Kim Chiu issues reminder now that we're back to MECQ: “BAWAL LUMABAS”

by Arniel C. Serato
Aug 4, 2020
Kim Chiu: "MECQ Back to you. BAWAL LUMABAS OH. BAWAL LUMABAS.”
PHOTO/S: Courtesy: @chinitaprincess on Instagram

May paalala ang Kapamilya star na si Kim Chiu ngayong isinailalim muli ang National Capital Region (NCR) at ilang lalawigan sa Luzon sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Kasunod ito ng panawagan ng medical community sa pamahalaan na magpatupad ng mahigpit na quarantine restrictions upang maisalba ang healthcare system ng bansa dahil sa paglobo ng COVID-19 cases.

Nitong Lunes ng gabi, August 3, nag-post si Kim ng video sa kanyang Instagram Stories.

Sinaliwan ang video ng kanta niyang "Bawal Lumabas."

Inilagay ni Kim sa caption: “MECQ Back to you.

“BAWAL LUMABAS OH

“BAWAL LUMABAS.”

Continue reading below ↓

Naging kontrobersiyal ang katagang “bawal lumabas” nang banggitin ito ni Kim sa online protest ng talents ng ABS-CBN noong May 8, 2020.

Kaugnay ito ng pagsasara ng ABS-CBN noong May 5, matapos maglabas ng cease and desist order (CDO) ang National Telecommunications Commission (NTC).

Sabi ni Kim noon, "Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-comply ka na bawal lumabas.

"Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas."

Ikinumpara ng 30-year-old Love Thy Woman actress ang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN sa rules na pinaiiral daw sa eskuwelahan.

Hindi niya ito malinaw na naipaliwanag, at kaagad na umani ang aktres ng batikos at pang-aalipusta mula sa nagmamagaling na netizens.

Bagamat aminadong nasaktan, bumangon din si Kim sa kontrobersiyang kinasadlakan.

Ginawan pa nga ng kanta at merchandise ang “bawal lumabas” meme, at ipinantulong ang mga nalikom dito sa mga COVID-19 response.

Continue reading below ↓

NCR, 4 RPOVINCES PLACED UNDER MECQ ANEW

Simula hatinggabi ngayong August 4, Martes, isinailalim muli ang Metro Manila at ang mga probinsiya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa MECQ.

Magtatagal ito hanggang August 18.

Sa ilalim ng MECQ, maghihigpit muli ang gobyerno sa paglilimita sa galaw ng mga tao sa loob ng labinlimang araw.

Hindi rin pinapayagan ang anumang pampublikong sasakyan sa mga lansangan.

Maglalabas muli ang local government units (LGUs) ng quarantine passes sa bawat pamilya na gagamitin ng lalabas upang bumili ng pagkain at gamot.

Ang medical frontliners lamang at mga taong nagtatrabaho sa essential companies katulad ng supermarkets, bangko, at botika ang pinapayagang bumiyahe at magtrabaho.

Bawal din ang domestic flights at domestic travel.

Hindi rin maaaring magkaroon ng public gatherings sa lagpas sa limang tao.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu: "MECQ Back to you. BAWAL LUMABAS OH. BAWAL LUMABAS.”
PHOTO/S: Courtesy: @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results