga duktor sa isang virtual press conference noong Sabado, August 1.

Kaya taliwas daw sa sinumpaan nilang tungkulin ang akusasyon ng Pangulo na aabandonahin nila ang kanilang mga pasyente.

Humingi rin ang grupo ng paumanhin sa Presidente kung ang dating ng kanilang “requests and observations” ay “assertive display of indignation.”

Continue reading below ↓

Wala raw silang intensiyong ganoon.

Hindi rin daw intensiyon ng medical community na pahiyain ang administrasyon at ang Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases sa pagdedetalye nila sa mga kakulangan sa health sector.

Ayon sa PCP, April 2020 pa raw kasi sila lumiham sa DOH para iparating ang problema ng health sector ngayong may pandemic.

Pero hindi raw ito inaksiyunan ng DOH sa nakalipas na tatlong buwan.

Dahil dito, nagpasya ang medical community na direkta nang lumiham kay Pangulong Duterte, habang may panahon pang isalba ang health system sa gitna ng tumitinding pandemic.

Continue reading below ↓

"THE NEW LOCKDOWN IS NOT WHAT HEALTHWORKERS ARE ASKING FOR."

Sa pamamagitan ng sunud-sunod na tweets kahapon, August 3, naghayag din ng kanyang saloobin ang medical anthropologist, Inquirer columnist, at senior lecturer sa UP Diliman na si Dr. Gideon Lasco tungkol sa mga pahayag ni Duterte.

Aniya, ang bagong ipinatupad na lockdown ay kabaligtaran ng hinihiling at inirerekomenda ng healthcare workers.

Bagamat inulit ni Duterte ang kanyang pangakong magkakaroon ng vaccine, wala raw itong ibinigay na malinaw na plano kung paano isasalba ang naghihingalong healthcare system ng bansa.

Continue reading below ↓

Sa hinaing ng healthcare workers, inamin nilang nakararamdam na sila ng takot, pagod, at iniinda na nila ang poor working conditions, ngunit ang naging sagot daw ng Pangulo ay pagbabanta, pag-uusig, at paninisi.

Ipinunto rin ng healthcare workers ang pagkabigo ng pamahalaan sa pag-usad ng "case finding, isolation, contact tracing."

Continue reading below ↓

Pero hindi raw ito pinansin ni Duterte. Sa halip ay pinalakas ng Pangulo ang kanyang police apporach, at sinabihan pa ang mga nurses na magpulis na lang kung gusto nila ng mas malaking suweldo.

Nag-demand din ang heathcare workers ng mas maayos na public transport options, kabilang na ang bike lanes.

Continue reading below ↓

Pero ayon kay Dr. Lasco, sa pagbabalik ni Duterte ng MECQ, epektibong natanggal ang public transport options, na pahirap hindi lamang sa healthcare workers kundi maging sa ibang mga nagtatrabaho.

Ipinunto rin ng healthcare workers na ang anumang "timeout" ay nangangailangan ng social amelioration para sa mga taong apektado nito.

Continue reading below ↓

Pero muli raw itong binalewala ng Pangulo, at sa halip ay sinabing "I cannot give money and food to the people" sa kabila ng pangungutang ng bilyun-bilyon para sa pandemic response.

Sa huli, ayon kay Dr. Lasco, pinalala lang daw ni Duterte ang sitwasyon para sa mga healthcare workers at ng non-HCWs.

Continue reading below ↓

Ang panibagong mga aksiyon ng Pangulo ay nagkukumpirma raw sa diagnosis nito: "His failed, incoherent, divisive non-leadership is responsible for our continued misery."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Duterte's televised rant against health workers: “I don’t give a f*ck if you gather 1,000 or 2,000." Kapamilya stars (L-R) Carlo Aquino and Enchong Dee defend health workers. Angel Locsin tells Duterte: "COVID po ang kalaban, hindi ang mamamayan."
PHOTO/S: @jose_liwanag, @therealangellocsin, @mr_enchongdee on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results